Chapter 1

5K 83 5
                                    

Lovely Martha Celestine Martinez

Yan ang buong pangalan ko. Napakahaba hindi naman bagay sa pagkatao ko.

Hindi ko ugaling maging maganda kahit may mukha naman akong pwedeng lagyan ng kolorete, hindi ako maarte sa katawan katulad ng mga tao na makikita niyo sa paligid, basta naka t-shirt at pants ok na. Nakalugay naman ang buhok ko pero naka-cap naman. Kaya hindi niyo talaga makikita ang mukha ko.

Hindi ako yung tipong tumatawa kapag may nagpapatawa kasi hindi ko naman kailangang tumawa para maubos ang laway ko.

Hindi ko naman nakasanayan na may kaibigan kasi wala namang nagtanka na kaibiganin ako. Nasanay narin ako kasi simula bata palang ako ganon na ako ka LSB o lonely since birth.

Napakadilim daw ng mundo ko kaya ayaw nilang madamay. Matagal na akong ganito pero ok naman. Kasi kung madilim talaga ang mundo ko siguro matagal na akong bulag.

Ayaw nila sa akin at sa tingin ko dahil wala na akong mga magulang. Ewan ko din bakit hindi nalang ako sinama ng diyos nang ma matay ang mga magulang ko. Napapaisip din ako minsan kung bakit pa kaya ako nabuhay kung ayaw naman sakin ng mga tao dito.

Nakatuon lang diretsyo sa daan ang paningin ko. Nasa magkabilang tenga ko naman ang earphones ko. Pumapadyak sa lupa ang isa kong paa habang ang isa naman ay nakapuwesto sa scooter na ginagamit ko ngayon.

Mainit ngayong araw kaya mas binibilisan ko ang pagpadyak sa lupa ng isang paa ko. Kanina pa tumatagatak ang pawis sa mukha ko at sa buo kong katawan. Hindi naman ininda ng mga kaklase ko ang pagdating ko sa loob ng silid.

Walang kung ano ang narinig mula sa akin nang umupo ako sa upuan ko kaya walang may nakapansin sa presensiya ko. Dito nalang ako sa likod pumwesto dahil ako na naman ang pakikialaman ng mga kaklase ko kapag umupo ako sa harap. At kung papipiliin, dito talaga ang gusto kong upuan sa likod.

I rolled my eyes watching them laughing together. Hindi naman nakakatawa ang pinaguusapan nila. Napahalukipkip ang magkabilang braso ko habang pinanonood sila nang bigla kong naramdaman na may tumabi sakin.

"Alam mo hindi ka talaga bagay dito no? kung hindi kanalang kaya magaral para hindi ko makita ang mukha mo kahit saan"

kung ikaw kaya ang huminto sa pagaaral para hindi ko din makita pagmumukha mo?

Syempre hindi ko siya sinagot ng ganon. Tiningnan ko lang siya hanggang sa mainis siya sa akin. Neutral lang akong nakatingin sa kaniya. Hindi mo talaga makikita ang pabago-bago ng reaksyon ko.

"Ugh! wala ka talagang kwenta kahit kailan"maarte niyang sabi habang papunta na ngayon sa mga kaibigan.

Sino ba kasi nagsabi sa kanya na puntahan niya ako at kausapin? siya nga tong tumabi sakin eh. Tch abnormal.

Maging ang teacher ko parang ayaw akong lapitan kaya kung nagpapass ako ng projects o test papers ay iniiwan ko nalang sa desk nila sa office. Ako nalang maga-adjust mahiya naman ako sa kanila.

Kung sa canteen naman ay hindi pwedeng nadyan sila kapag kakain ako. Pinapatapos ko silang lahat bago ako makabili ng pagkain at makakain. Dahil ako na naman pagbibiyan nila ng pansin. Kahit mga tindera ayaw nila sa akin kasi parang nabibilang daw ako sa asosasyon ng mga kulto.

Kapag umuuwi naman ako sa bahay ay magisa lang ako kaya minsan napapagtripan ng mga adik sa kanto. Pero dahil wala akong kwenta kung kausap kahit mga adik ay walang magawa kundi pabayaan nalang akong umalis. Sila pa nga ang umuutos na umuwi na ako sa bahay.

Nakasaksak kanina pa sa dalawang tenga ko ang earphones ko. Kaya tanging tunog lang ng mga kanta ang naririnig ko sa buong byahe ko dito sa bahay. Tinabi ko lang ang scooter ko malapit sa shoe rack at tsaka ni-lock ang gate.

Mabilis lang akong naligo at nagbihis ng pambahay na damit. Isang oversize T-shirt at pajama. Papunta na sana akong kusina para magsaing pero nalimutan kong wala pala si nanay Ester ngayon. Si nanay Ester na ang nagpalaki sakin simula pa ng bata pa ako kaya kahit wala akong magulang na kadugo ay nandyan naman si Nanay Ester na nagmamahal sakin.

Nalimutan kong wala pala siya ngayon dahil pinuntahan niya yung anak niya at pamilya niya sa Cebu. Matagal ng nagsisilbing kasambahay si Nanay Ester sa akin simula bata palang ako kaya siya nalang ang natitirang meron ako. Mag-isa lang pala ako dito sa bahay ngayon.

Alas syete na nang mapagdesisyunan kong lumabas para kumain ng hapunan. Pumunta lang ako sa pinakamalapit na convenient store at naghanap lang ng cup noodles at tubig.

Wala akong pakialam kung tinitingnan man ako ng mga tao dahil sa suot kong pambahay. Alangan naman mag-gown ako papunta rito?

wala pala akong gown.

Tinuon ko nalang ang buong atensyon sa kinakain nang bigla akong mabulunan kaya narinig ko namang ang naging reaksyon ng mga tao sa paligid ko.Hindi ko nalang sila pinansin at ininom ang tubig.

Sana pala hindi ko nalang ininom ang tubig para namatay nalang ako noh? sige sa sususnod gagawin ko yun.

Tinapos ko nalang ang pagkain ko at aalis na sana nang biglang may umupo sa harap ko at ningitian ako.

Ang Weird niya.

"Hello, ok lang ba na dito ako umupo?"

Naka-upo kana eh may magagawa pa ba ako? at isa pa aalis naman ako kaya sayong-sayo na to.

Tiningnan ko lang siya at umalis na. Hindi ko talaga ugali ang makipag-usap sa mga tao lalo na at hindi ko naman kilala.

"lalaki kaba? bakit ganyan ka kung kumilos?"

Agad naman akong napatingin sa sinabi niya. Napatingin naman ako sa mga tao dito at ako din pala ang tinitingnan nilang lahat. Napalunok naman ako at tsaka ulit napatingin sa lalaking nagsalita.

"Sabi ko kako, lalaki kaba? ba't ganyan ka kung kumilos?" walang bahid na kung anong sabi niya.

Sa buong buhay ko ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Sunod-sunod ulit ang naging lunok ko kaya wala na akong nagawa kundi tumakbo palabas ng convenient store at nag-scooter.

Ngayon ko lang din naramdaman na namamasa sa pawis ang noo ko at ang buo kong katawan.

Kinakabahan ba talaga ako sa tanong nung lalaki o guni-guni ko lang yung lalaki?

Ang weird niya.

NERD SPARKS Where stories live. Discover now