Chapter 22

540 27 0
                                    

Dahan-dahan akong napailing sa sinabi niya.

Hindi multo si Dust!

Parang isa-isa kong naramdaman ang pagkalabog ng dibdib ko habang nauulit sa isipan ko ang sinabi niya.

Hindi pwede! Dust ang tawag ko kay Seco!

"O-ook kalang? namumutla ka..."aniya

Napatingin ako ng marahan sa kanyang ginawa sa akin. Pinagmasdan ko siyang hipuin ang noo ko gamit ng mga kamay niya. Napakalambot ng mga ito. Napakaganda ng mga mata niya habang nakatingin ito ng diretsyo sa akin. Marahan siyang napangiti sa akin.

Kanina ko pa gustong itanong sa kanya kung anong pangalan niya pero parang may pumipigil sa akin na huwag nalang.

"Franco ang pangalan ko..."

Agad akong natigilan nang sabihin niya ang pamilyar na pangalan na iyon kaya dahan dahan kong naramdaman ang pagtaas ng kilay ko.

"A-aano? ano ang pangalan mo?"paguulit ko. Tiningnan niya pa ako ng may pagdududa hanggang sa magsalita ulit siya.

"My name is Franco..."

Franco?

Hindi ko alam pero agad na humakbang ang mga palad ko sa mga mukha niya. At dahan dahan kong naramdaman ang paglunok ko.

"Franco...F-ffranco din ba ang p-pangalan ng lolo mo?" nauutal kong sabi sa kanya. Agad kong naramdaman ang pagwakli niya ng palad ko sa mukha niya.

"Paano mo nalaman?"matagal kaming nagkatinginan at hindi ko alam ang nararamdaman ko sa mga oras na ito dahil sa kakaibang pagtibok ng puso ko."Sino ka?"

Habang nakatingin ako ng diretsyo sa mga mata niya ay may isang pangyayari akong naalala noong 1893.

"sige pero dapat may kapalit itong gagawin ko binibini..."

Napatango lang ako.
Sige. Madali naman akong kausap.

"Sige ano yun?"

"Kumain tayo"

"Yun lang?"agad naman siyang tumango. "Sige deal, ngayon ba?"

"bukas pa"

Ok.

Hindi ko ma-ilarawan ang klaseng pagtibok ng puso ko ng maalala ko ulit si Franco ng 1893.

Nalimutan kong puntahan siya ng umaga para kumain kami noong 1893. Hindi ako nakapunta dahil bumalik na ako ng 2010.

Isang mapait na ngiti ang naibigay ko sa lalaking kaharap ko ngayon. Franco din ang binigay na pangalan ng magulang niya sa kanya kaya hindi maglayo na ang tinutukoy ko na Franco ay ang lolo niya.

"Sabi ko sino ka?"

Bumalik ulit ako sa realidad nang marinig kong tinanong niya ulit ako. Napabuntong hininga pa ako nang magkita ulit ang mga mata namin pareho. Napansin ko rin ang pagsunon-sunod ng paglunok ko dahil sa kakaibang awra na nasa mukha niya.

NERD SPARKS Where stories live. Discover now