ALYSSA POV
"Sorry Den, I can't stay here, kailangan ko na din kasi umuwi. Nag iintay din si Sam eh... " Paalam ko dito ng maipasok ko sya sa bahay nya. Inalalayan ko pa din sya sa kwarto nya, nag iwan din ako ng tubig sa bedside table nya.
Sa tingin ko naman ayos na sya, nakahiga na ito sa kama nya.
Tumalikod na ako."........"
"May sinasabi ka Den?"
"..ingat ka."
"Sige, salamat. Alis na ako hah." Tumango ito.
Tiningnan ko muna kung may gamot ba syang pangalis hangover, at pagkain. Meron naman.
Sinigurado ko na naka lock yung pinto bago tuluyang umalis.
Habang papunta sa bahay naalala ko yung dalawang nag uusap kanina sa may parking.
Pagmamahal nga naman.
Mahal nga nila ang isa't isa,
Huling-huli na nga lang para sakanila.Naalala ko naman si Sam.
Alam kong sinabi kong sasakapin ko sya,
Sinabi ko din na wala akong hihingin na kapalit.I never heard her say the three words...
Well parang narinig ko na sya,
Pero baka panaginip ko lang.Pero kung hihintayin ko pa sya,
Ayaw kong dumating sa punto na matulad kami kay Ash at Sophia.Pagkadating ko sa bahay, hinayaan ko na muna yung pinamili namin sa kotse at dumeretsyo na ako sa kwarto, dahan dahan kong binuksan ang pinto.
Nakita ko syang inilagay nya yung kamay nya sa mukha nya.
Umiiyak ba toh.
Lumapit ako dito, humiga ako sa tabi nya at niyakap sya habang nakatalikod saakin.
"Sammy... umiiyak ka ba?"
"Ly.. nandito ka"
"Anong Ly... Babe dapat.." she giggled with my response. I smile.
"At syempre, bakit parang gulat na gulat ka? sabi ko naman sayo diba, medyo na late nga lang ng konti."Hinawakan nya yung kamay kong nakayakap sakanya, I kiss her head.
"Bakit umiiyak naman ang baby ko?" I whispered.
Instead of her answering.
"How's Den?"
"Ayun, ayos naman sya. She was sober enough nung dumating kami sa bahay nya kaya hindi na ako nahirapan."
Tumango naman sya.
I hold her tight, pressing a kiss on her head.
"Masakit ba puson mo? Any cravings? Wala na ba tayong stock ng napkin dito? Kelangan mo na ba? may bili tayo kanina ah, kukunin ko sa kots--"
Aalis na muna sana ako pero hinigpitan nya hawak sa kamay ko.
"Ayos lang ako. Thank you" she softly said.
"Inaantok ka na?"
"Not really."
"Care to share your thoughts with me."
She glance at me first.
"...I feel bad about Ash and Sophia."
"Wala naman nakakatawa babe eh." Suway nito saakin"Yan ba yung dahilan kung bakit ka umiiyak?" Hindi naman sya nag salita.
"Natawa lang ako, kasi on my way here, naisip ko din sila... Wala naman tayong magagawa eh, that's how love works. Magulo. Hindi natin alam kung saan ba tutungo yung pagmamahalan ng dalawang tao... But everything happened for a reason. Masakit man, pero kailangan tanggapin.."