<§§§ 36 §§§>

109 4 9
                                    


Sam's Pov

Kahit pa mabilis na ang takbo ng sinasakyan namin ay nakabuntot pa rin sila.

"Ugh!!! Cant they just stop following me?!!" Rinig kong reklamo ni Yanna habang patuloy pa rin syang namamaril sa mga sumusunod saming van.

Nakapagtatakang hindi pa sya nauubusan ng bala gayong kanina pa naman niya ginagamit ang kanyang baril.

"Sino ba sila? Anong bang atraso mo sa kanila't kailangan ko pang madamay ng ganito?"

She stayed silent for a while kaya napatingin ako sa side mirror ng motor at napansing busy pala sya sa paglalagay ng bala. Pagkatapos nun ay tumingin rin sya sa side mirror at nagkaroon kami ng eye contact. May gusto syang sabihin sakin, nakikita ko yun sa mga mata nya, pero pinipigilan nya ang sarili nyang magsalita dahil may kinakatakutan sya. But then, ang takot na nakita ko sa mata nya'y mabilis lang ding nawala at napalitan ng pagsisisi at inis.

"Some bitch I know sent them because probably by now she knows I betrayed her ass"

Betrayed? I wonder kung anong ibig nyang sabihin but I didnt bother asking because my adrenaline rush keeps me busy sa pagdadrive palayo sa, hanggang ngayon, ay nakasunod pa rin samin.

Napamura ako ng malutong ng maramdaman ko ang pagdaan ng bala sa tip lang ng tenga ko. Bwisit, if only Im as skilled as Yanna sa pagbaril malamang kanina pa sila ubos at hindi na namin kailangan tumakbo ng ganito.

Gotta admit, Yanna looks cool holding a gun. It's a dangerous weapon but the way she holds it? Para lamang itong isang piraso ng dahon.

"Shit shit shit shit!!!"

Sunod-sunod na mura ni Yanna, kaya tinanong ko kung anong problema.

"I've got only few ammos left, if hindi ko pa sila napatumba gamit to you'll have to drive faster"

Kunot noo ko syang sinilip muli sa side mirror, "Is this not fast enough to you?!"

"No" She deadpanned. "You're driving like a sloth"

Im offended. She figuratively said Im slow eh halos liparin na nga kaming dalawa sa bilis ng pagpapatakbo ko eh. It's like what she said to me added fuel to my body kaya mas lalo akong nabuhayan.

"Better hold tight kung ayaw mong mahulog" I said through gritted teeth. Halos mamanhid na ang pisngi ko dahil sa paghampas ng malamig na hangin, nararamdaman ko na rin ang hapdi ng mga galos at daplis ng mga di pamilyar na bala sa aking katawan.

Nanghihina ako deep inside pero kinokontrol ko lang ang diwa ko para hindi ako mawalan ng ulirat. Buhay ko at ni Yanna ang laman ng isip ko ngayon at wala ng iba, ayoko mang aminin pero natatakot na ako sa maaaring mangyari samin ngayon. Never akong nakaramdam ng ganito at nakaingkwentro ng mga taong may matataas na kalibre ng baril. Who are they anyway?! They're after Yanna so why on earth do I have to get involved in this? Heck! I dont even know kung sino ang dapat kong katakutan ngayon... Sila ba o si Yanna? Yanna was an innocent-looking nerd, but now she looks intimidating and dangerous. Silent people really are scary

Akala ko makakatakas na kami sa mga humahabol samin pero laking gulat ko ng may biglang sumulpot na kaparehong van sa harap namin at may plano pa atang banggain kami

"Yanna we're cornered!!!"

Yanna looked ahead and started to curse more under her breath. Mariin nya akong hinawakan sa magkabilang balikat ko at sinabing, "When I say jump, jump off okay?!!"

"Are you nuts?!! Pag nabagok ulo ko jan, I'll die and ikaw aasikaso ng burol ko!!"

"Listen here stupid brain!! Wala na tayong oras na magbiruan... If hindi mo susundin ang pinaplano ko mas mataas chance mong mamatay!! Di mo ba nakikita yang paparating na van sa harap mo?!! Siguradong mapipilay at magtatamo tayo ng mga galos sa gagawin natin but eto na ang pinaka-effective na paraan sa mga options na meron tayo if we dont wanna die!! So if you have better idea than jumping off from this stupid vehicle better say it now"

Unexpected Change [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon