Pinagmasdan ni Chie ang dalawa at di na napigilan ang sarili na kumportahin ang mga ito.
"nakakainis na kayong dalawa hah! Hindi ko na alam ang gagawin ko sainyo."
"Wala naman kaming ginagawa say--"
"Anong drama ang meron sainyong dalawa? Naninibago ako na ako hah, ilang linggo na yan."
"Ang alin?" Takang tanong ni Alyssa.
"Yan!" Sabi ni Chie, sabay turo sa dalawang kaibigan nyang busy magbasa.
"Chie.."
"Yes, babe?"
"Tsk." Ibinalik na lang ni Alyssa ang atensyon nya sa pag basa.
"May bisita ka nanaman."
"Alyssa, my cousi--"
"Huwag mo akong paandaran ng ganyan Benedix" sabi ni Ly sabay tayo at paalis na sana.
"Alam mo ba, panira ka talaga lagi ng moment!"
"Hindi naman ikaw pinunta ko dito."
"May sinabi ba ako?!"
"Wala!"
"Sam" pag pukaw ng pansin nito sa babae bago ibinaba ang binabasang libro.
"H-huh?"
"Iwanan na natin yang--"
"Samber, inom na tayo. Para hindi ko na mapansin tong mokong na toh."
"May usapan kayo?"
"Oo, si Sam nag yaya kanina."
Nakakunot ang noong tumingin si Alyssa kay Samantha.
"T-tara na Chie." Inilagay nya ang hawak nyang aklat sa coffee table at nauna na sa dining table.
"Manhid..." Mahinang banggit ni Chie. "Argh! Bakit sobrang manhid nyoo!" Sinabi nya na parang napakalaking problema ang dinadala nya.
Tiumingin ito kay Alyssa.
"Ly, pwede ka din sumali, if you want lang naman." Paalam nito bago sundan si Sam. "At ikaw naman, matulog ka dyan." Pahabol nito nang malagpasan si Ben.
Nakatanaw lang si Ben, nang makalayo layo na ito.
"Manhid ka din naman." bulong nito sa sarili
Tinapik ni Alyssa si Ben bago sumunod kay Chie. She gesture him to follow her
"Sam, don't drink to much." Paalala ni Alyssa.
"At talagang si Sam la---"
"Ikaw din Chie." Pag putol ni Alyssa sa sasabihin ni Chie.
ALYSSA POV
"Tingin mo dapat natin silang hayaan?" Tanong ni Sam habang nakamasid kami sa nag iinuman na si Ben at Chie.
"Bahala sila sa buhay nila, sabing tama na ayaw maniwala, parang di pwede ipagpabukas." Natawa naman sya sa sagot ko. "Ayos na din toh, at least magkasundo sila, hindi yung nagpaparinigan sila. Pwede naman mag usap ng maayos."
Sam shakes her head.
Sabado naman bukas.
Makakapagpahinga naman sila.It's been over a month since Chie and Kyle broke up.
Ganun din ang pag amin nito kay Sam.
"Napapadalas punta dito ni Ben ah" every weekend talagang pumupunta sya dito para asarin si Chie.
"Di na lang ligawan kung liligawan nya noh"