CHAPTER 16

1.7K 71 28
                                    

Para saan ang luha at sakit na nararamdaman niya? Because all this time she thought that Antonio enjoyed spending time with her as much as she did that's why he's bringing her around but it turns out that he really doesn't? Dahil narinig niya mismo sa bibig nito na hindi siya nito mahal? That the only thing that's keeping him from pursuing Karissa was the fact that they're already married?

There was nothing that Antonio said that she didn't already know. Kung bakit mas masakit iyong marinig ngayon kumpara noon, hindi niya alam at hindi rin niya maintindihan.

Wasn't...all this pretend? Is this still supposed to hurt even when she's just lying? Hindi ba dapat...hindi? None of this was true so why was she so affected? Bakit tila binabarahan ang kanyang lalamunan ng malaking bato at pinipilipit ng husto ang kanyang sikmura sa sakit pagkatapos marinig ang lahat ng sinabi ni Antonio?

Pumikit siya ng mariin at sinubukang kalmahin ang sarili. When her head was clearer, she wiped away her tears.

Bumukas ang elevator. Ilang empleyado ng OmegaLand ang sumakay doon at bumati nang makita siya. She gave them a tight smile before standing in the corner with a blank expression on her face.

Nang marating ng elevator ang tamang palapag, nahawi ang mga empleyado upang paunahin siya. Hindi na siya nakapag-pasalamat sa mga ito dahil wala rin siya sa sarili nang lumabas sa elevator. She didn't know where exactly to go but she couldn't stay here and face him either. Her instinct was telling her to run away. She couldn't even think of the possible wrath of her mother right now because of the overwhelming feeling of pain booming in her chest.

Bumuntong-hininga siya. Matamlay niyang tinahak ang lobby kahit na walang malinaw na destinasyon sa isip.

"Ma'am Celine!"

Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses ni Cornelio at ganoon din ang ilang empleyado na nagulat dahil sa lakas ng boses nito. Natutop nito ang bibig at nanlaki ang mga mata sa gulat. Nang makabawi ay mabilis ito'ng naglakad patungo sa kanya.

She smiled weakly despite all the turmoil in her head.

"Ma'am Celine, papunta pa lang ako sa driver's area para kainin ito'ng pabaon ni misis sa'kin," sabay taas nito ng baunang tinutukoy. "Ikaw, Ma'am Celine, saan ka pupunta? Paalis na ba kayo ni Sir Antonio?"

Sumulyap ito sa pinanggalingan niya upang marahil ay silipin kung nakasunod nga si Antonio sa kanya. When he didn't found him, his eyes went back to her.

"Pasunod na ba sa'yo ang asawa mo, Ma'am Celine? Samahan na muna kitang maghintay dito," ngisi sa kanya nito.

Lalong lumiit ang kanyang ngiti hanggang sa unti-unti ay tuluyang nalusaw iyon.

"P-Pasensiya na, kuya Cone, kung mai-istorbo ko ang pagkain mo pero...puwede po bang umalis na tayo rito?"

"Ma'am?" Bumakas ang pagkalito sa anyo ng kanyang driver.

She couldn't elaborate more. She looked away and held the strap of her hand bag tighter. Bumuka ang bibig nito at akmang may sasabihin pa. Pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan ay narinig niya lang ang pagsinghap nito bago ang tuluyang pagsang-ayon ng walang anomang pagtatanong.

"Sige, Ma'am Celine. Ihahanda ko lang ang sasakyan."

Tumango siya at pinagkalooban ito'ng muli ng ngiti.

In no time, they were back on the road again. Tinanong siya ni kuya Cone kung uuwi na ba sila. She doesn't feel like going home yet so she just decided to stop by a park away from Antonio's office. Para mabigyan na rin ng pagkakataon na makakain ang kanyang driver.

"Bibili ako ng pagkain mo, Ma'am Celine?" napakamot ng ulo ang kanyang driver. "Pritong galunggong at nilagang talbos lang ito'ng pananghalian ko. Nahihiya ako'ng mag-alok sa'yo, Ma'am, at baka hindi ka naman sanay kumain ng ganito."

Lips That LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon