<§§§ 15 §§§>

251 11 1
                                    

Sam's POV

"Ate?!"

Hmmmm..... ~__~

"Ate?!!"

Hmmm!! Ano ba yan, makaalog naman parang may sunog!!! ~o~
Binuksan ko mga mata ko saka tumingin dun sa nambubulabog ng tulog ko.... Si Glen lng pala

"Hmmm bakit?!!"

"Papasok na ko"

"Huh?! Edi pumasok ka, bat ka pa nagpapaalam?"

"Di ako nagpapaalam, nandito ako para sabihin sayo na bawal ka pang pumasok" Pagpapaliwanag nya

"Huh?!! Bakit naman!! Ok naman na ako eh?!!" Pagpoprotesta ko

"Hmm...?! Anong ok? Tignan mo nga mainit ka pa oh" Sabi nya sabay hawak sa may noo ko
Napahawak naman ako sa leeg ko, uhmm medyo mainit lng naman ako ahh... Baka normal body temperature lng to

"Hindi yan, kaya ko namang pumasok eh" Patayo na sana ako ng itulak nya ako papaupo... Hayup na bata to =___=

"Yah! Hindi nga pwede!! Tigas ng ulo mo ate!!!"

"Concern ka?" Nginisian ko sya

"Hindi ahh!!!! ASA KA NAMAN!!"

Binigyan ko naman sya ng Hindi-Ako-Naniniwala-Sayo look

"Aish! Basta!! Bawal ka munang pumasok sa school nyo.... Magpahinga ka muna dito, tumawag na sina Manang sa prof nyo so don't worry na"

"*chuckles* Yah! Fine! Basta ingat sa pagpasok ha? Ikaw pag napahamak ka idodouble dead kita"

"Baliw, double dead agad? Ewan ko sayo pangit mo!!!" Sigaw nya saka tumakbo palabas

"GAGO!!!!"

Napangiti na lng ako dahil dun... Ganyan mag-alala at maglambing yan, hiya hiya kuno, ayaw aminin na nag-aalala sya pero deep inside gusto nya sya na mag-alaga sayo
Napaka swerte ko naman at nagkaroon ako ng kapatid na ganito
Kaso, di ko naman ata deserve yun, kase alam nyo na?! Im a bad person, sometimes Im rude and sometimes minumura ko pa.........yah!!! EVERYTIME ko syang minumura, pero mumurahin rin naman ako nung baliw na yun pabalik eh, maya maya sasakyan nya na lng ang trip ko tapos magtatawanan na lng kami pagkatapos

Huminga ako ng malalim saka muling nahiga.... Ilang oras ring blanko ang isip ko hanggang sa maalala ko ung nangyari kahapon

Ok lng kaya si Steph?? Aish!!! Nakakainis naman kasi eh, hahuntingin ko ung mga unggoy na yun saka ko sila ililibing ng buhay

First time ko kayang makita si Steph na umiyak..... Well, naiiyak din naman sya kapag tawang tawa sya sa mga jokes na naririnig nya kahit ang korni nun =___=

Pero..... yung kahapon kase.... di naman yun tears of joy eh.... Nung nakita ko sya, mahahalata mo sa mga mata nya ung takot.... may slight ring galit.... habang tumutulo ung luha nya

Muli akong huminga ng malalim ...
Hayzzz... Ano nang gagawin ko? Im so bored... I cant go down naman kase medyo masakit pa katawan ko, tas may konting sipon pa
T^T Bushet!!!

Ilang minuto pa'y biglang bumukas ung pinto ng kwarto ko at bumungad sa akin si Ate Lins na may hawak na tray ng pagkain.... Yah! Naramdaman ko tuloy ung gutom ko *Q*

"Ohayou! ^_^" Ano daw??

"Ohawaii what?"

"Gaga, sabi ko good morning... Sabi ni Glen Japanese daw un ng good morning eh" Nagpapalaganap nanaman ng ka-alienan si Glen ... Daming alam jusko

"Mga feeling japanese" Bulong ko

"Huh ano yun??" Sabi ni ate habang nilalapag ung tray ng pagkain sa side table ko

Unexpected Change [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon