Chapter 21

612 27 0
                                    

Pagkatapos ko yung sabihin ay dahan dahan ko ng pinunasan ng bahagya ang pisnge ko dahil sa maliit na butil na nangilid sa mukha ko. Marahan naring sumisikat ang araw Kaya napagdesisyunan ko ng tumayo na at umuwi na ng bahay.

Nagsimula ng humakbang ang paa ko pero parang hindi ko naman nararamdaman ang buong katawan ko. Kanina ko pa iniinom ang tubig na dala ko dahil hindi ko na nakain ang ramen na binili ko. Kanina pa kumukulo ang tiyan ko pero hindi ko ininda ito. Nakita ko nalang ang sarili sa tapat ng malaking bahay na pagmamay-ari ko na. Walang Celestine at Martha na nagmamay-ari. Ako nalang mag-isa ang nandito sa malaking bahay na ito. Dinala man ako ng mga paa ko sa ika tatlong palapag ng bahay pero parang wala ako sa ulirat habang patungo kung saan ang kwarto na pagmamay-ari ni lola...ni Celestine.

Napabuntong hininga ako...

Diretsyo kong binuksan ang kwarto niya at hinanap ang bagay na yun. Hindi naman ako nahirapan at nakita ko ang box na lalagyan ng singsing na gawa sa tanso. Parehong-pareho talaga ang disenyo nito sa singsing na suot ko. Hanggang ngayon ay malaki parin ang pagdududa ko kung totoo talaga ang nangyari nang makalipas na tatlong buwan na yun pero palaging tumatatak sa isipan ko na walang hindi totoo sa nararamdaman ko kapag alam kong totoo ito...

Nanginginig man ang mga kamay ko habang nakatingin sa singsing na gawa sa tanso ay sinusubukan ko parin itong pukpukin gamit ng music box na pagmamay-ari ni lola.

Hindi ko man intensyon ito pero kailangan para makuha na itong sumpa na ito. Gusto ko ding maging masaya...

Magiging masaya pa kaya ako?

Isa-isa naring lumalabas ang mga nag-uunahang butil sa mata ko pero patuloy ko parin winawasak ang singsing na gawa sa tanso.

Napahagulgol ako habang winawasak ang singsing na pagmamay-ari ni lola.

Dust... sorry pero kailangan ko...

Patuloy ko itong pinupukpok hanggang sa tuluyan na itong masira.

Sorry...

Masakit man para sa akin ang ginawa ko pero alam kong hindi na mauulit pa ang sakit na nagdulot na rin sa akin ng pagdusa.

Tatlong buwan? nahihirapan na ako dust...




Pagsapit ng alas sais ay walang ganang tumayo na ako para magbihis na ng uniform at sapatos ko. Diretsyo kong sinuyod ang paaralan na ang scooter ang naging transportation ko. Marami din akong nakasalubong na mga tao pero Katulad ng ginagawa ko ay hindi ko wisyo ang batiin sila. Walang kibo ko'ng pinasok ang loob ng silid namin at katulad ng palagi kong inuupuan ay sa likod ako dumiretsyo. Pagtungtong ng alas syete ay nagsimula na ang klase na hindi ko naiintindihan lahat ng sinabi ng guro.

Kakatapos lang ng pangalawang subject kaya recess na. Linigpit ko lang isa-isa ang lahat ng mga gamit ko at tumayo na nang harangan ako ni Chelseah.

"Bagong buhay ahh? Mag-isa kanaman ulit? nasaan yung manliligaw mo? Wag kanang mag-asa Lovely! walang kahit sino ang sasamahan ang madilim mong buhay! hoy—"

Mahirap man palagpasin ang mga sinabi niyang hindi magaganda ay nagawa ko paring hindi siya pansinin. Napahawak ako sa dibdib ko habang nakayukong naglalakad na nangingilid ang mga luha sa pisnge ko. Narinig ko pa siyang nainis sa ginawa kong paglagpas sa kanya pero hindi ko na ininda yun at patuloy lang na tinungo ang Cr.

Mas dumoble ang kirot na nararamdaman ko sa dibib ko at mas napahagulgol ako ng todo nang mapansin ko ang singsing na gawa sa kahoy na bigay sa'kin ni Dust.

Bakit hindi ko nasabi sa kanya hangga't maaga pa ang lahat? Huli na ba ang lahat para sabihin ko sa kanya na g-gusto ko siya? kung kelan wala na siya ngayon sa tabi ko?

NERD SPARKS Where stories live. Discover now