CHAPTER 4

869 51 4
                                    

Nag-anunsiyo ng picture taking pagkatapos ng seremonya. Nanatili siyang nababagabag sa samu't saring pakiramdam na dulot ng kanyang unang halik. Ngunit nang matagpuan ang makahulugang tingin ng ina habang papalapit sa kinaroroonan niya, agad niya ring inayos ang sarili.

Dahil unang pinalapit ang pamilya ni Celine, tumabi kaagad sa kanya ang kanyang mommy. Kasunod nito ay ang 'kanyang' Tito Alfonso at ang nag-iisa nitong anak na si Karissa.

Ang alam niya ay hindi naman nalalayo ang edad ni Alfonso sa kanyang ina. Ngunit napupuno na ng puting buhok at gatla ang mukha nito dahilan upang magmukhang mas matanda kaysa sa tunay na edad. Hindi rin nakatulong na halos hindi mabanat ang mukha nito para sa isang ngiti kahit na dapat ay masaya ang okasyong iyon. Well, she doesn't feel like celebrating either, even the groom himself looked really gloomy, so she understood how Alfonso felt.

Hindi niya naman napigilan ang mapamangha sa 'pinsan' niyang si Karissa. She's so beautiful! Makinis at tila gatas sa puti ang balat nito. Mahaba ang buhok na sadyang kinulot ang dulo. May pagka-singkit ang mga mata nito na tiyak niyang namana mula sa Filipino-Chinese na ina na pumanaw limang taong gulang pa lamang ito ayon sa mga ipinabasang files sa kanya ni Rose.

Unlike her father, Karissa looked nice and angelic. Pinong-pino ang kilos at kahit paano'y may maamong ngiti sa mga labi bagaman ay tipid. Ngunit sa kabila no'n ay hindi nakatakas sa kanyang tingin ang lambong sa mga mata nito nang mabilis sulyapan si Antonio na tahimik lang sa kanyang tabi.

Agad namang ibinalik ni Karissa sa kanya ang tingin nang tuluyang makalapit. Now, her expression gone blank despite the smile on her lips.

"Congratulations, Celine," she said sweetly.

Hindi na niya kailangan pang lingunin si Antonio upang makumpirma ang tensiyong nararamdaman mula rito.

Alam niya ang tungkol sa relasyon ng dalawa. At kung hindi lamang marahil sa kasunduan sa pagitan ng dalawang magkaibigan, si Karissa sana ang babaeng nasa puwesto niya—o ng kakambal niya. She could see why somebody like Antonio would be attracted to her. Karissa seemed so flawless.

"Thank you," tipid niyang sinabi at nag-iwas na ng tingin.

An unfamiliar feeling of jealousy swept over her while she's looking at Karissa. Mabilis niyang itinaboy ang pakiramdam na iyon.

Ilang sandali pa bago kumilos si Karissa at umalis sa kanyang harapan. Lumipat ito sa tabi ng kanyang mommy upang magsimula na ang pagkuha ng mga larawan. Her mother obviously doesn't look pleased at Karissa but she smiled happily for the sake of the picture.

Antonio's family was called next. Para niyang pinagmamasdan ang mas matandang bersiyon ni Antonio nang makaharap ang ama nitong si Abraham Enriquez. They have the same bushy eyebrows, deep-set eyes, aristocratic nose and plump lips. Namamarkahan nga lang ng ilang linya sa mukha ang nakatatandang Enriquez hudyat ng edad nito at hindi hamak ding mas maputi ang balat nito kumpara kay Antonio.

Antonio probably got his bronze skin from his beautiful mother. Maaliwalas at malambing ang ngiti ni Helena Enriquez sa kanya. Hindi niya ito kinakailangang makilala ng lubos para masabing mabuti itong tao. Her pure and motherly character were reflecting on her eyes and warm aura.

"Matagal tayong hindi nagkita Celine. Kumusta ang bakasyon mo? Sana ay nakapagpahinga ka ng maayos, hija. You've had a lot of modelling engagements for the past months. No wonder you were over fatigued and burned out," anang ina ni Antonio sa kanya.

Marahan siyang tumango. Iyon marahil ang rason na ibinigay ni Rose sa mga ito.

"It was fine po–ahm... mama. I felt like I already regained my energy after my long vacation in Thailand. I can go back to modelling anytime sooner," sagot niya habang pilit itinatago ang panginginig sa likod ng ngiti sa mga labi.

Lips That LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon