CHAPTER 2

772 48 4
                                    

When they reached the nearest clinic, the only male nurse immediately attended to Tricia. Bigla ay nagbago rin ang ihip ng hangin dahil kapuna-puna ang pagiging maasikaso at mabuti ng dalawang bodyguards ni Mayor sa huli. Mabilis din iyong napansin ng kaibigan niya.

"Itong mga hayok na mga lalaking ito talaga! Nakakita lang ng naka-shorts na babae, hindi na mga mapakali!" nanggigil na saad ni Merry habang nakatayo sila sa isang tabi at hindi alam kung ano ang gagawin.

Maliit lang ang clinic na iyon at walang ibang tumatao bukod sa nag-iisang nurse na ngayon nga ay gumagamot sa iilang gasgas sa braso ni Tricia.

"Kung tutuusin pa nga ay mas marami kang naging galos, Calla! Ang arte lang nitong Tricia na ito!" irap ng kaibigan sa direksiyon ni Tricia na umaatungal at dumadaing ng malakas habang nililinisan ang sugat. "Dapat ikaw ang unahin–"

Maagap ang pagpigil niya sa kaibigan na may balak na namang sumugod.

"Merry, tama na! Baka magkagulo na naman dito at ipakulong na talaga tayo!" mahina ngunit mariin niyang paalala sa kaibigan. "Walang mag-aalaga kay nanay kung makukulong ako dahil sa panggugulo!"

Doon tila nahimasmasan ang kanyang kaibigan at natauhan. Bumuntong-hininga siya. Alam niyang iniisip lang ni Merry ang kapakanan niya. She knew it too, ever since, how other people completely disregarded and ignored her even if she obviously needed the most help or care. Ngunit ano pa nga bang magagawa niya? Hindi naman siya maaaring habang-buhay na makiusap at magmakaawa para sa malasakit at awa ng iba. Kaya nga natutunan na lang niyang tumayo sa sariling mga paa at hindi na umasa pa sa tulong ng iba.

"Ako na ang gagamot sa sarili ko Merry. Gagamutin na lang din muna kita."

Nangialam na siya sa mga gamit na panggamot doon para malinis ang mga sugat nila ni Merry.

"Hindi ako pupuwedeng makita ni nanay ng ganito dahil mag-aalala iyon," she thought out loud.

Nakita niya mula sa gilid ng mga mata ang pagyuko ni Merry sa tabi niya. "C-Calla..." bumuntong-hininga ito. "Sorry...sorry na talaga..."

She smiled sadly at her friend. Ang bilog na bilog na mga mata ni Merry ay pinangingiliran ng luha.

"Alam ko naman na ayaw mo lang akong nakikitang inaapi o ini-insulto. Pero wala naman tayong makukuha kung papatulan pa natin. Nasaktan ka rin, Merry, at alam kong hindi rin gusto ng pamilya mo na makita ka na magka-ganyan."

Nakatiim ang labi at namumula ang ilong, mabilis na bumagsak ang mga luha ni Merry at lumingon palayo.

"Kung alam lang ng mga taong ito kung gaano ka kabuting tao Calla..."

They say that physical appearance doesn't matter but, in the real world, it certainly does. People refuse to look beyond what their eyes could see and that's the hard truth she had to accept long ago.

Malungkot siyang napangiti. "Hayaan mo na, Merry. Dalian na lang natin dito nang parehas na tayong makauwi."

Kahit natapos na kay Tricia ay hindi pa rin sila inasikaso ng nurse na naroon at naglaro na lang sa cellphone nito habang nakataas ang dalawang binti sa mesa. Nakauwi na lang ang babae at umalis na rin ang mga bodyguards ni Mayor na nag-iwan pa ng nagbabantang tingin sa kanila ni Merry ay sila pa rin ng kaibigan ang gumamot sa sugat ng isa't-isa.

Alam niyang kanina pa nagtitimpi ng inis si Merry. Mabuti nga at naka-alis na rin sila ng clinic nang hindi nito sinusugod ang nurse na naroon.

Pinagmasdan niya ang mga gasgas na halatang-halata sa maputi niyang mga braso. Madali lang maitatago iyon kung magsusuot siya ng jacket pero mayroon pa siyang mga marka ng gasgas sa kanyang mukha. Pinag-iisipan niya kung manghihiram ba ng make-up sa kanyang ate Brenda para lang maitago ang mga gasgas na iyon ngunit nag-aalala siyang baka pagalitan at isumbong pa siya sa kanilang nanay Dominga. Ayaw niyang magsinungaling sa kanyang nanay ngunit ayaw niya ring mag-alala pa ito lalo na't may dinadamdam.

Lips That LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon