<§§§ 28 §§§>

195 6 0
                                    


3rd Person's Pov

Pagkadating nila Sam sa school ay agad silang kumaripas ng takbo papunta sa laboratory bldg. para tignan ang mga nangyayari

Nang makarating sila roon ay nadatnan nila ang ibang mga estudyante na nakikiusyoso lamang at iba pa na nakahiga lang sa isang tabi habang walang malay. Makikita rin sa iba na may sugat at lapnos ang kanilang mga katawan ngunit hindi naman ganon kalala

"Tabi!!!" Sigaw nila Jace para mabigyan sila ng daan

Inilibot ni Sam ang paningin nya at agad nyang nakita si Steph na nakaupo lamang at umiiyak mag-isa

"Steph... Steph what happened? Okay ka lang ba?" Tanong nito ng makalapit sya rito

Umangat ang tingin ni Steph kay Sam at agad nya itong niyakap habang patuloy pa rin sa paghikbi

"S-Sam... Si Cassy... N-Nasa loob pa rin sya" Garalgal na wika ni Steph

Napamura na lang si Sam sa narinig nya, nakapagtataka at wala pa ring mga ambulansya o bumbero ang pumupunta rito, palaki na rin ng palaki ang sunog kaya hindi na rin kayang apulahin ito ng simpleng pagbuhos ng tubig ng ibang guro at paggamit naman ng fire extinguisher ng ilang estudyante

"Steph kumalma ka lang, magiging okay rin ang lahat" Pagpapatahan nito kay Steph na hanggang ngayon ay di pa rin natitigil ang pagbuhos ng mga luha galing sa kanyang mata

Nakitulong naman sila Art sa pag-aapula ng apoy maliban na lang kay Haze dahil sariwa pa lamang ang sugat na kanyang natamo dahil sa kaguluhan kanina kaya paulit-ulit na lamang syang tumawag ng bumbero at ambulansya para tulungan sila

"Oh my god look!!!"

Sigaw ng isang babae ng makarinig sila ng malakas na pagputok sa loob ng laboratory kasabay ng paglabas ng isang lalaki na may bitbit na walang malay na babae palabas

Naalarma sila Sam ng makita nila iyon lalo na't pamilyar sa kanila ang hubog ng katawan ng babae na buhat buhat ng lalaking iyon. Naagaw nila ang atensyon ng ibang guro na naroroon kaya agaran silang lumapit dito pati na rin sila Sam

"Oh my gosh!!!"

Napatakip na lamang sa bibig si Steph dahil sa gulat ng makitang si Cassy nga yung babaeng bitbit bitbit nung lalaki, napahagulgol ulit sya at napasandal kay Sam na ngayon ay nanlalaki na ang mga mata ng makakita sya ng dugo mula sa ulo ni Cassy

"Shit!! Masama ito" Wika ng isang lalaking guro habang inaalalayan nilang maipahiga si Cassy sa isang stretcher na kinuha lamang nila sa kanilang faculty

"Nawalan lang sya siguro ng malay dahil baka nahulugan sya ng kung ano mula sa loob, pero okay naman sya dahil nararamdaman ko pa rin ang pulso nya"

Wika nung lalaki na bumitbit kay Cassy palabas

Napatingin naman si Sam sa lalaking iyon habang nakakunot ang noo nya

"Okay naman sya? Tanga ka ba?!! Nakikita mong may sugat sya sa ulo at dumudugo pa ito tapos sasabihin mong okay sya? Basagin ko kaya yang bungo mo tapos sabihin kong okay ka lang!!!"

Inis na sigaw nito pero pinatahimik lang sya ng isa pa sa mga gurong umalalay kay Cassy

"Ms. Fortalejo, kumalma ka nga. Magpasalamat na lang tayo at nailigtas pa sya ni Sir Dex palabas" Wika nito bago napatingin dun sa tinutukoy nya "Maraming salamat sa pagliligtas mo kay Ms. Paredez, Sir Dexter. Kung di dahil sa katapangan mo ay malamang pa--"

"Wag mo nang ituloy yang sasabihin mo kung ayaw mong ikaw sunugin ko" Malamig na sabi ni Sam dun sa guro na sumabat sa kanya kanina, na agad namang napatikom ang bibig

Unexpected Change [On Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon