<§§§ 5 §§§>

436 13 0
                                    


Pagkapasok namin ni ate, dumiretso ako sa kusina para ilagay ang pinagkainan ko sa lababo... Huhugasan ko na sana ng sumingit si Manang Josy

"Ahy iha, pabayaan mo na yan jan... Ako na lng mamaya maghuhugas nyan. Magpahinga ka na lng muna dun sa kwarto mo dahil alam kong napagod ka sa skul mo" -Manang Josy

"Ahy manang hindi na po, kaya ko naman po eh" Hoy wag kayo, magalang at masipag pa rin ako kahit papano

"Sige na Sam, akyat ka na sa kwarto mo. Ako na jan" -Ate Lins, na kakapasok lng galing sa likod kung saan naglaba si Manang Josy. May dala dala syang kung anong planggana

"Eh?!! Mukhang may gagawin ka pa oh! Ako na, kaya ko na eh -3- " Pagpupumilit ko

"Madali lng magsampay Sam. Hala sige na, magpahinga ka na" -Ate Lins

"Gumawa ka na lng ng assignments o project mo iha" Dagdag naman ni Manang

Haaay... =___= Wala na akong takas sa mga to. Ayaw talaga nila akong pagawain ng gawaing bahay. Oo, may kaya naman kami pero gusto ko pa ring matuto... Pero pano naman, e kung ituring kami ni Glen dito e "Royal Highnessess"

"Oh Carol, pagkatapos mong isampay yang mga damit sa labas tulungan mo naman akong isampay ung mga kurtina at comforter ah" -Manang Josy talking to Ate Lins

"Pwede sumama?" Tanong ko

"Iha, magpahinga ka na lng ha ^_^ " -Manang Josy

" *sigh* Sige na nga lng po" Sagot ko saka lumabas na ng kusina

Paakyat na ko papuntang kwarto ko ng maalala ko

"Manang Josy!! Ate Lins!! Paki gising nlng po ako kapag anjan na si Glen"

Nagpatuloy na akong umakyat when I heard their response. Pagkapasok ko, humiga agad ako sa kama na akala mong baliw na anlalim ng iniisip na nakatingin lng sa puting kisame. At ung akong nakita nyo kanina? Sa bahay ko lng talaga un ginagawa. Ang pagiging mabait at matulungin na side ko ay pinapakita ko lng sa mga taong malalapit sakin. Sa school? Im totally a different person. Haaaay!!
O yeah, Im sooo bored. Bumangon ulit ako at kinuha ung cellphone at earphone ko sa bag at nahiga muli.

[A/N: ~Future Star~
Kung gusto nyong pakinggan iklick nyo na lng ung link sa taas. Salamuch ^^]

Pinatugtog ko ung kantang hindi ko alam na magugustuhan ko kahit hindi ko man lng maintindihan ang lyrics. Theme song kasi sya nung anime na pinapanood ni Cassy nung isang araw, narinig ko lng sa kanya. Unang rinig ko pa lng nagustuhan ko na ung kanta. Ang cute pakinggan.
Patuloy ko lng pinakinggan ang kanta hanggang sa diko na namalayan, naka-idlip na pala ako...

.
.
.
.
.
.

Naalingpungatan ako't nagising. Pagka mulat ko'y napatingin ako dun sa may side table ko kung saan naroroon ang lampshade at iba ko pang gamit. 5:30 pm na pala. Nang mas napagtanto ko pa ang paligid, napansin kong nandon ung phone ko sa gilid ng kama. Gumalaw ako para makuha iyon kaso dahil rin sa paggalaw ko'y naalog ang kama saka unti unting nahuhulog ang phone ko.

"Sh*t!!" I hissed saka gumalaw ng mabilis para masalo iyon

Malapit ng dumampi sa lupa ng masalo ko ito. O_O !!! ~ o ~ I let out a deep sigh. Naknang! Nagising tuloy ang inaantok ko pang diwa =___=
Napa upo ako sa gilid ng kama and checked my phone kung may damage ba. Yep, mahalaga ang phone na to. Binigay sakin to ni... ni Dad nung Christmas 2 years ago
Haaaay... I really dont wanna talk about it right now. Naste-stress ako =__=

Saktong patayo na ako ng may kumatok sa pinto.

"Yes?!" Tanong ko

"Sam anjan na si Glen" Ahh, si Ate Lins

Unexpected Change [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon