CHAPTER FIFTEEN
KRISTINE'S POV
Nasa harapan na ako ng event place. Nagmukha na naman siyang deja vu nang maramdaman ko ang sunod na flash ng mga camera.
Katulad noon ay ibinaba lang ako ni Ayel dito pero hindi na kulay pula ang suot ko kundi ay puti.
Ngayon ay hindi na ako mag-isang naglalakad. Kasabay ko na sila Xei at Hya.
At hindi tulad noon, may lalakeng naghihintay sa akin bago tuluyang pumasok sa loob.
At the end of the red carpet, the girls and I parted ways.
Xei with Nathan.
Hyaciel with Sean.
And me with...
I saw him smile at me. Hindi ko naman napigilang mailing saka ngumiti.
"Ang ganda mo naman ngayon, Binibini," he complimented me as he stood beside me. He offered his arm which I then accepted.
I rolled my eyes before smiling at him. "You are not so bad, Cupid."
Sinamaan niya naman ako ng tingin na nagpatawa sa akin. "Baliw ka na nga. Paulit-ulit ka riyan ah."
"Inaasar mo kasi ako nang inaasar edi ibabalik ko lang sayo yung pang-aasar. Kala mo sa akin? Nagpapatalo?"
Napailing naman siya saka ngumiti. "Ikaw nga talaga ang Ms. Matapang ni Bryle." He opened the door for me and slightly bowed. "In you go, my lady."
"My lady ka dyan. Porkchop ka talaga," naaasar ko kunwaring reklamo saka rin naman pumasok.
The decorations amazed me. Ibang-iba siya sa setup last year pero ang ganda ganda pa rin. "Halika na at ihahatid pa kita," biglang sabi ni Cyril na nasa tabi ko na pala.
He offered his arm again so I put mine around it. Akala ko ay sa table niya ako ihahatid kaya lang ay lumabas ulit kami sa kabilang side—iyong papunta sa loob ng campus.
I wanted to ask kung saan kami pupunta kaya lang ay agad din naman kaming huminto sa harapan ng library—yung tambayan ko.
"Anong ginagawa natin dito?" naguguluhan kong tanong sa kanya.
Hindi niya naman binubuksan ang pinto at nanatiling nakatayo sa tabi ko. "Well... napag-utusan lang naman ako. Hindi mo raw kasi sinagot yung message niya."
I blinked numerous times when the information was finally absorbed. He's right. I removed Jairo's number last year, but the text earlier this day was from him—simply because he put his name there.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
From: 0936*******
Be my date, Kristine.
~ Jairo G.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hindi lang iyon ang message niya dahil may dumating pang isa.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
From: 0936*******
Only if you want to, of course. I won't force you.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
And another.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
Definitely A Mistake [COMPLETED]
Romance~•~•~ Mistake Duology: Book 2 Cutiee Series Y ~•~•~ Even with an "out-of-this-world" experience with love, Kristine continued her normal life, but... Second year college and everyone were still not letting go of the issue between Kristine's and Jair...