<§§§ 6 §§§>

463 13 0
                                    


Haaaay... Bumabyahe pa lng kami. Mejo malayo yun sa bahay eh. Pero ok lng, enjoy ko naman ung malamig na hangin na aking nararamdaman habang tinatahak namin ang daan papuntang Night's Sunshine. Napatingala ako sa itaas at nakita ko ang milyo~ hinde, bilyong bituin na kumikislap sa madilim na langit habang ang motor namin ay umaandar at dinadala kami ni Glen sa dapat naming mapuntahan.

=____= Baliw na diba. Syempre wala ako sa katinuan jan. Pero totoo lahat ng sinabi ko jan ha. Hindi ko talaga bagay magpaka-histerical. Parang ang baduy na nakakakilabot na kung ano. Tsss, at pano namang hindi ako makakapag-histerical kung ang bagal ng nagmamaneho ng motor ko. Hindi nmn sa mabagal na parang pagong pero pag ako ang nagmamaneho, wala pang 1 segundo eh nakarating na kami dun. Mas mabilis pa atang tumakbo si Manang Josy dito eh kahit may edad na

"Hoy Glen! Dalian mo naman. Ang bagal mo magpatakbo ah" Reklamo ko

"Hmm! Ang OA mo ate. Ilang minuto pa lng ang nakararaan nung maka alis tayo sa bahay ah" Sagot nya sakin

"Lul, ang punto ko kung ako nagdrive baka andun na tayo kanina pa"

"Ahy naku ate. Kung ikaw nagdrive, panigurado akong hinahabol nanaman tayo ng mga pulis ngayon dahil sa napaka-kaskasera mong magmaneho. Para namang may karera ah" -Glen

"Tsss! Anong oras ba gig nyo?"

"8:30 pa yun ate. May ilang oras pa tayo" -Glen

"Ikaw ang may ilang oras pa. Pasalamat nlng na mga alas-11 ang pagsasara ng mall dto" Narinig kong natawa sya ng bahagya.

Ilang oras pa'y nakarating na kami sa bar. Pinark na nya ang motor ko saka kami bumaba.
Pagkapasok namin ay bumungad samin ang maingay na pagpapatugtog ng isang banda at ang hiyawan at sayawan ng mga taong nagkakasiyahan na.

"Oh ate, punta na 'ko sa backstage ha" Paalam nya

"O gesge. Ingat ka at good luck. Kita nlng tayo sa labas mamaya"

"Geh!" Walang lingon-likod nyang sinabi at minotion ang kamay nya na parang nagbaba-bye

Nagdire-diretso lng ako sa isang direksyon ng makita ko si kuya Ced, isang bartender. Lumapit ako't tinanong kung nasaan sina Steph.

"Ahh, nasa loob po. Teka lng hintayin nyo nlng po at tatawagin ko"

"Cge, thanks kuya Ced" Nginitian nya ako't umalis. Ilang minuto pa'y lumabas na sila ni Cass kasama si kuya Ced

"O anjan ka na pala" -Steph

"Ahy wala pa Steph. Im just one of your imaginations" Sarkastiko kong sagot

"*iling* *iling* Never gets old" -Steph

"Oh ano? Tara na ba? Gutom na mga ahas ko eh" -Cass

"Oh? Dka pa kumakain?" Tanong ko

"Ahy hinde. Kumain na ako ng marami kaya nga gutom na gutom ako eh =___= " -Cass

Ahy... He-he-he Naloko na... Bawal pala tong ma joke joke o anu man pag gutom.

"Ahh... Ehe-he-he Sorry naman"

"Hahaha... Tara na nga!" Pag-iiba ni Steph

"Kuya Ced, kaw muna bahala dito ah. Pag may nakita kang staff na di nagtratrabaho sabihin mo lng" Pahabol nya na sabi sa nagpupunas ng basong si Kuya

"Oo na, oo na. Cge punta na kayo, ako na bahala dito" Sagot nmn nito

"Yass naman! Ganyan si kuya Ced ko!" Pabiro kong sabi

"Lul! Hahaha... Sige una na kami Kuya" -Cass, tignan mo to... BIPOLAR =___=

"O tara na nga! Bagal nyo eh. O kuya ah!" Singit ni Steph na pinagtututulak na si Cass papuntang pinto

Unexpected Change [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon