<§§§ 24 §§§>

181 6 0
                                    



Steph's Pov

"AAAHHHHH"

Bigla na lang akong napasigaw sa gulat at takot, and dahil sa reflexes ko agad kong pinagsasapak yung humawak sa balikat ko ng nakapikit

"Aray!!! Hoy sagli— Aray!!!!" Daing nito, agad naman akong napamulat nang marecognize ko kung kaninong boses iyon

"Hayup ka!!" Muli ko syang pinalo ng malakas sa braso "Bakit bigla bigla ka na lang sumusulpot ha?!!! Muntik na akong atakihin sa puso!!!"

Paulit-ulit ko syang hinambalos ng bag ko, "Stalker ka talaga!!! Bakit mo ako sinusundan?!!!"

Lumayo sya sa akin at binigyan nya ako ng What-The-Hell-Are-You-Talking-About Look

"Teka, teka nga?!!! Ako??" Tinuro nya ang sarili nya "Susundan ka??" Ngayon nama'y ako na ang tinuro nya

"OO!!!!!"

"*laughed sarcastically* Sa huling pagkakaalam ko ako ang sinusundan ng kababaihan Ms. Stephanie Villarde"

"Woah... Kapal talaga ng mukha mo Mr. Jace Garcia, nahiya na talaga yung dictionary sa 'yo"

"Just telling the truth babe... And besides kagagaling ko lang sa lab ng makita kitang kumakaripas ng takbo papunta dito na akala mo may humahabol sayong zombie or something...."

What? So that means hindi sya yun

"H-Hindi ikaw yung... humahabol sa akin?" Tanong ko sa kanya

"Eh wala naman kasing humahabol sa 'yo nung nakita kita..."

Pagkasabi nya nun ay napatingin ako sa likod nya kung saan ako nanggaling at sa kung saan ko nakita yung humahabol sa akin... Who in the world was that?

"And how stupid can you get? Bakit mo kinakalampag yang glass door? Malamang hindi yan magbubukas, 'EXIT' yan oh... E . X . I . T "

Bumalik ang tingin ko sa kanya at sa pintong kinakalmapag ko kanina, tumingala ako at nakitang tama nga sya. Naaninag ko ang mga tao sa loob na nakatingin sa akin with confused looks on their faces.

I felt my face heat up. 'Embarassing' Isip ko. Automatic kase iyon, nagbubukas sya kapag may papalapit na tao. Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang aking bag saka ako pumunta on the other side at pumasok sa loob

Am I just hallucinating? No. Im so sure of what I saw... May someone talaga kanina na humahabol sa akin. Di ko lang kilala kung sino. Naka all black pa sya.... Hala!!! Baka si kamatayan na yun?!!! Jusme LOOOORD!!! Kinilabutan ako bigla, pero saglit lang!!! Mamaya ko na iyon poproblemahin... My real problem now is.... HOW TO GET AWAY WITH THESE WEIRD GLANCES THEY'RE GIVING ME!!! Shaaaaks!!! Nakakahiya talaga, asaaaar!!!

Jace's Pov

I lied. I saw it. Pero kailangan kong sabihin sa kanya na hindi ko nakita para naman hindi nya na yun isip-isipin. Ayoko syang madamay. Ayoko syang mapahamak. Pero wala na akong magagawa, kahit anong gawin namin... talagang damay na sya

Napatingin ako kung saan sya galing kanina,

"Keep an eye on her" a voice beside me said, "It's getting dangerous"

Napangisi ako, "Poprotektahan ko talaga sya kahit hindi mo pa sabihin sa akin"

Napansin ko sa aking peripheral vision na napasandal sya sa pader at tumingin rin sa direksyong tinititigan ko, nabalot kami ng katahimikan ng ilang sandali bago ulit sya umimik

Unexpected Change [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon