CHAPTER 50

794 48 55
                                    

Antonio is here. Ilang araw pa lang siya nakaka-alis sa mga Enriquez? It's just her third day today in La Union!

She wanted to fool herself and think that it may not be the Antonio she knew. Pero may-ari ng OmegaLand? Anak ng chairman ng Enriquez Corporation? There's no denying it. That's definitely Antonio Enriquez.

Marahas ang pintig ng kanyang puso. She saw her wounded finger bleeding but she couldn't feel the pain coming from it because of the harsh pounding of her heart.

"Calla, ano'ng nangyari? Nahiwa ang daliri mo?" anang head chef.

"Y-Yes, chef," she croaked.

"Gamutin mo na muna iyan sa office. Andoy, ikaw na muna sa ginagawa ni Calla. Double time everyone! Maraming customers."

Mabuti na lang at mabilis niyang nabawi ang daliri kanina kaya hindi na pumatak ang dugo sa chopping board. She put the knife on the sink and cleaned it. Lumapit na si Andoy para ituloy at tapusin ang kanyang ginagawa.

Pumasok na siya sa office para doon gamutin ang sugat. Mayroong first aid kit doon para sa minor injuries na katulad ng kanya. She went to the sink and squeezed the blood out from the cut. Nang ma-control na ang pagdurugo, tinuyo niya ang kamay ng tissue saka kinuha ang mga panlinis at band-aid.

Sinamantala niya ang pagkakataon na iyon para makapag-isip.

Antonio is here. Kasama kaya nito si Karissa? Pero ang sabi ng mga kasama niyang nag-uusap kanina ay security lang ang dala. If he's with a woman, her colleagues will surely talk about it too. Ayaw naman niyang personal na silipin dahil baka makita siya nito.

Pero...hindi ba nito alam na naroon siya? Is this just a coincidence? Nailing siya at natawa sa sarili. Why would Antonio come here then? For business? Ang sabi sa usapan kanina ay dumiretso ito sa restaurant nang hindi man lang nagche-check in pagkarating. He ordered creamy beef and mushroom...

Her lips pursed. She remembered the first time she cooked that for him. Noong nagpapanggap pa siyang si Celine at may sakit ito samantalang kagagaling nila sa malaking pagtatalo. He would eat anything she cooks but whenever she would ask him if he's craving for anything, he would always request her that dish.

She sighed and looked at her injured finger that is now covered with a blue band aid.

Antonio knows that she's here. Nahanap siya nito ng ganoon kabilis. Kung sabagay, hindi naman siya nagtatago. Inilayo siya ni Karissa at pinili niyang sundin ito para wala nang gulo. She just...didn't expect him to find her. Siguro dahil nang umalis naman siya noon, hindi naman nagparamdam sa kanya ito. He was angry at her then but what is the difference now? Nagsinungaling siya na babalik sa pamilya at naglaho ng wala man lang pasabi.

He said he loves her. As Calla. Despite what she did. Despite what she is. He wanted to marry her. He wanted to be her family.

Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata sa nagbabadyang luha. She could almost see that life, touch it, feel it. Ngunit napakaraming bagay ang tila kamay na humihila sa mga iyon palayo sa kanya.

Karissa's threats hovered in her mind. Is this a breach of their agreement? It was Antonio who went here. Inilayo na siya nito at hindi naman siya lumapit o k-um-ontak sa mga Enriquez. Pero alam naman niya ang mangyayari. Siya pa rin ang masisisi. Ngunit ano'ng magiging hakbang niya ngayon? Magtatago ba siya? Tatakbo? She cannot do that all the time.

Kung aalis siya, mahahanap lang siya ulit ni Antonio. Ito ang kailangan niyang itaboy. She must do something to keep him away and not run after her anymore. She must do something so he would stop loving her anymore.

Tama naman si Karissa, mapatawad man siya ng mga Enriquez o maging ni Antonio pa ay hindi no'n tuluyang mabubura ang mga nagawa niya. It may affect Antonio's relationship with his parents who already agreed with his marriage with Karissa Sandoval. It may affect his reputation as a trusted and respectable businessman. All because of a love that has been founded by deception.

Lips That LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon