CHAPTER 22

1.5K 47 16
                                    

This chapter is dedicated to CristJoyceVillaran Happy Birthday! 💜
------------

Nahimasmasan siya pagkaraan ng ilang sandaling pananatili sa tree house at doon lang tuluyang natauhan.

She realised all the nonsense she told Antonio and how he must have been really confused by now. Agad siyang nakaramdam ng hiya kaya naman kumilos na siya upang subukang kumawala sa yakap nito at makabalik na rin sa party dahil halos kalahating oras na silang nawawala roon.

"Where are you going, baby?" he asked, kaunting kilos pa lang ang kanyang nagagawa.

He tightened his embrace until she was back on his chest again. Inilapat niya sa dibdib nito ang kamay upang pigilan ang tuluyang pagkakahiga.

"B-Bumalik na tayo sa party," she told him while still trying to escape his arms. "Antonio..."

"Let's stay here for a while. Or...if you really want to rest, we can just tell my parents and go home," anito.

"Nakakahiya naman kung tayo pa ang unang uuwi. Isa pa, minsan lang naman kayo magkita-kita ng pamilya mo. I was just...tired a while ago. Maayos na ngayon," paniniguro niya rito.

Tinitigan siya nito, tinatantiya ang tunay na nararamdaman. She looked back at him and raised her eyebrows a little. Unti-unti ay napapansin niya ang paglambot ng ekspresyon nito habang nakatitig habang sumisilay ang tipid na ngiti.

"Are you...really just tired or...you were...jealous?"

Umawang ang kanyang bibig dahil doon. Hindi siya makapaniwalang hindi pa rin binibitawan ni Antonio ang kaisipang iyon.

"H-Hindi nga!" she convinced him.

Sinubukan niya muling kumawala ngunit mas hinigpitan lang ni Antonio ang yakap sa kanya. Marahan niya ito'ng tinampal sa dibdib dahilan kung bakit ito humalakhak.

"You have no reason to be jealous, hon."

"Hindi ako nagseselos!" giit niya.

"Ikaw lang ang babaeng mahal ko," he continued despite all her denial. "I'll stop talking to Karissa or with...any woman even if it is business-related. Is Kaye an exception? I mean, she's my secretary but if you're jealous with her too then–"

"Antonio!" nahihindik niyang saway dito. "Hindi nga sabi ako nagseselos! At hindi rin kita pinagbabawalan na makipag-usap sa ibang babae!"

He chuckled, obviously entertained with her annoyed expression.

"Ang ganda mo talaga lalo kapag nagagalit. You look like an annoyed angel," sabi nito bago inilapat ang palad sa likuran ng ulo niya at marahang itinulak sa mga labi nito.

"Hindi ako nagseselos!" patuloy niyang kumbinsi dito.

Antonio smirked then kissed her lips again. Kumurap siya at naramdaman ang unti-unting pagkakawala ng iritasyon dahil sa ginagawa nito.

"Okay. If you say so," pagsuko nito ngunit kita pa rin niya ang kinang ng tuwa sa mga mata. "But...you said you love me..."

Hindi niya alam kung gugustuhin ba niyang bumalik sila sa kaninang paksa kaysa rito.

"B-Bumalik na tayo sa party–"

"I mean, I've always known it but...I didn't know it would feel a hundred times better to finally hear it from you, hon."

Napipilan siya at napayuko sa dibdib ni Antonio. Naramdaman niya ang isang kamay nito na marahang sumusuklay sa kanyang buhok hanggang sa naabot ang kanyang pisngi. He slowly brushed her cheek with the back of his index finger while staring intently at her.

Lips That LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon