<§§§ 25 §§§>

178 8 0
                                    


*click*



Gladly nahawakan agad ni Sam ang knob bago pa tuluyang magsara ang pinto

"*sighs* Muntik na tayong matrap... *breathes* Yah!!! Magdahan dahan ka naman minsan!!" Inis na sambit ni Art kay Sam. Agad naman itong kumuha ng upuan at inilagay iyon sa may pinto para mas makasisiguradong hindi ito magsasara

"Huh... Sorry ha?" Sarkastikong sagot ni Sam "Eh kung sana sinabi mong may mali jan sa pinto eh no?"

"Nagtanong ka ba?"

"Kahit na!! Pano kung may ahas sa likod ko ng di ko alam tas nakita mo? Tatanungin ko pa ba kung "May ahas ba sa likod ko?" Tss... Di nag-iisip" Pabulong nyang sinabi ang huli saka naglakad pabalik sa mga upuan at pinulot ang mga basahang nakakalat . Hindi umimik ang binata kaya hindi na lang rin ito pinansin ni Sam at itinuloy ang paglilinis

Mukhang binagyo ang storage room... Nakakalat ang mga basahan sa sahig, di maayos ang mga kagamitan sa loob at may mga basag na bintana. Maalikabok na rin ang mga librong nakalagay dun, hindi na kase ito masyadong nagagamit at nalilipasan na lang ng panahon

Kumuha sya ng isa at binuklat. Bahagya syang napaubo dahil sa alikabok na nanggaling sa libro, tinignan nya ng mabuti ang mga laman ng libro... Litrato... Litrato ng mga studyante nung mga nakaraang taon...

Medyo luma at nasisira na ang mga pahina ng year book na iyon kaya dahan dahan nya itong inililipat sa ibang parte... nang makakita sya ng isang pamilyar na class picture, inalis nya ito sa pagkakadikit. Kung hindi sya nagkakamali, kaparehong kapareho ito nung nakita nya dati, hindi nya lang matandaan kung saan

Pero may mali sa isang yun, may dalawang mukha ng tao dun na nabura-bura... Yung tipong pilit na binura ng kung anong bagay kaya medyo nabutasan na sya, kumunot ang noo ni Sam at tinitigan iyon ng mabuti ng biglang magsalita si Art

"Say, Sam... Bakit napaka importante sayo nung kwintas?"

Napalingon si Sam kay Art at napabuntong hininga. Ibinalik nya ang litrato sa kinalalagyan nito at ipinatong iyon sa iba pang mga libro. Tumayo sya sa pagkakaupo at hinarap si Art

"Well I'm mean.... I'm just curio—"

"Lahat naman siguro sa atin may pinahahalagahan na bagay" Pagpuputol sa kanya nito

Tinignan sya ni Art at nag-isip kung anong tamang salita ang dapat nyang itanong

"Why that necklace, then?" was all he could ask

It's a bit uncomfortable to Sam to open up her past to a complete stranger, especially to the kind of stranger she hates

"At bakit ko naman sasabihin sayo?"

"Well... I'm—.... Look, I'm not forcing you to tell me the story. I'm just curious... Like why would a girl... like you... sacrifices her pride and all just to get a necklace back?"

Pero anong magagawa nya? Wala naman syang maisagot, kaya naman...

"*sighs* You see, it's from my dad..." She paused, sumandal sya sa may bintana bago magsalita "He gave that to me, together with the phone I'm using right now as a gift... A birthday gift actually" She smiled bitterly, she tilted her head upwards to prevent herself from tearing up

Naramdaman ni Art ang lungkot sa tono ni Sam, feeling nito gusto nya itong icomfort pero wala sya sa posisyon para gawin iyon, so... hinintay nya na lang ito magsalita ulit

"If I only knew that... that it'll be his last gift for me... I should've... I should've set aside my stubbornness and anger... I should've said thanks... I should've said sorry... for the last time" Huminga ng malalim si Sam bago sya tumingin kay Art

Unexpected Change [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon