CHAPTER FIVE

184 15 0
                                    


CHAPTER FIVE

KRISTINE'S POV

Pagkatapos ng biglaang pakikipag-usap sa akin ni Jairo ay ang pagbabalik namin sa kanya-kanyang mundo.

Madalas ko pa rin silang makasalubong ni Blaire na minsan ay ginugusto ko na lang dumaan sa ibang hall kesa sa nakasanayan ko tuwing pupunta ako sa library.

Speaking of library, hindi ko na rin nakita sa Jairo sa loob nun simula last time. Buti naman at payapa na akong nakakapagbasa at nakakapag-review.

Ilang linggo pa ang binilang at finally, nakakayanan ko nang hindi maramdaman ang presensya niya. Hindi na rin ako nagiging apektado nang sobra-sobra tuwing magsasalubong ang mga tingin namin.

Unti-unti ay nalalaman ko na sa sarili kong kaya kong mabuhay ulit nang hindi na sobrang nasasaktan tulad noon.

And as usual, after ng semestral break namin ay ang Foundation week. Katulad last year ay may pa-booth ulit pero sa first year lang ito assigned at sa bawat club. Ang mayroon ngayon sa second-year hanggang fourth-year students ay talent show.

Bilang pagce-celebrate ng ika-twentieth anniversary ng STEP UP University, magkakaroon ng kaunting performance para sa mga bisita. At syempre, ang higher years ang bahala roon.

Pwedeng sumayaw, kumanta, tumula, umarte, at kung ano pang performance ang pwedeng gagawin. Kada course and year ay lima ang magpe-perform.

Hindi naman na ako sumali kaya hindi ko gaanong alam kung sino-sino ang mga representative ng bawat course at year. Ang alam ko ay kakanta si Xei, tapos ang Black Dragons ay sasayaw. Since iba-iba sila ng course ay dapat kanya-kanyang performance pero syempre dahil pamangkin ni Ma'am Haru si Nathan ay pinayagan sila na iisang performance lang silang lahat.

Sayang nga at umalis si Mr. Trying eh. Pakiramdam ko tuloy kaya lang siya pumunta sa ibang bansa ay para takasan ang performance na ito.

Nasa cafeteria ako ngayon dahil napilit na ako nila Xei at Hyaciel na kumain kasabay nila. Saglit akong natigil sa pagkain ng lunch ko nang mapansin sina Jairo at Blaire sa kabilang table.

Kapag sinuswerte nga naman oh. Napailing na lang ako saka tumuloy sa pagkain. Akala ko ba hindi ka na apektado? Ba't may paganon pang react, Tine? I rolled my eyes.

"Tingnan mo 'tong babaeng 'to," rining kong reklamo ni Hya. "Kung makakapit sa braso ni Jairo eh parang sawa. That's so ew."

"I couldn't agree more, twin. Nakakairita rin yung pagtataray niya sa atin kahit 'di naman natin siya inaano," segunda naman ni Xei.

"Pero in fairness, kambal. Hindi na dumidikit si Mari kay Nathan."

"True. Siguro finally, na-realize na niyang taken ang boyfriend ko. Pero curious ako kung paano."

Nang dahil sa sinabi ni Xei ay muli kong naalala yung itatanong ko kay Cyril. Buti na lamang at nakausap ko siya nung isang araw at nakipag-palitan ng number.

Mabilis akong tumipa ng message.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

To: Cyril

Hi. Can I talk to you later after class?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Pagka-send ko ay tiningnan ko siya sa table nila ni Jairo. Nakita ko siyang kinuha ang phone niya mula sa pocket saka inangat ang tingin na para bang may hinahanap.

Definitely A Mistake [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon