CHAPTER 6

835 45 2
                                    

Pagpasok niya sa bahay, nakasalubong niya kaagad si Manang Marcia na patungo naman sa kusina. Natigilan ito at napalingon sa kanya.

"Ma'am Celine," pagbati nito. "Dumating ang mga regalo ninyo ni Antonio kanina. Bubuksan mo na ba ang mga ito? Magtatawag ako ng mga karagdagang housekeeper para tumulong sa pag-aayos kung sakali."

Nilingon niya ang living room na pinanggalingan nito at saka niya nga lang napansin ang bulto ng mga regalong naroon na iba-iba ang laki at hugis. Her lips parted a little. Ngayon lang yata siya nakakita ng ganoong karami at kalaking mga regalo sa buong buhay niya!

"Ma'am Celine..." pukaw sa kanya ni Manang Marcia nang hindi kaagad makasagot sa tanong.

Binalingan niya ito mula sa bundok ng mga regalo.

Manang is waiting for her answer. From the way her eyes were coldly looking at her, she wouldn't have to guess if she shares the same sentiments with Antonio about her twin sister. Nakikita niya ang respeto ni Manang Marcia para sa kakambal ngunit batid din niya ang disgusto rito.

She sighed.

Tinignan niyang muli ang mga regalo at natanto kung gaano nakakapagod na magligpit ng ganoon. Maybe she should help too? Regalo naman nila iyon ni Antonio at nakakahiyang ibang tao pa ang magliligpit. Wala naman siyang naiisip na gagawin buong araw. Antonio will be in his office for God knows how long and it wasn't as if she's going to spend some alone time with him if he was really here.

Pinag-initan siya ng pisngi sa iniisip! Subalit mabilis din niyang binura iyon at sinaway ang sarili. Did Celine gush even at the mere thought of Antonio? Hindi siguro! Ano nga ba ito'ng nangyayari sa kanya?

Imbis na pag-isipan pa iyon ng husto at lalong malito sa sariling reaksiyon sa lalaki, sinagot na lamang niya ang tanong ni Manang Marcia.

"Sige po. Pero...maaari din po ba ako'ng tumulong sa pag-aayos?"

Kakaiba ang tinging ipinukol ni Manang Marcia sa kanya dahil sa sinabi ngunit mabilis din siyang nagbawi.

"W-Wala rin naman po ako'ng ibang gagawin. At para makabisado ko rin po kung saan ilalagay kung sakaling maghahanap ako," pagdadahilan niya.

Ilang sandali siyang pinagmasdan nito. Nang mabanaag ang pag-unawa sa ekspresyon ni Manang Marcia, saka lang siya nakahinga ng maluwag.

"Ikaw ang masusunod Ma'am Celine," ani Manang Marcia sa kanya kapagkuwan. "Maghahain na muna ako ng pagkain mo."

Doon niya lang naalala na manananghalian na pala at hindi pa siya nakakakain ng agahan! Hindi pa rin siya nakakaligo at nakakapagpalit ng damit.

"S-Sige po. Maliligo lang din po muna ako," aniya. "Ano'ng oras nga po pala kayo uuwi? Hindi po ba't umuuwi kayo ng Sabado at Lunes na ulit babalik?"

"Nabanggit lang po sa akin ni Antonio," pahabol niya at pasimpleng kinagat ang likod ng ibabang labi.

Magmula nang pumayag siyang gawin ang planong ito, hindi na rin niya mabilang kung makailang beses siyang nagsinungaling. Well, her whole life now was a lie. Sa tuwina ay bumibigat ng husto ang dibdib niya dahil batid niyang hindi naman ganoon ang pagpapalaki sa kanya ng kanyang nanay Dominga.

Nanay Dominga. She thought about her mother again and felt that aching longing and sadness for her. Nais niyang marinig ang boses ng ina at mayakap itong muli ngunit kaakibat din no'n ang takot sa maaaaring magawa ni Rose oras na mabigo niya ito. For now, she must stay focused in her 'job'. Naniniwala naman siyang pansamantala lang ito at darating muli ang araw na malaya na niyang makakapiling ang ina. Sa pagkakataong iyon ay malusog na niya ito'ng makakasama at hindi na sila mapaghihiwalay muli.

Lips That LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon