<§§§ 33 §§§>

138 3 0
                                    


Sam's Pov

Our life itself is one real example of a mystery book. We don't know what the future holds, but we can change it if we wanted to. Others may call it, plot twist. But this plot twist will only happen if we'll choose the right decision.

Ilang araw na ang nakalilipas matapos magsimula yung deal namin ni Art. Ilang araw na rin nya akong binabanas, paghinga pa nga lang nya naiinis na ako eh. Pinupush nya din ang paghahatid sundo nya sakin sa bahay. Akala nga nila boyfriend ko na sya. Psh, as if... as if talaga.

Tapos itong magaling na kapatid ko naman na si Glen, kung maka kuya naman kay Art akala mo sila yung magkapatid. Halos everytime nga na magkita sila yayayain na nya itong maglaro ng basketball. At ang nakakawindang pa, close na rin sila nina Ate Lins!! Feeling at home si Art sa bahay, kulang na lang pati kay mama sumipsip sya at dun na mismo tumira =___=

Pero sa mga nagdaang araw hindi lang yung pagiging close ni Art sa pamilya ko ang napapansin ko. Napapansin ko rin ang pagbabago ng kilos sa mga taong nakapaligid sakin. Maiintindihan ko pa sana kung si Art at Jace lang ang pumepeste samin, pero parang lahat na ata sila feeling close. Si Steph din, napapansin ko ang kakaibang tingin nya kina Haze. Kapag nakikita nya ang mga ito tinatapunan nya ito ng tingin na hindi ko masyadong maintindihan. Pagkainis? Tingin na mapanghusga? Tingin ng pangdududa?

Ewan ko na!! Mukha atang mas lalo akong naguguluhan sa mga nangyayari kapag mas inaalam ko ito. Pero, ayaw naman paawat ng curiosity ko. Palagi na lang syang umeepal sa lahat ng desisyong gagawin ko.

Bumuntong hininga ako bago ako tumayo sa pagkakaupo at ipinasa ang papel na hawak ko. It's the last day of our exam, which means bukas na magsisimula ang preparation. Gusto ko mang hindi sumali sa mga ganitong bagay pero wala eh, nahigit nanaman ako ng magaling kong mga kaibigan.

Pagkaabot ng facilitator sa exam papers ko ay agad akong lumabas. Eh ano pa ba ang gagawin ko sa loob? Tapos naman na ako. Sila Steph kaya tapos na rin?

Pagkasarado ko ng pinto agad bumugad sa tabi ko si Art.

"Tapos ka na?"

"Ay hayop!!" Tinignan ko sya ng masama "Tng*na mo talaga... Sa susunod na gulatin mo pa ako sasaksakin na talaga kita, sinasabi ko sayo"

"Tsss... Parang di ka na nasanay sakin..." Nagpout pa sya =__= "So ano tapos ka na nga?"

"Malamang, lumabas na ako ng room diba? Bulag?" Sabi ko sabay irap sa kanya.

Napapansin ko ring napapadalas na ang pagsusungit ko at mas lalo akong naging pilosopo.

Tsss... Kagagawan nya yun! Kung di lang kase sya pinaglihi sa kabute at kuneho hindi ako magkakaganito.

"Kain tayo?"

Pinanliitan ko sya ng mata, "Sinong nagsabing sasama ako sayo? Aantayin ko pa sila Cassy na matapos no"

"Kain na tayo" Walang pag-aalinlangang hinawakan nya ang kamay ko. Aba't kupal— "Sasabihan ko na lang sila na nauna na tayo"

Pagkatapos nun pinaghihila na nya ako papuntang cafeteria. Hindi na ako nakapalag kase drain na rin ako, wala na akong energy makipagtalo sa kanya kaya hinayaan ko na lang syang kaladkarin ako papunta ron. Babawian ko na lang to kapag nakakain na ako.

Pagkapasok namin, agad kaming napansin ng mga taong nasa loob na. Makikita sa peripheral vision ko na may ibang nagbubulung-bulungan. Tss... Parang di naman ako sanay, eh halos araw araw nga na makita kaming magkasama lagi silang ganyan =__=

Para silang mga bubuyog, eh kung itape ko kaya mga bunganga nila para naman mabawasan ang pollution sa Pinas?

Nang makarating na kami sa may pilahan, bigla na lang silang pumagilid. As in lahat ng nakapila umalis sa dinaraanan namin at pinauna kami. Wow, ganito na ba kalakas ang impact nitong kasama ko? Eh ako nga minsan nakikipila pa rin, mabait kase ako :>

Unexpected Change [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon