<§§§ 35 §§§>

142 5 3
                                    


3rd Persons Pov

Ilang tulog na lang ay magsisimula na ang paparty party ng school nila Sam kaya lahat ng students ay todo trabaho na sa pagtatapos ng kani-kanilang mga booth.

Mamamangha ka sa mga nagkalat na booths sa campus nila dahil hindi mo aakalaing purong college students lang ang nag-isip at gumawa ng mga yon.

Pagarbohan din kase ang bawat clubs dahil ang top 3 na mananalo sa may pinakamaganda at pinakapinilahan na booth ay papaunlakan ng school na magfieldtrip sa kahit saan mang gustuhin nila, pwera na lang ang pagpunta ng ibang bansa.

Hindi man aminin ni Sam ay inaasahan nyang mananalo ang booth nila. Gusto kasi nitong isuggest na pumunta sila sa Ilocos. Gusto nyang mamasyal ulit doon, gusto nyang balikan ang mga alaalang meron sya sa lugar na iyon.

"Sam kulang tayo sa light bulbs, bili ka pleaseee~"

Napahinto sa pagkain ng meryienda si Sam nang sumulpot mula sa likuran nya si Steph kasama si Yanna.

"Bakit ako pa uutusan mo? Di mo ba kayang bumili?"

Napangiwi si Steph sa sagot nito, "Yun na nga... Inutusan ako ni Sir Dex, may kailangan daw akong sabihin sa student council secretary about sa event ng school. Aish!! Kung bakit ako pa kase nakita nya kanina, hindi na lang dapat ako dumaan dun. Nakakainis!!!"

Pabagsak syang umupo sa tabi ni Cassy na busy sa pagbabasa ng libro.

"Samahan na lang kita Sam" Pagpiprisinta ni Yanna

"Oo nga, mas mabuti pang magpasama ka na lang kay Yanna para hindi ka mawala"

"Hindi ako turista Steph, hindi ko kailangan ng tour guide... Baka mas kabisado ko pa nga ang mga pasikot-sikot dito sa syudad kesa sa kanya"

Bumuntong hininga si Steph bago tumayo, "Sige na, wag na maarte. Nakaalis na sana kayo ngayon"

Wala nang nagawa si Sam kundi ang tumayo at sundan si Yanna palabas ng cafeteria. Nang makaalis sila ay inihatid ni Steph si Cassy sa booth nila bago ito dumiretso sa SC Room. She knocked on the door 3 times hanggang sa makarinig sya ng, "Come in"

Nadatnan nya sa loob ang apat na SCO na nagmemeeting.

"Uhmm Hi...?" Awkward na sabi nito dahil feeling ny ay naistorbo nya ang importanteng meeting nila "Im here because Sir Dexter ask me to ask you if matutuloy daw ba yung concert sa last day ng celebration then kung... ipupush through daw ba yung prize ng mananalo sa booths?"

"Sa concert yes, matutuloy yon but about the trip... we're still discussing about that. Why?" Sabi nung Vice

"Ahh ehh... Baka siguro eto ang makakasagot sayo"

Inabot ni Steph sa kanila ang isang yellow paper na nakatupi. Kinuha iyon ng Treasurer at inabot sa Pres nila. Binuklat at binasa nya ito, "Ahh okay. So we'll just contact him na lang to explain. Thank you for the effort of coming here, Stephanie"

"No problem" Maikli nitong sagot.

Akmang aalis na sya ng biglang tawagin ng Sec. ang kanyang attention, "Steph actually we need your help on something about the concert"

Nagtataka nitong binalingan ng tingin ang apat, "What about it?"

"Naghahanap kase kami ng pwedeng magperform sa concert and so we would like to ask Dance and Music club to do that. Do you want to join or would you like to suggest someone? Kase we really need that right now para maorient na namin ang mga sasali"

Saglit na napatigil si Steph at nag-isip, "Me? I don't know, I'll think about that. Sasabihin ko na lang rin sa iba yung tungkol jan, I know naman na marami sa amin ang naghahanap ng ganitong opportunity.... But also, I want to suggest someone" she said while a playful smirk crept up on her lips.

Unexpected Change [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon