<§§§ 34 §§§>

149 4 2
                                    

3rd Person's Pov

Gregory University's Preparation Week for the double celebration started right after their bloody exams.

Lahat ng estudyante busy busy sa pagpaplano at pag-uumpisa ng kanilang mga booths. May mga clubs na nagcollab for their enggrandeng pasabog at meron rin namang nagsolo.

Isa sa mga nagcollab na clubs ay ang Arts x Sports Club kung saan magkakasama sina Cassy, Jace at Haiken. Napagplanuhan nila ang booth na pinangalanan nilang "Horror Maze", kung saan magmimistulang horror house sya papasok pero kapag nasa loob ka na ay kailangan mong dumaan sa maze na may nakapaloob na iba't ibang obstacles para makalabas. Kung hindi mo matatapos sa nakatakdang oras na naibigay sayo ang isang obstacle, makukulong ka sa parteng iyon ng maze kasama ang mga bagay na hindi mo gugustuhing makasama sa dilim.

Parang imposibleng gawin dahil mukhang kailangan nila ng malawakang space kung saan kasya ang isang maze. Pero rinequest nilang sana mapunta sa kanila ang gym na agad namang pinahintulutan ng tagapamahala ng event.

Medyo nadismaya naman ang collab team ng Music x Dance Club dahil gusto sana nilang pumwesto doon. Pero para walang away na magaganap ay minabuti na nilang pumili ng iba pang lugar, at yun na nga ang kalahating parte ng kanilang field. Kasali sa collab na ito sina Sam, Art, Donne at Stephanie at ang napagplanuhan nilang gawin ay "Beat Madness". Parang Dance Revolution ang theme, pero may twist. Kailangan mong matapos ang isang kantang naka-play sa big screen habang sumasayaw sa isang platform at tinatapakan ang right keys or color na maipapakita rin sa screen. Kada mali ay may maibabato sa player na isang balloon na may lamang paint. Kung hindi naman matapos ang game ay mabubuhusan ng nagyeyelong tubig ang player na nagkamali.

Sounds crazy right? Ganyan talaga mag-isip ang mga taga Music x Dance Club dahil mostly ng mga members sa clubs na ito'y kalog at mahilig magprank. So, pasensyahan na lang sa lahat ng mga sasali. Kung meron man :>

Habang busy ang lahat sa paggawa ng kani-kanilang mga booths, may isang lalaking nagmamasid mula sa rooftop ng isa sa mga building kung saan matatanaw ang kabuuan ng field. Busy ito sa pagkain ng Pringles pero isa-isang sinusuri ang mga taong naggagagala sa field gamit ang binoculars na hawak nya.

Ilang sandali pa'y nakarinig sya ng pagbukas-sara ng pinto, hudyat na hindi na sya nag-iisa sa rooftop sa mga oras na iyon.

"Aren't you supposed to be down there and helping your club mates?"

"Tsss... Kung kelan ako nakahanap ng oras at lugar kung saan hindi ko kailangang magpanggap, saka ka naman eepal. Andito ka nanaman ba para utusan ako? Well then, go on... Habang nasa mood pa ako"

"I'm not asking you to do something Chad, just asking. What are you doing here anyway?"

Dahan-dahang ibinaba ng lalaki ang binoculars na hawak nya at nilingon ang taong kinakausap.

"Im here for fresh air" Tipid nitong sagot

Hindi kumibo ang kausap nya at lalo lang sumeryoso ang mukha nito

"Don't worry, Im not slacking off. Im here to also do my job you had given me"

"Well good. Galingan mo lang sa pagmamanman kay Samantha at sinisigurado kong makakalaya ka na sa pagpapanggap mo"

Natawa ng walang humor ang lalaki dahil sa sinabi sa kanya ng kausap. "Saka lang matatapos ang pagpapanggap ko kapag nakaalis na ako sa paaralang ito, and it depends on my decision if I want to stay or just get the hell out of here"

Nginisian nya ang kausap, nawala bigla ang mood nyang lumanghap ng sariwang hangin kaya napag-isipan nyang bumaba na lang. Pero bago pa nya tuluyang lisanin ang rooftop ay nagbitiw sya ng mga salita ng hindi man lang tinitignan ang kausap.

Unexpected Change [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon