Nasa blackboard lang kanina pa ang mga paningin ko. Naka saksak naman sa tenga ko ang earphones ko, walang tao dito dahil halos lahat ay nasa gym at soccer field. Napatingin ako sa harapan dahil sa pagbukas ng pintuan ay si Dust ang bumungad sakin. Dire-diretsyo naman siyang pumunta sa tabi ko.
"hindi kaba lalabas?"
Marahan akong napailing sa sinabi niya at binalik ang atensyon sa blackboard. Tiningnan niya din ang tinitingnan ko kaya alam kong nagtataka siya ngayon dahil wala namang nakasulat doon.
"Love..."
"hmmm?" sabi ko.
Umupo siya sa harapan ko at laking gulat ko nang lumapit siya sa mukha ko.
"a-anong ginawa mo—"
"Shshshshssshs ang ingay mo, matutulog ako..."
Pinagmasdan ko siyang mas lumapit sa upuan ko at dinikit ang upuan namin pareho at ang armchair ko ang ginawa niyang sandalan sa pagtulog.
"Dust..."
"hmmmm?"
Tch
Napabuntong hininga ako. Wala talaga siyang pakialam sa mga inaasta niya no? Ok naman kami pero... h-hindi naman kami ganon ka-close diba? Katulad sa nakikita niyo sa iba diba?
Napalunok akong napatingin ulit sa kanya. Hindi ko nga pala siya makita dahil nasa armchair ko siya nakatingin at ang nakikita ko lang ay buhok niya. Bago ko lang na pansin na parang medyo brownish na parang walnut ang kulay ng kanyang buhok tapos hanggang batok niya ang haba nito.
Nakatulog na kaya siya?
Dahan-dahan naman akong tatayo sana para mag-hanap ng bagong upuan kaso lang narinig kong nagsalita siya.
"dito ka lang, kahit ngayon lang please"
Napatingin naman ako sa kanya nang dahan dahan niyang higitin ang kamay ko at nilagay sa ulo niya.
Ano bang ginawa niya?
"Pwede mong laruin ang buhok ko habang natutulog ako"
"Bakit?"
Hindi siya nagsalita.
Tch
Ano ba ang trip nito?
Maige ko namang tiningnan ang buhok niya. Dahan dahan kong kinuha ang mga kamay kong nasa ulo niya at...
"Marunong ka bang magbraid?"
Tch
"Oo"
"eh braid mo nalang ako"
Matagal kong hindi na nasubukan ito pero sapalagay ko ay marunong pa naman ako. Maingat kong ginawa sa kanyang buhok ang braid at kung titignan mo ay marunong pa naman pala ako nito.
Napakalambot ng kanyang buhok at Oo mabango ito. Hindi naging mahirap sakin ang paggawa ng braid sa buhok niya dahil natutulog lang siya.
Naibaling ko ang paningin ko nang biglang bumukas ang pintuan ng classroom namin. Pinagmasdan ko namang siyang pumunta sa amin nang habang lumalapit ay naklaklarohan ko na siya.
si Chelseah
"Anong ginagawa niyo? Bakit dalawa lang kayo rito ha?"
tch hindi niya ba nakikita ang ginagawa ko?
Agad naman siyang napatingin sa ginagawa ko at agad ding binalik sakin ang paningin nito.
"Sino yan? Is that Seco? ha? wow grabe ka talaga no? may tinatagong kalandian ka din no? kaya hindi ka lumalabas para ma solo mo siya no? Tss"
YOU ARE READING
NERD SPARKS
FantasyLovely Martha Celestine Martinez a high schooler who is known for her typical boyish aspect, dark personality and boring. As long as her earphones and scooter on her side makes her no worries to think of the people who hated her. No ones willing to...