CHAPTER SEVENTEEN

146 10 0
                                    


CHAPTER SEVENTEEN

KRISTINE'S POV

After the ball, Jairo always asked me if he could drive me home. I mean he's already driving me crazy, so of course, he could drive me home too. Napailing na lang ako sa pinag-iisip ko.

Tahimik lang din naman kami sa loob ng kotse niya. Kinausap niya lang ako nang magpaalam na siya. Tinatanguan ko lang naman siya saka iniilingan. Ang saya-saya ko talaga kausap.

Nang makapaglinis ako ng katawan at nakapag-palit ng pantulog ay humiga na ako sa kama. Next week ay magsisimula na akong magreview para sa finals namin next next week. Kaya naman ayos lang na mag-enjoy enjoy muna ako.

Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kaya napaupo ako sa kama. It was Ayel. For sure, it's about the overnight.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

From: Ayel

Tomorrow night. Our home. I am pretty much—or very much excited. I wanna hear what happened to you at the ball!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Napailing na lang ako saka ko napansing nakangiti ako. Well, it was indeed still a great night. A great dance. A great time.

Hindi ko na naman napansing palaki nang palaki ang ngiti ko kung hindi pa ako napalingon sa mirror sa kwarto ko.

Muli akong humiga saka napatitig sa kisame. I'm now curious what will happen tomorrow.

Inayos ko na ang sarili ko saka ako nakatulog. When I woke up in the morning, I fixed myself and my stuff for later. Sinabi naman sa akin ni Tita Winette kung ano-ano ang dapat kong dalhin.

Pagdating ng hapon ay nagpaalam na sa akin si Tita at papasok na siya sa trabaho. Ako naman ay hinihintay sunduin ni Ayel. After a couple more minutes, I heard a car honk.

I quickly grabbed my backpack and made sure that everything was fine, turned off, switched off, and locked before I left the house. Napangiti naman ako nang makita ko ang kotse ni Ayel. Hindi na siguro tumawag at minamadali na ako.

I opened the door to the backseat to put my bag there before going to the passenger seat. Sakto naman, pagkaupong-pagkaupo ko ay nilingon ko si Ayel—hindi siya si Ayel.

"Ayel asked me to pick you up. She's running an errand as we speak," paliwanag ni Jairo nang makita ang pagkagulat ko.

Napatango naman ako saka umayos ng upo at isinuot ang seatbelt. Balak ko lang na naman sanang manahimik kaya lang ay nagsalita siya.

"So... a sleepover huh?" Tumango ako. "Sa bahay?" Tumango ulit ako. "Did you lose your tongue?" Nilingon ko siya saka sinamaan ng tingin. He then chuckled. "Okay, okay. But you know... mapapanis yang laway mo kapag hindi ka nagsalita." I remained flatly looking at him. Ngumisi lang naman siya habang nagda-drive. "Paano ba ulit kita mapagsasalita? I mean you did talk to me yesterday but this is a different day, you know?"

Hindi ko na lang siya kinausap saka ako tumingin sa harapan. I closed my eyes and was about to take a nap when Jairo turned the radio on.

"Itanong mo sa akin... kung sino aking mahal." Agad akong napadilat saka napatingin kay Jairo. "Itanong mo sa akin... sagot ko'y di magtatagal." Lumingon naman siya sa akin nang ma-stuck kami sa traffic. "Ikaw lang ang—T-Tine..." He looked worried and I was about to ask why when I saw and felt his hand wiping something off my cheek.

Definitely A Mistake [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon