Chapter 20

546 26 6
                                    

Naramdaman kong pumatak isa-isa ang naguunahang maliliit na butil sa pisnge ko. Naramdaman ko din ang pagsikip ng dibdib ko habang iniisip ang mga sinabi niya na tulalang nakatingin sa kawalan. Napakabigat ng nararamdaman ko ngayon dahil sa sinabi niya at malaman na sa isang iglap lang ay wala na siya sa harapan ko. Naging madilim na ang paningin ko matapos niyang sabihin ang mga salitang yun, hindi ako makagalaw ng maayos basta ang alam ko lang ay dahan dahan ng pumipikit ang mga mata ko dahil sa kakaibang sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko.

Naimulat ko ang mata ko dahil sa sikat ng araw na tumatapik sa mukha ko. Marahan kong ginalaw ang katawan ko pero napakabigat nito, napatingin ako sa mga kamay kong nakakuyom ngayon. May gasgas ito at hindi ko alam kung saan ko ito kinuha kagabi. Dahan dahan na akong bumangon at ang una ko agad nakita ay yung orasan.

6:00

Napaka-aga kong nagising ngayong araw. Tumayo na ako at pumuntang cr para magmumog at magsipilyo. Kinapa ko pa ang likod ko dahil sa parang namamaga ang buong katawan ko ngayon. Ang hirap gumalaw ng maayos dahil dito, pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto ko pero bago pa ako tuluyang makababa ng second floor ay wala sa wisyong napatingin ako sa pangatlong palapag ng bahay.

Naramdaman ko ang pagtaas ng isa kong kilay habang nakatingin ako ng diretsyo doon. Napanguso pa ako ng kaunti, bumaba nalang ako at dumiretsyong pumunta sa baba. Lumabas ako ng bahay pero laking gulat kong madilim pa naman pala! Saan nanggaling ang sikat ng araw kanina? at....nakatutok naman ang kamay ng orasan sa alas sais diba?

Kumunot ng dahan dahan ang noo ko habang nakatingin sa labas. Madaling araw palang kaya? Napahalukipkip ako nang maramdaman kong dumaan sa balat ko ang malamig na hangin sa ganitong oras. Maganda ang sikat ng buwan ngayon kaya akala ko kanina sikat na ng araw ang pumapasok sa loob ng kwarto ko kanina. Napagdesisyunan kong kumuha ng jacket at mag cap at lumabas ng bahay para maglakad lakad ng ganitong oras. Hindi na ako makatulog ngayon. Nilagay ko namang ang earphones sa magkabilang tenga at tsaka pumili ng kanta sa spotify. Tama nga ako at hindi pa alas sais ng umaga pero alas kwarto palang ng madaling araw. Nasa dalawang pocket ng jacket ko nakasuksok ang magkabilang kamay ko. Napakalamig ng hangin sa ganitong oras, pumunta ako sa 24/7 na convenient store na malapit lang sa bahay ko. Wala ng tao dito at tanging ako lang at ang kahera ang nandito. Katulad ng binibili ko ay kumuha ako ng ramen at tubig. Binayaran ko din ito pagkatapos ay umalis na. Nilagyan ko na din ito ng mainit na tubig para habang naglalakad ako pabalik ay may hinihigop akong sabaw. Hindi ko na din namalayan na hindi ako dinala ng mga paa ko sa bahay pero sa lugar kung saan lahat nagsimula.

Umupo ako sa swing dito at tsaka pinaupo sa lupa ang bottled water na binili ko. Napakapresko at napakalamig parin ng hangin dito. Humigop ulit ako ng sabaw at tsaka napatingin sa itaas habang pinagmamasdan ito ng mabuti.

Mahigit tatlong buwan nang mangyari iyun. Mahigit tatlong buwan na rin na hindi ko na din siya nakikita o nakakausap pa. Parang kahapon lang nangyari pero matagal na pala ng magyari yun. Minsan napapatulala nalang ako habang iniisip ulit yun, kung totoo ba talaga na babalik siya at hihintayin niya ako pero sapalagay ko hindi ko na makakayanan pa. Bumaon sa dibdib ko lahat ng sakit at kirot matapos lahat ng yun. Yun ang huli ng pagkikita namin sa taong 1893 pero nang makabalik ako sa panahon ko ay hindi ko na ulit siya nakita pa. Isang araw lang ang tinagal ko doon pero parang isang buwan ang tinagal ko doon.Tatlong buwan palang pero hinahanap at namimiss ko na siya. Isang siglo?

Napangisi ako habang kumakain ng ramen noodles.

Gusto ko na siyang makita ulit. Bumuntong hininga ako at napatingin ulit sa magandang sinag ng buwan sa itaas ng kalangitan. Sa tatlong buwan ng paghihintay ko sa kanya ay hindi sapat ang nalaman tungkol sa buong pagkatao niya. Nanaliksik ako tungkol sa buhay ni Dust pero tanging minor bibliography lang tungkol sa pagkatao niya ang nakuha ko. He was born in the year 1876 on December 16th, two siblings, Shielah and Shero Sparks. He use to play board games and often reads books in his own library. His lover's name is Celestine my great grandmother. His favourite colour is white. He died 1993, the same year as my birth year. He doesn't have allergy to dogs that's why he has one named bogart. He died as a great scientist with no kids and wife. He died having no one around him. Many says that the cause of his death is he is fond of experimenting his chemical soluble that contains high dosage of vicious substance that is use for poisoning. Someone says he's drunk that time that's why he drink it.  After that his younger brother Shero come over to his office seeing his brother with no heartbeat found. He died a hundred and seventeen years old. His burial decides to be in his own place. Since his brother Shero wants his brother presence lives in the house.  After all happens,my birthday comes. And that's is the only thing that breaks my heart...

Kung saan wala pa ako ay buhay pa siya pero nung sinilang na ako ay siya naman ang nawala sa mundo.

Napakadamot talaga ng tadhana.

I wiped my tears away from my face whenever the cold air touches my skin because it gives me chills.

Napatingin ako sa kamay ko na may isang singsing na gawa sa kahoy. Hindi ko na ito sinubukan pang kunin sa daliri ko simula nang araw na yun. Palagi ko itong sinusuot sa daliri ko kahit saan man ako magpunta.

Maghihintay ako dito Dust...

Naramdaman kong lumabas na isa isa sa mata ko ang naguunahang butil sa pisnge ko. Ulit ko namang naramdaman ang sakit. Sa buong buhay ko ay hindi ko naranasan ang ganitong klaseng hinanakit at pagdusa na mangyayari sa buhay ko. Pinigilan kong hindi na maiyak pa dahil may pasok pa ako mamaya at baka mamaga na naman itong mga mata ko sa kakaiyak. Walang gabi na hindi ako pumupunta rito para kauspin ang buwan.

Matapos ang nangyari ay hindi ko na naranasan na makita siya na lalabas sa paningin ko. Hindi ko na nakita pa ang buong mukha niya matapos mangyari yun. Na mismiss ko na siya...

Napainom ako ng tubig habang nakatingin parin ng diretsyo sa kalangitan na puno ng mga nagagandahang bituin.

Kung ang buwan ay makakahintay ng pagsinag ng araw dapat ganon din ako.

"I'll wait for you and I'll find you when the time comes Seco Sevirein Sparks"

"hihintayin kita dito...pangako yan dust... my Sun..."

NERD SPARKS Where stories live. Discover now