Naglalakad ako papuntang second floor sa kwarto ko, akala ko ang mamuhay ng mag-isa ay nagiging mapadali ang lahat ng mga bagay-bagay pero hindi pala. Mahigit Siyam na buwan na at matiyaga ko paring hinihintay ang pagbalik niya at na makita siya, matapos ulit ang siyamnapu't siyam na taon. Mahigit Kumulang pa ng isang siglo ang hihintayin ko at siyam na buwan palang ang makalipas nang umalis siya. Nakakabagot man pero titiisin hangga't sa makasama ko lang ulit siya.
Agad akong nag-angat ng tingin nang biglang mag-door bell ang gate sa labas. Naglakad ako papunta doon at pagkabukas ko ng gate ay sinalubong niya ako ng isang box. Nagaalin-langan man ay kinuha ko nalang ito at pinapasok siya sa loob ng bahay ko.
"Graduation mo na bukas, nag-aaral ka pa rin?" aniya.
Hindi ko nasubukang sagutin ang mga sinabi niya. Nakatutok diretsyo sa Laptop ang mga paningin ko. Nasa gilid ko lang din ang binigay niyang box sa akin.
"Titimpla lang ako ng kape para sa ating dalawa" aniya kaya tumango lang ako.
Napalunok ako habang nakatingin sa binabasa kong article tungkol sa isang Shooting Star na pumasok dito sa earth noong June 10, Friday 1893 na kung saan ito daw yung klase ng shooting star na hindi inaasahan ng NASA na sa taong yun. Itong klase ng shooting star daw ay napakabilis at napakabihira daw dahil yun ang pinakaunang taon ng pumasok yun sa earth na hindi mo makikita ang visibility nito papuntang earth kaya hindi nakapaghanda lahat ng tao. Pero nang umabot na sa lupa ang shooting star na yun ay walang anuman ang nangyari maliban lang sa hindi rin inaasahan ay ang pag ilaw nito sa buong lupain kaya naging sanhi ng pagkabulag at pagkawalan ng malay ng iba nang mangayari yun. Isang Oras daw bago ito nawalan na ng ilaw kaya dahan dahan namang nakabalik sa normal ang mga tao sa taong yun.
Isa-isang tumaas ang mga balahibo ko dahil sa nabasa ko, isa-isa ko ding naramdaman ang pag-pintig ng puso ko. Sunod-sunod ang paglunok ko at naramdaman kong hindi na ako mapalagay sa pwesto ko.
Sa taong ito ako bumalik, 1893, Friday June 10, sariwang sariwa pa sa isipan ko hanggang nagyon nang sabihin yun ni Martha sa akin.
"Are you alright?" agad akong napatingin sa agaw atensyon niya sa akin. Agad siyang lumapit at hinipo ang noo ko. "shit, ang init mo lovely, stay...kukuha ako ng gamot mo"
Sinunod ko naman ang sinabi niya at napasandal ako sa likod ng sofa. Parang hindi ko nararamdaman ang buong katawan ko pero naririnig ko naman ang nasa paligid ko. Napa-lunok ulit ako dahil sa kaisipang bukas na pala ang Graduation ko sa Junior High School ko pero hindi ako nasa normal kong sitwasyon ngayon. Sana hindi ito mangyari bukas. Nang gumising ako kanina alam kong may lagnat ako pero hindi ko lang pinapansin dahil alam kong mawawala naman ito. Hindi ko alam na maghahantong sa ganito ako ngayon.
Agad niya akong dinala sa loob ng kwarto ko at hiniga sa kama, kahit ang napakalambot kong kama ay hindi ko naramdaman. Nakita kong kumuha siya ng gamot at tubig at pinasok niya sa bibig ko ang puting tablet at ganon din ang tubig. Matapos, nilagyan niya din ng basang panyo ang noo ko habang patuloy sa paghihimas ng basang panyo paulit-ulit sa buong katawan ko.
"Lovely...naririnig mo ako?" aniya.
Nakatingin lang ako sa kanya ng diretsyo, Oo naririnig ko siya pero hindi ako makatango dahil hindi ko nararamdam ang katawan ko.
Hindi ba't ito dapat ang gusto ko? Na mawala na ako dito sa mundong ito? Isang butil ng luha ang kumawala sa mata ko. Gusto kong makita na sila mama at papa pero parang hindi ako handa? bakit hindi ko pa kaya na mawala dito kung itong oras na ito ay oras ko na?
Isang pangalan lang ang naririnig ko habang sinasabi niya yun kundi ang pangalan ko. Siya nalang ang kasama ko sa pang-araw-araw at nalulungkot akong iwan siyang ganyan. Umiiyak siya habang sinisigaw ang pangalan ko at habang hindi bumibitaw sa mga palad ko.
YOU ARE READING
NERD SPARKS
FantasyLovely Martha Celestine Martinez a high schooler who is known for her typical boyish aspect, dark personality and boring. As long as her earphones and scooter on her side makes her no worries to think of the people who hated her. No ones willing to...