Chapter 2

2.1K 60 3
                                    

Umaga ako nagising dahil wala si nanay Ester para magluto. Lumabas na ako sa bahay na naka hoodie at pajama lang. Naririnig ko na kanina pa na kumukulo ang tiyan ko.

Pagkalabas ng gate ay nilagay ko lang sa tenga ko ang earphones at tsaka pinadyak ang isang paa sa lupa para umandar ang scooter. Walang pasok ngayong araw. Ang lamig ng hangin na tumatapik sa mukha ko. Kaya hindi ko maiwasang manginig habang tinutungo ang convenient store.

Katulad ng kagabi ay naghanap lang ako ng cup noodles at kumuha ako ng tubig para sa maiinom. Magsisimula na akong kumain sana pero agad kong napatingin sa umupo kaharap ng inuupuan ko.

"pumili ka, pink o blue?"

Tiningnan ko lang siya. Nasa akin siya nakatingin kaya malamang ako ang kinakausap nito. Medyo pamilyar ang mukha niya.

Mas gusto ko yung black.

"huhulaan ko, hindi pink o blue pinili mo no?"

Napatingin nalang ako sa kinakain ko at tsaka sumubo ng noodles. Ang kulit naman ng isang to. Hindi niya ba maintindihan na kung hindi nagsasalita ang tao ay ayaw siya nitong kausapin?

Narinig kong bumuntong hininga siya at nagsalita ulit.

"Sige hindi nalang yun, babae ka o lalaki?"

Hulaan mo.

"Sige ako nalang ang huhula...hmmm ano... siguro ano...hmm tomboy ka no?"

Tch

Sinuyod ko ng tingin ang buong mukha niya kaya pala pamilyar siya dahil siya din tong lalaki kagabi.

Hindi ba siya naiilang sa ginagawa niyang pagtingin sa akin? dahil ako kanina pa. Ano ba gusto nito sakin?
Ok lang sana kaso lang nasa iisang lamesa lang kami at kaharap ko pa siya. Napabuntong hininga ako.

Hindi ko nalang siya pinansin at mas tinuunan ng pansin ang kinakain ko.

"huhulaan ko...bingi ka no?"

tch

"O baka hindi ka marunong magsalita? o di kaya'y may sakit ka kaya hindi ka nagsasalita!"

Sige kausapin mo ako, tiyak mauubos laway mo

Narinig ko namang pinaguusap-usapan na kami ng tao kaya as usual ay tiningnan ko lang sila.

"huwag mo silang tignan, humarap ka nga sakin!"

"Omg, tinitingnan niya tayo" aniya ng babae sa katabi niya. Hindi ko na yun pinansin at napatingin sa kaharap ko.

"Good"

Good? anong pinagsasabi nito?

"dyan ka muna ha? huwag kang aalis..." sabi niya at tsaka umalis.

Hindi ko na yun pinansin dahil pakialam ko naman sa kanya. Mainit pa kasi ang noodles kaya hindi ko agad ma ubos. At matatagalan akong ubusin ito dahil ramyeon ito at three times hotter sa binili ko kagabi.

"Here..."aniya at umupo na siya at napatingin naman ako sa binigay niyang...

Tubig?

"Alam mo naman na maaanghang, kinakain mo pa din"

May sinabi ba ako?

"Kunin mo na yan, your lips are getting red you know?"

Tama nga siya. Kanina pa kasi na ubos ang tubig kong binili dahil napakaanghang kasi ng noodles na to. Binuksan ko ang bottled water na binili niya at tsaka ininom yun.

"thank you"

"YUN! nagsasalita kanaman pala eh!"

Hindi ako nagulat sa sinabi niya pero nagulat ako sa mga taong tumitingin sa amin. Ngayon lang kasi may nagtangkang kausapin ako ng ganito katagal.

NERD SPARKS Where stories live. Discover now