Sinusubukan kong matulog pero hindi ako makatulog kakaisip sa mga nangyayari ngayon. Hindi parin ako makapag-isip ng tama at diretsyo. Napatingin ako sa cellphone ko at hindi ko alam pero kanina ko pa siya ino-open pero ayaw na. Na low-bat siguro kaka tingin ko sa contacts kanina. Lagpas isang oras na siguro nang umalis sila sa kwarto ko, alas kwatro na ng madaling araw pero hindi pa sumisikat ang araw.
Napatingin naman ako sa wall clock dito sa loob ng kwarto ko pero bakit naka-tuon ito sa alas syete? na late siguro ito. Hindi parin ako makapaniwala na kulay blue na ang kwarto ko ngayon. Nakakapagtaka lang talaga kung bakit parang hindi ko man lang alam kung anong nangyayari ngayon. Wala naman akong natandaan na may bumili na ng bahay na ito.
Tumayo ako at tsaka pumunta sa dresser na kulay blue din. Mahilig si Martha sa blue tapos...
Sandali!
Pink diba ang kwarto ni lola? tapos nakapink kanina si Celestine diba? Tapos sabi niya ayaw niyang pumapasok ako sa loob ng kwarto niya? ganon din si lola! di kaya'y...
Hindi Pwede!
Lola ko si Celestine? Pero bakit hindi ko alam na may kambal siya—
Sandali!
Sandali!
Sandali!
Mahigit isang minuto ako nakatingin sa dresser na blue.Napunta naman ang mga paningin ko sa isang picture frame na kung saan isang babae na siya lang mag-isa ang nakaupo.
Kung si Celestine ay yung lola ko posibleng si Martha ay lola ko din!
Pero bakit nandito ako? Anong panahon ito? paanon——
Agad nagsitaas ang mga balahibo ko dahil sa maiisip ko pa lang na baka napunta ako sa taon kung saan buhay pa si lola! Hindi maaari!
Hindi pwede!
Ulit kong naramdaman ang isa-isang pagtibok ng puso ko dahil sa nalalaman ko ngayon.
Paano nagkaganito?
Kaya pala nasa alas syete nakatuon ang oras dahil nasa ibang panahon ako? pero tandang tanda ko kanina na alas tres palang nang pumasok ako sa room na to! sa kwarto ko! Sa kwarto ni Martha! sa room namin?
What the actual fck?
Puno ng katanungan ang isip ko nang biglang may pumasok. Si Martha.
"Aalis tayo, may pupuntahan tayo—"
"Anong araw ngayon?"
"Ha? Ahh..."
"Exact date kamo"
"Friday, June 10, 1893"
Parang agad akong nanghina nang marinig ko ang taon na sinabi niya..
1893?
Parang nawawalan na talaga ako ng bait.
"Ok ka lang ba?"
Kaya pala parang kakaiba yung pananamit nila kumapara sa akin. Dahil nandito ako sa19th Century!
Isang siglo mahigit akong bumalik sa panahon nila."Paano ako nakapunta dito?"
"Hindi ko alam, saan ka ba dumaa—"
"Hindi yan ang ibig kong sabihin pero, paano ako napunta sa taong 1893?"
"Hindi kita maintindihan"
Napabuntong hininga nalang ako at tsaka tiningnan siya.
"Galing ako sa taong 2010"
YOU ARE READING
NERD SPARKS
FantasyLovely Martha Celestine Martinez a high schooler who is known for her typical boyish aspect, dark personality and boring. As long as her earphones and scooter on her side makes her no worries to think of the people who hated her. No ones willing to...