Chapter 12

649 28 0
                                    

Namamalikmata na naman ba ako?

Dahan-dahan ko namang pinulot ulit ang singsing na gawa sa tanso at tsaka tiningnan ulit ito ng mabuti. Pareho talaga sa singsing na binigay sakin ni Dust. Napabuntong hininga akong napatingin sa kung saan may isang pamilyar na litrato akong nakita malapit sa kama ni lola.

Marahan ko itong tiningnan. Isang litrato ng isang babae na nakaupo na siguro ay kaedad ko lang. Napakaputi ng kanyang balat na animoy pinanganak ito sa ibang bansa. Matangos din ang ilong niya at napakaganda ng korte ng kanyang mata. May naalala ako, parang may kahawig siya, hindi ko masabi pero alam kong meron. Linibot ko din ang paningin ko sa buong paligid at napatingin ako sa isang maliit na kulay itim na kahon. Naka bukas ito kaya kumunot ang noo ko habang tinitingnan ito.

Wala naman akong naalala na binuksan ko ito.

Isasarado ko nalang sana nang bigla kong maisip na lalagyan pala ito ng singsing. Binalik ko nalang sa loob ng kahon ang singsing ng gawa sa tanso. Parang hindi ko maipaliwanag kung anong nararamdaman ko ngayon. Pagmamay-ari yun ni lola pero paanong kapareho sila ng disenyo ni Dust? Binalik ko nalang ito sa kung saan ko nakitang nakalagay kanina ang kahon.

Wala talaga akong alam sa buong pagkatao ni lola dahil ayaw nga sabihin ni Papa at mama. Ang alam ko lang ay lola ko siya at dito siya mismo namatay sa sariling kwarto niya. Pero maliban doon ay wala na. Hindi ko nga alam kung ano ang itsura niya dahil hindi ko man lang siya naabutan o nakita man lang.

Kinakabahan ako dahil ngayon ko lang nakita ang loob ng kwarto niya at baka mapagalitan ako nila mama at papa kung bakit ako nandito. Kahit si Nanay Ester ayaw din na pumasok sa kwartong ito. Hindi ko alam kung bakit ayaw nila, napaka-linis naman ng kwartong ito at napakababae pa talaga lahat ng disenyo.

Naglakad ako papalapit malapit sa wall clock at doon may nakasabit na frame katabi nito. Isang litrato ng isang babae na kamukha din sa unang litrato na nakita ko at kasama nito ay isang lalaki. Napunta agad ang paningin ko sa lalaking kasama ng babae sa litrato. Napakapamilyar niya masyado para sa akin pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita. Aalis na sana ako nang mapatingin ako sa frame nito na gawa sa hard wood. May nakasulat dito. Hindi ko masyadong maintindihan dahil natatakpan ng kaunting alikabok pero dahan dahan ko itong pinunasan para mabasa ko.

~My Love

Naglalakad-lakad ako habang tinitingnan ng mabuti ang kada gamit na makikita ko. Mahilig talaga sa pink si lola no? lahat na nandito ay pink kahit isang black wala. Hindi naman sa ayaw ko sa pink pero ngayon ko lang nalaman na ganito ka gusto ni lola ang pink.

Hindi ko pa nakikita ang itsura ni lola. Ano kaya ang itsura niya?Napabuntong hininga akong napatingin sa mga maliliit na picture frames sa Dresser niya. Iisang mukha ng babae lang ang nakikita ko sa buong litrato at katulad din nito ang unang litrato na nakita ko kanina.

Napatingin pa ako sa huling pagkalataon sa loob ng kwarto ni lola at tsaka ko napag-isipang isara na ito at lumabas na.Agad naman akong napahinga ng malalim habang iniisip ang singsing na yun. Nasa railings parin ako sa third floor kung nasaan ang kwarto ni lola. Pinagmasdan ko pa ito ng mabuti bago ko na tuluyang ihakbang ang mga paa ko.

Isa-isa ko na din pinapatay lahat ng ilaw na in-on ko kanina. Naglalakad na ako papalayo pero parang napansin kong may sumusunod sa akin. Nung una ay hindi ako nakumbinsi pero nang makita ko sa gilid ng mata ko ang isang anino ay kinabahan na ako. Dali-dali kong tinakbo pababa ang second floor at tsaka pumasok sa kwarto ko.

Napakabilis ng tibok ng puso dahil sa kaba at sa nakita ko. Ni-lock ko ng mabuti ang pintuan ko at tsaka in-off din ang ilaw. Napatingin ako sa cellphone ko at laking gulat kong makita ma napaka-aga ko talaga kanina nagising.

Alas tres palang ng umaga kaya pala madilim pa nang lumabas ako. Parang kinilabutan naman ako sa maiisip na hindi magandang oras ang pag-gising ko kanina at hindi magandang desisyon ang pagpunta ko sa kwarto ni lola na sa ganitong oras! Sunod-sunod ang naging lunok ko nang biglang umilaw ang labas ng kwarto ko. Alam kong nakapatay ito kanina dahil in-off ko ito. Mas hindi na ako mapalagay nang makita ko ulit ang anino na nakita ko rin kanina at nakatayo na ito sa pintuan ng kwarto ko. Kaya pala ayaw na ayaw ni mama at papa sa oras na alas tres dahil may nangyayari talagang hindi inaasahan sa oras na ito. Nanginginig ang mga kamay kong pinipindot ang cellphone para pumunta sa contacts pero agad namang ng hina ang balikat ko na malaman na wala pala akong ibang contacts dahil wala akong kaibigan. Tanging si Nanay Ester lang at yung old number nila ni mama at papa.

Napalunok ako sa oras na ito. Dapat nga maging masaya ako ngayon dahil kung mamatay tao man ang sa labas ngayon o magnananakaw man ay alam kong katapusan ko na ito. Diba ito naman ang gusto ko? na mawala na sa mundong ito? Gusto kong makasama na silang dalawa pero bakit parang hindi ako handa ngayon?

Hindi pa ako handa na mamatay ngayon. Umurong ako nang bigla kong marinig ang dahan dahang pagkatok sa pinto ko. Napakabilis na ngayon ng pagtibok ng puso ko. Naguumapaw sa kaba ang buong pagkatao ko. Hindi ko alam ang gagawin sa oras na ito.

Si Dust lang ang tangi kong pag-asa.

Si Dust lang...

Pupunta pala siya dito ngayong araw dahil ngayon siya magsisimulang manligaw sakin. Pero napakaaga naman siguro kung pupunta siya ng ganitong oras no? Hindi ko alam ang number niya kaya hindi ko siya matatawagan. Anong gagawin ko ngayon? Napatabon ako ng bibig ko nang marinig kong marahan itong binubuksan. Hindi ko namalayan na naiyak na pala ako habang nakaupo sa dulo ng sahig at nakatingin lang sa pintuan.

Agad kong narinig ang pag-click ng door knob na senyales na nabuksan na ito. Sunod-sunod akong nanghina sa inuupuan ko. Wala na akong takas dito. Unti-unti kong nasisilayan ang sinag ng ilaw na pumapasok sa loob mg kwarto ko habang binubuksan ito ng isang tao. Mas hinigpitan ko ang pagtabon ng bibig ko para hindi niya ako marinig. Pinagmasdan ko siyang humakbang palapit para pindutin ang light switch pero bago pa niya ito ma-on ay dahan dahan akong lumapit malapit sa gilid ng kama at magtago.

Umilaw na ang buong kwarto ko. Isa isa ulit nagsiunahan ang pagkabog ng puso ko. Narinig ko siyang humakbang at papunta na ito ngayon sa direksyon ko. Ito ulit ang unang beses na mararamdaman ko ulit ang takot na ito. Katulad din nang mawala sila ni mama at papa sa akin, ganitong-ganito din ang nararamdaman ko tuwing gabi,dito din mismo sa kwarto ko.

Diretsyo lang ako nakatingin habang papalapit na siya ngayon sa akin. Nakita niya ako. Narinig kong tumawa ito ng kaunti at tsaka marahan na naglalakad papunta sakin. Tanging pagkabog lang ng dibdib ko ang naririnig ko at ang kaba na nararamdaman ko ngayon ang umuumapaw.

Katapusan ko na kaya?

Nagsitulo dahan dahan ang mga luha sa mata ko habang diretsyo nakatingin sa isang taong nakatayo na ngayon sa harapan ko.

"What are you doing in my room?"

NERD SPARKS Where stories live. Discover now