CHAPTER TWENTY-EIGHT

133 13 0
                                    


CHAPTER TWENTY-EIGHT

CYRIL'S POV

Ilang beses akong nagpabalik-balik ng paglalakad. Alam ko kasing posible pero parang hindi. Alam ko ring malalaman ko kung makakausap ko siya pero para rin namang ayoko.

Pakiramdam ko ay muli akong aasa sa wala.

Alam kong mas malaki ang posibilidad na tama ako sa kanya kaysa noon. Pero kasi...

Napabuga na lang ako ng hangin saka muling umupo.

There's only one way to find out and I... I couldn't wait this long again. I at least have to try before waiting for another lifetime.

Tuluyan na akong lumabas ng bahay saka pumasok sa paaralan. I have to talk to Kristine. I have to know what she knows. I need to find my answers.

Nang makarating ako sa university ay pumasok muna ako sa klase. Kakausapin ko na lang siya during break time. For sure ay may klase pa noon si Jairo kaya masosolo ko si Tine.

After what seemed to be an eternity of waiting, I finally got up and walked fast towards her room. Sakto namang kalalabas niya lang din.

"Oh, Cyril! Napadaan ka. Do you need something?" nakangiti niyang tanong.

Walang patumpik-tumpik na akong tumango. "I... I found Psyche."

Dahan-dahang nanlaki ang mga mata niya. Even her mouth dropped open. "S-Seryoso? OMG! Congrats!" Bigla niya akong niyakap.

Sa hindi malamang dahilan ay bahagya akong natigilan saka pinakiramdaman ang yakap niya. This... this feeling seems so familiar.

Nang magsawa siya ay pinakawalan niya ako saka nakangiting tumingin sa akin. "Makikita ko rin ba siya? Kaya ka ba lumapit sa akin?" Halatang excited siya.

Tumango naman ako. "Pupuntahan natin siya mamayang gabi. Ibibigay ko ang address sayo. Kaya lang ay baka hindi kita masabayan sa pagpunta—"

"Ano ka ba! Ayos lang. Sayang lang at baka hindi rin ako maihatid ni Jai pero ayos lang din. Hindi niya pwedeng malaman 'yan eh," seryoso niyang pahayag.

I took a deep breath. "Sige. Text ko na lang sayo yung address. Mag-iingat ka ha?"

Tumango naman si Tine habang nakangiti. "Sige sige. Excited na ako."

Napangiti na lang din ako saka pumasok sa susunod kong klase.

Kailangang mag-isa lang siyang pumunta... para masundan siya ng lalakeng iyon.

When the class ended, nauna na ako sa lugar na daraanan ni Tine mamaya. I hid somewhere and patiently waited for her.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nakita ko nang naglalakad mag-isa si Tine habang nakangiti. Mukhang hindi niya napansin ang lalakeng maimtim na nakasunod sa kanya.

Nang mapansin kong wala nang tao silang kasama sa eskenitang iyon at malapit nang saktan ng lalake si Kristine ay agad akong lumabas sa pinagtataguan ko saka ginamit ang kapangyarihan ko para palutangin ang lalake.

Halatang nagulat si Kristine sa nakita niya nang lingunin niya kung saan ako nakatingin. "Venven?" Nanlalaking mga matang tumingin sa akin si Tine. "C-Cy. Kaibigan ko 'yan. I-Ibaba mo siya," nag-aalalang sabi niya.

Umiling naman ako. "I won't put him down unless he answers my question. And I know for sure that he is no longer your friend, Kristine," sagot ko habang seryoso pa ring nakatingin sa lalakeng nakalutang at nagpupumiglas sa pagkakahawak ko.

"H-Ha? Baka nagkakamali ka lang, Cy. Kararating niya lang rito sa Maynila—"

Agad kong nilingon si Tine. "Trust me when I tell you that he's not your friend. At least, not the soul inside him."

Natigilan si Kristine saka naguguluhan at nagtatakang napatingin sa kaibigan niya. "H-He's Venven. I know he is—"

The guy then maniacally laughed, causing Kristine to stop talking. His eyes suddenly changed color. Naging itim ito na may halong pula. "Venven, huh?" a monstrous voice came out of the guy's mouth. "Keep believing that and I swear it'll be easier for me to take your life."

Kristine looked speechless— immobile shocked. Nang makabalik ito ay naiiling siyang nagsalita. "Nasaan si Venven‽ Sino ka‽ Ibalik mo si Venven!"

Muli na namang natawa ang halimaw. "Your Venven is no longer existing, you worthless human. He's dead and you too, once I get out of this magic. I am now taking over his body and I could keep doing this—having this normal life if I could only finish my given task."

Lumingon sa akin si Tine. Her eyes held curiosity, worry, sadness, and anger. Tons of emotions made me look at the monster.

"And your mission is to kill Kristine?"

Binatuhan naman ako ng galit na tingin ng lalake. "And should I answer you, you nonsense cupid‽ I could've had a happy life, and yet, you destroyed it."

Hindi ko pinansin ang mga huli niyang sinabi. "You already did say your mission, stupid beast. I just had to confirm it. Who told you to do that mission?"

He scoffed. "Which powerful being has been playing around with humans and other beings?"

Napapikit naman ako. I knew it! She always had something to do with it!

Muli akong napatingin sa halimaw nang umangil ito. "Now, let me go so I could finish my mission!"

I shook my head. "I can't do that."

Sinamaan ako ng tingin ng halimaw. "And why‽ You are a god! You shouldn't give a damn about these humans unless you do what you're tasked to do. Other than that, you shouldn't be meddling with their lives!"

Napatingin ako kay Tine na hanggang ngayon ay tulala. "She's not just a human being. She is my queen." Mas lalong nadagdagan ng kaguluhan ang mukha ni Kristine.

She was about to speak when Orven screamed so loud like he was in pain. "No! No! Give me another chance! No!" sigaw niya hanggang sa may biglang lumabas na abo sa katawan niya.

Nawalan naman ng malay ang lalake kaya ibinaba ko ito at agad nilapitan ni Tine.

"A-Anong nangyari sa kanya?" takot na takot na tanong ni Kristine.

Pinakiramdaman ko naman ang pulso nito saka malungkot na tumingin kay Tine. "I-I'm sorry."

Ilang beses umiling si Kristine habang sunod-sunod na nahuhulog ang mga luha niya.

Hindi ko naman mapigilang mairita. This is my mother's doing. She should pay for it.

Wala na kaming nagawa ni Kristine kundi dalhin ang katawan ni Orven sa dorm nito saka inihiga ng maayos sa kama.

I told her that we should make it look like he died peacefully in his slumber. But I did promise her that we'll make the person responsible for this pay.

Definitely A Mistake [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon