Kakatapos lang ng klase kaya pauwi na ako ngayon sa bahay. Nasanay na akong hindi binabati ng kahit sino kapag may nadadaanan akong kilala ko man o hindi ko kakilala pero kahit ganon ay hindi ko naisip na mag-tanim ng galit o poot sa kanila.
Kahit ako mismo alam kong ayaw nila sakin dahil sa ganito ako sa mga mata nila. Hindi ko naman siguro kasalan na naging ganito ako ka walang kwenta sa mundo no? pinanganak akong ganito, anong magagawa ko?
"lably"
Walang ganang naibaling ko ang paningin ko sa nagsalita at hindi ako nagkamali na siya ito.
Hindi ko alam ang pangalan nito pero alam kong isa siya sa mga adik na nakakasalubong ko minsan.
Tinanguan ko lang siya at nagpatuloy lang ako sa paglalakad nang marinig ko siya ulit na magsalita.
"Sandali lang..."
Tiningnan ko naman siya ng diretsyo at inintay sa kanyang sasabihin. Ngayon nalang ulit ako kinausap ng mga taong to pero pakiramdam ko ay may kakaiba.
"Mag-ingat ka sa daan, madilim na, sigena umuwi kana..."
Marahan naman akong napatango sa kanyang sinabi. Mabilis ko nalang pinadyak ang isa kong paa sa lupa at nagfrefree-wheeling kung maganda na ang takbo ng scooter ko. Mabilis lang akong nagbihis ng pambahay na damit nang dumating ako at tsaka lumabas na ng bahay.
Hindi pa ako nakakain ng hapunan pero gusto ko ng lumabas ng bahay. Parang may nagsasabi sa isip ko na pumunta ulit ako doon. Tanda ko pa ang lugar kung nasaan yun. Sa hindi kalayuan ay nakikita ko na ang nagiisang malaking puno ng balete sa gitna ng lugar.
Papunta na ako ngayon sa puno. Pagkadating ko ay unti-unti ko namang inupo ang sarili sa swing at namamangha paring nakatingin sa buong paligid.
Napakanda ng lugar na ito.
Naramdaman kong napangiti ako nang bigla kong makita ang mga alitaptap na lumilipad sa ibabaw ng puno ng balete. Napakasarap parin ng hangin dito at tuwing nararamdaman ko ito sa mukha ko.
Agad kong kinuha ang cellphone ko at kinuhanan ng picture lahat na nasa paligid nito. Naisipan kong umupo sa damo at dahan dahang hinihiga ang katawan sa lupa. Naka-ekis ang dalawang siko ko na nakasandala sa likod ng ulo ko habang ang mga paningin ko ay diretsyong nakatingin sa buwan.
Tuwing nakikita ko ang buwan, palagi ko nalang naaalala si Moon. At tuwing naaalala ko siya ay parang kung anong lungkot at sakit ang nararamdaman ko sa puso ko. Tuwing nasiisip ko palang si Moon ay sumisikip na ang dibdib ko. At sa buong buhay ko ngayon ko lang ito naranasan.
Maige kong tinitingnan ang buong kalangitan. Napakalaki ng mundo pero sa lahat na napiling mabuhay ay bakit isa ako sa pinili?
Sana iba nalang ang binigyan ng pagkakataon na mabuhay kesa sa katulad kong walang kwenta at walang saysay sa mundo. Hindi ko nga maintindihan kung karapat-dapat ba talaga akong nabuhay dito sa mundo kung ako lang naman pala magisa sa buong buhay ko. Sana namatay nalang ako kasama sila mama at papa para hindi ko na maramdaman ang ganitong klaseng lungkot na meron ako.
Napabuntong hininga ako habang nakatingin parin sa buwan.
"Andaya niyong dalawa, bakit kasi iniwan niyo ako magisa dito...sana sinama niyo nalang ako"
"Miss ko na kayo"
"Sana sa susunod na mabubuhay ako muli, gusto ko nandyan na ulit kayo para sakin ha? Promise yan wala ng bawian..." sabi ko na nakatingin sa kalangitan.
Dahan dahan kong pinikit ang dalawang mata ko at pinakiramdaman bawat simoy ng hangin sa paligid ko. Napakaganda ng lugar na ito hindi bagay sa tulad ko. Napangisi ako kalaunan sa iniisip at napabuntong hininga ng pinakalalim.
YOU ARE READING
NERD SPARKS
FantasyLovely Martha Celestine Martinez a high schooler who is known for her typical boyish aspect, dark personality and boring. As long as her earphones and scooter on her side makes her no worries to think of the people who hated her. No ones willing to...