#12 part 4

535 13 0
                                    

SAMANTHA POV

"Ms. Bernardo, sorry for bothering you about this... Pero bukod kasi kay Anji, napapansin ko nitong mga nakaraang araw na parang malapit kayo sa isa't isa." Sabi ni Sir Ray, coach nila Alyssa.

"Hindi ko po mapapangako na papasok na sya sa lunes. Pero ita-try ko po syang kontakin."

"Maraming salamat hah. Yung batang yun kasi, di nag papaalam. Nag aalala din kasi ako dun."

"Sam--- ay sorry po... Wait na lang namin ikaw sa labas hah." Pag lingong ko, nakita ko sila MJ. I just nod.

Nag aya kasi si MJ na kumain sa labas, treat nya. Para daw maka pag bonding kaming lahat kahit papaano.

"Sige na, may lakad pa ata kayo. Salamat talaga Ms. Bernardo."

Nag paalam na din ako.

May bagong bukas na kainan malapit sa school kaya naglakad na lang kami papunta dun.

I walked beside Anji.

"Anji, alam mo ba kung nasaan ate mo?"

"Hindi po eh, patatlong araw na po syang hindi umuuwi sa bahay... Nakakausap ko naman po, kaya lang di nya sinasabi kung nasaan sya."

Pumasok sya nung nagpasa kami sa Art project, nagtataka nga ako nung hindi sya pumasok kahapon at ngayon. Nalaman ko kay Sir Ray na hindi din sya umattend sa practice nila nung Wednesday.

Ayos lang ba sya?

~~~~~~

"Hoy Samantha!" Napatingin naman ako kay MJ.

"H-hah?"

"Sabi ko, nandito na yung foods, nag sisimula na kaming kumain, ikaw hindi mo pa ginagalaw yung saiyo. Tsaka, kanina ka pa tahimik dyan? Ang lalim ata ng iniisip mo?"

"Ahmm ano, wala lang." Yun na lang nasabi ko at sinimulan na kumain.

Nag patuloy lang mag kwentuhan at kumain kami. May mga nag pi-picture din at tuloy post sa mga social media nila.

"Guys, it's on me sa next na kakain tayo."

All of us cheer with what Diana said. Kahit na medyo nakakahiya kasi nakatingin saamin yung ibang tao.

Mayamaya din ay nag ayaan na umuwi kasi madilim na din sa labas.

Nag paalam na kami sa isa't isa.

"Are you sure? Pwede ka nam--"

"It's okay Shai... I promise, I'll update you na lang if  nakauwi na ako."

"But--"

"You making your mom wait oh, ayos lang ako. Byee! Tell tita I said hi."

Pinagmasdan ko lang na paalisin ni Anji si Shai.
Shai doesn't have a choice but to give up.

"Ingat ka hah, uwi ka kaagad." Niyakap naman nya si Anji bago tuluyan umalis.

She was smiling but when Shai was out of her sight, that smile vanished.

"Anji" napalingon naman ito.

"A-ate, nandyan ka pa pala."

"You seems bothered by something... Si Ate mo ba?"

She just look down, I went beside her and put my arm around her shoulder.

"Ayaw mo pa ba umuwi sa inyo?"

"Wala pa naman po sila dun."

Yung parents nila siguro yung tinutukoy nya.

Samly OneshotsWhere stories live. Discover now