CHAPTER ELEVEN

157 12 0
                                    


CHAPTER ELEVEN

JAIRO'S POV

Finally, the performance week finally began. Kahapon, Monday, ay opening lang ng foundation week. Puro mga booth na inihanda ng mga first year. As for the actual event, syempre ay nauna ang fourth years dahil sila ang pinaka-matanda. Sakop nila ang Tuesday performances. Wednesday performances naman ang sa third years. At Thursday kaming mga second year. Ang Friday ay nakalaan para sa SU Feest.

Today is Thursday and it has been a week since I last went near Kristine.

Isang linggo ko na namang pinilit ang sarili kong tingnan siya mula sa malayo.

Isang linggo na namang pilit kong pinigilan ang sariling kausapin siya.

I know that she still hangs out inside the library during lunchtime.

I know that during her break times, she prefers to spend it under the tree where we used to share a simple but memorable—at least, for me—conversation.

I also know that Ayel asks her to hang out at least twice or thrice a week.

Ilang beses ko na ring muntikang lapitan siya pero buti na lang ay napipigilan ko ang sarili ko.

"Ano na? Handa na ba kayo?" narinig kong tanong ni Nathan. Nasa loob kami ng basketball gym at kasalukuyan silang nag-aayos ng costume nila.

I heard Cyril grunted. "Seryoso bang pinatulan natin 'tong gimik na 'to?" Gusto ko sanang umiling sa reklamo niya. Eh isa naman siya sa may gusto noon na gawin 'yan tapos ngayon eh magrereklamo.

Mahina naman siyang binatukan ni Sean. "Baliw ka talaga. Have you forgotten? Dagdag points din 'to sa performance task natin tapos plus points pa sa fans natin."

"Sus! 'Wag mo 'kong pinaglololoko, Sean! Magpapa-pogi points ka lang kay Miss April na hindi ka naman tinatapunan ng tingin—Aray! Hoy! Masakit ah!" angal ni JP nang simulan siyang habulin ni Sean habang hinahampas ng empty plastic bottle sa braso.

Lumapit naman sa akin si Cyril. "Ikaw? Seryoso ka na dyan sa gagawin mo?" Ang seryoso ng paraan ng pananalita niya't pagtingin sa akin.

Parang iba yung pakiramdam ko nang tingnan ko ang kulay Amber niyang mga mata. Para bang binabasa niya ang kaluluwa ko. Iba talaga. Pramis!

Tumikhim ako saka pilit na inaalis ang kakaibang pakiramdam. Hindi ako nagsalita at tumango na lamang.

Maayos na ulit ang lahat. Nang lumingon ako kela Sean ay hindi na sila naghahabulan at kanya-kanya nang mundo sa pag-aayos sa itsura nila.

Para namang may magbabago eh mukha pa rin naman silang mga asungot. Ako lang talaga ang gwapo rito.

Bahagyang nabawasan ang kaba na nararamdaman ko dahil sa sarili kong kalokohan.

Magpe-perform din kasi ako kahit hindi ko sigurado kung bakit ko iyon nagawa. Alam ko sa sarili kong imposible pero plano ko sanang iparating sa kanya ang nararamdaman ko kahit sa pamamaraan lang ng pagpe-perform.

To be honest, I plan to confess my feelings for her through this. I plan that after I play and sing the song, I'll have the courage to finally tell her, in front of the crowd, that I'm madly in love with her.

Kaya lang bigla kong naaalalang komplikado ang sitwasyon ko.

Kaya lang... bigla kong maaalalang may girlfriend nga pala ako na kilala ng buong campus.

Napabuntong hininga na lang ako saka sumunod sa apat na asungot nang magyaya na sila papunta sa actual backstage ng pagpe-perform-an.

I was focusing on what I'm about to do when I heard the next performer's name. "Let us cheer for our next performer, Blaire Sanchez!"

Agad kong naramdaman ang tingin ng mga kaibigan ko. Kahit hindi ko sila lingunin ay paniguradong lahat sila ay halatang gustong magtanong sa akin.

Eh kahit ako ay hindi ko alam na kasali pala siya.

Malamang sa malamang ay nag-ingay ang mga tao roon. They were cheering for the volleyball captain, Blaire.

Hindi ko siya nakikita at tanging nakadepende lang sa pandinig ko ang nalalaman kong ginagawa niya.

I was a bit surprised when I heard the keys to the piano. She... plays?

The day has come, to let you go

Only happiness, I will show

First line pa lang, agad akong nakaramdam ng halo-halong emosyon.

I'll always be here for you, you know

Nothing takes away my love and it shows

Of all the songs that she could play... Why does it have to be that kind of song?

You've grown up now, things have changed

Grew some wings now, you're flying away

"Pre, may nangyari ba sa inyo ni Blaire?" rinig kong tanong ni JP.

Umiling naman ako. As far as I know, we still are what we were.

I'll always be here for you, you know

Nothing takes away my love and it shows

Hindi ko na maiwasang hindi siya tingnan. Blaire looked so serious. Kumbaga game face siya ngayon. But then... as her song goes on... she then smiles... a sad one though... a very painful smile.

She somehow looked like a broken angel. And I couldn't help but think and assume that I was the culprit.

Blaire might not be the woman I love the most, but I still spent time with her.

Yeah nothing takes away my love

When I let you go

Nagsimula nang umingay ang bulungan sa audience. Mukhang kahit sila ay nakararamdam na para bang may mali.

Blaire continued performing and the audience became quieter and quieter. It seems to me that they are taking in every line of the song. Yung pamamaraan kasi ng pagkanta niya ay madarama mo rin talaga ang sakit.

Once she was done performing, the crowd remained silent. Blaire stood up, faced the audience, and bowed gracefully. Very much not like her. But her bow resulted in people clapping and cheering louder and louder. Kahit naman kasi sila ay gulat na gulat sa nangyayari at sa ginawa ni Blaire.

Nang makababa siya sa backstage ay agad siyang ngumiti sa akin. It wasn't a happy smile. It was that smile plastered on her face while she was performing.

"Blaire..." I did not know which force pushed me to speak her name softly as if saying it louder would break her in an instant.

She walked toward me and held both of my hands. I could feel the boys' stares at me. "Jairo... Like the song... The day has come... for me to let you go." Tear after tear fell down her cheek as she tried her best to smile at me. "I don't think I have to explain the reason, right?" She let one of my hands go to wipe her tears. "Now... Sing for her, okay? 'Wag mo nang lokohin pa ang sarili mo. Be with her. I won't be a hindrance anymore." She softly caressed my cheek. "I don't want to see you in pain, Jairo. So please... hayaan mo na ring maging masaya ang sarili mo." I don't know why but she's a lot more beautiful when she cries. "Let's finally end this, Jai. Thank you for everything."

Pagkatapos noon ay umalis na siya. I was too stunned by what happened and what she said when I saw Cyril standing in front of me, holding out a handkerchief. "Here you go. You don't want the whole campus to see you crying."

Saka ko lang napansing umiiyak na rin pala ako kaya naman inabot ko iyon saka agad na pinunasan ang basa kong mukha. Nang lingunin ko ang mga kaibigan ko ay kung saan-saan sila nakatingin. Probably avoiding watching me in this weak state.

Hindi pa ako tuluyang nakaka-recover ay tinawag na ang grupo namin. Fortunately, I'm not performing with them so I ended up alone backstage. After their performance, I'll be the next one.

Sing for her, okay? 'Wag mo nang lokohin pa ang sarili mo. Be with her.

Blaire's words kept repeating in my head. I felt bad for her, but I also felt relieved. I felt happy, but I also felt more confused.

What the f*ck should I do?

Definitely A Mistake [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon