<§§§ 26 §§§>

212 5 0
                                    

Kararating lang nila Art at Haiken sa kanilang dorm ng tawagin sila ni Jace

"Nakauwi na pala kayo... Kanina ko pa kayo tinatawagan pero mukhang nakapatay ang mga cellphone nyo, tsk!"

"Nalowbat yung akin" Sagot ni Haiken

"Ahh... May tumawag sa akin kanina eh di ko lang sinagot" Pagpapaliwanag naman ni Art

"Bakit naman hindi?!!"

" 'Do Not Answer' kase ang caller ID na nakita ko eh, sinunod ko lang"

Napahimas na lamang si Jace sa kanyang mukha ng marinig ang rason ni Art. 'Konti na lang ay kukutusan ko na talaga to' Isip nito

"Anyway may urgent meeting sa baba... Dalian nyo at sumunod na lang kayo"

Tumango na lamang sila at agad rin sumunod papunta sa secret basement ng kanilang dorm. Pumasok sila sa kwarto ni Haze at dumiretso sa isa sa mga kabinet nito. Binuksan ito ni Jace at may pinindot na button sa ilalim ng kabinet at nagpakita ang isang eye scanner sa loob. Itinapat ni Jace ang kanyang mata roon, matapos itong maiscan ay umilaw ang maliit na bulb sa taas nito at gumalaw ang kabinet revealing a passage behind it.

"Takte!!! Mabubulag ata ako sa pinaggagagawa natin... Sa dinami-rami ng pwedeng iiscan, mata pa talaga" Inis na singhal nito bago tuluyang pumasok

Pagkababa nilang tatlo ay nadatnan nila ang iba pa habang may tinitignan sa malaking tv sa gitna ng kwartong iyon.

"They're here" Sigaw ni Jace

"Aish!! Saan ba kayo nagpupunta? Pano kung emergency yung mga tawag? Pano kung naghihinalo na pala ang isa saatin?!! Sa susunod angatin nyo kaagad ha?!!" Panenermon sa kanila ni Dean

"Aangatin ko kaagad yun kung hindi si 'Do Not Answer' ang tatawag" Pabirong sagot ni Art, tinignan na lamang sya ng masama ni Jace bago lumapit sa iba pa

"May bagong bigay na kaso galing sa HQ, may isang organisasyon daw na ilegal na nagbibigay at nakikipagtransact sa mga maimpluwensyang tao ng kakaibang mga uri ng drugs sa iba't ibang lugar. But according to them dito daw madalas nangyayari ang mga transaction kaya't saatin naibigay ang kasong ito. Wala ng ibang naibigay na inpormasyon bukod sa pangalan ng master mind at ilegal na trabaho nila" Wika ni Kyle habang nakatingin sya sa laptop na nasa kanyang harapan

"What?! Yun lang?!! So that means bahala nanaman tayo sa paghahanap ng mga clues and shits?" Di makapaniwalang tanong ni Rich

Napabuntong hininga si Donne "Mukhang ganun na nga"

"Teka ano ba daw ang pangalan?" Tanong ni Jace

"I don't know if this will really help us... But the only name mentioned was 'Miss J' ... I think it's only like a code name" Nag-aalanganing tiningnan ni Kyle si Jace bago nito muling ibinalik ang atensyon sa kanyang laptop

"What?!!!" Biglang napatayo si Jace sa kanyang pagkakaupo "Dean akin na yang cellphone mo ng matawagan ko nga si Lila... Anong kabullshitan nanaman ba ito at lagi na lang syang nagbibigay ng incomplete information sa atin?!! Aish!!! Hahampasin ko na talaga sya kapag nakabalik na tayo sa HQ kahit babae pa yun!!"

"Jace calm down will you? Walang maitutulong yang pagrereklamo mo jan sa kaso. We can do this, kahit ganyan lang kaliit ang inpormasyon na naibigay sa atin. Lila knew that, she trust us" Pagpapakalma sa kanya ni Dean

"Pfffft~ Pano mo naman mahahampas si Lila eh ni buhok nga nya di mo mahawakan. Hindi ka pa nga gaano nakakalapit taob ka na" Pangiinis ni Art kay Jace na sinuklian na lamang nito ng masamang tingin bago muling umupo at humalukipkip na para bang nagtatampo sa mundo

Unexpected Change [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon