CHAPTER 51

722 53 22
                                    

Kung may napansin man si Art sa naabutan kagabi sa kanila ni Antonio ay wala itong nasabi. But she noticed how his eyes lingered on her when he went to the kitchen to check on some things with the head chef. She tried to act normal and made sure not to give anything away.

Mabuti na nga rin at hindi siya nilapitan o kinausap muli ni Antonio. He didn't leave the resort, though. He's just obviously trying to give her some space after everything that she told him last night.

Sinabi niya kagabi na ayaw na niyang ma-involve pa rito at sa pamilya nito. Na hindi niya ito mahal...na hindi niya ito kailanman minahal. Kailangan lang niya ito para sa pansariling mga rason ngunit ngayon ay ayaw na niyang masangkot pa sa mga Enriquez at Sandoval. She didn't want to lie to him again but she felt it was necessary so she could push him away. Mas mabuti nang ganito para walang gulo. She has troubled him and his family enough.

She's glad that it was now even busier at work. Parte siya ng culinary team para sa malaking event bukas at iyon ang kanilang pinaghahandaan. Wala siyang pagkakataon na ma-bakante at isipin ang tungkol sa kanila ni Antonio. She was firm in her decision but she's scared that the more she spends her time in his presence...the more her resolve gets weaker.

The day ended without any interaction with Antonio. Sa sumunod na araw, hindi niya alam kung naroon pa rin ito dahil maaga pa lang, naabala na siya sa kung ano-ano'ng preparations nila para sa event. Hati ang grupo nila sa kitchen ngayon. Those who are not included in the culinary team for the event will serve their regular customers at the restaurant. Silang naka-toka sa event ay narito sa kabilang kitchen na malapit sa event hall ng resort.

She learned that the party was thrown by distant relatives of the Dazas. Kaya naman a-attend din si Art sa party na iyon bilang bisita. It was a huge event and will be attended by formidable families. Agad siyang kinabahan nang maisip na baka may makakilala sa kanya ngunit natanto niyang, dahil sa kitchen naman ang kanyang trabaho, hindi niya kinakailangang humarap at makihalubilo.

She washed the ingredients, cut the meat and vegetables, cleaned up used kitchenware, and prepared large quantities of dishes that are part of the buffet. Halos hindi sila magkandaugaga sa dami ng mga gawain. They have prepared some dishes prior to the event but the work is never ending!

"Come on! Double time, guys! Double time!" their chef shouted.

"Ah!" daing niya sa sarili nang malapnos ang braso sa nakasalang at mainit na stock pot. She rolled up her sleeves so she could work better. Kaya naman diretso ang pagkakapaso sa kanyang balat.

Nangingiwi niyang pinagmasdan ang mahaba at namumulang linya sa kanyang balat. She couldn't treat this now. Marami pang kailangang gawin.

"Calla! Ano ba? Dalhin mo na iyan dito! Ano bang tinutunganga mo riyan?"

Napalundag siya sa sigaw sa kanya ng chef. Mabilis niyang ibinaba ang sleeves ng suot na uniporme saka pinatay ang kalan at binuhat ang mabigat na pot na may lamang sabaw.

Naririnig na niya ang ingay sa labas hudyat ng pagsisimula ng event. Ilang oras lang, they started serving the food on the long table. Kasama siya sa naglabas ng pagkain. Kinabahan pa siya noong una na magpakita sa venue. Ngunit natanto naman niyang abala ang mga tao sa program sa harapan at naka-puwesto ang buffet table sa likurang panig ng hall. None of the guests were paying them any attention.

"Ang ga-guwapo at ganda ng lahi talaga ng mga Daza! Nakita niyo iyong kuya ni Sir Art? Grabe, ang guwapo ni Franco! Moreno version ng kapatid niya!"

"Moreno? Doon pa rin ako kay Engineer Antonio Enriquez kahit na suplado! Teka, hindi ko pala nakita iyon sa restaurant kanina. Umuwi na ba?"

Lips That LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon