CHAPTER 34

935 45 37
                                    

Her confidence to tell the truth dropped after hearing Karissa's mockery. Pakiramdam niya tuloy anoman ang lumabas sa bibig niya ngayon ay hindi paniniwalaan ng mga kaharap.

"Let her speak," Antonio said in his cold and deep voice.

Napa-angat siya ng tingin dito. Hindi inaasahan ang sinabi nito. Ngunit, kaagad ding nilusaw ang kaunting pag-asang naramdaman niya.

"Isn't that the purpose of this meeting? To get information from her? Then allow her to speak so we can all get over and done with this. I cannot waste any more time. I have a lot more important things to do."

Her heart clenched painfully and a lump formed in her throat but she set it aside.

"I was just wondering, Antonio," Karissa continued, more serious now. "Kung totoong anak siya ni Tita Rose at kambal nga sila ni Celine, bakit walang nakakakilala sa kanya? Tita Rose never mentioned anything about her and the same could be said about Celine. Tita always said that Celine is an only child from a past lover."

Humugot siya ng malalim na hininga saka nagpatuloy. Bakit ba...nakakaramdam siya ng kahihiyan sa lahat ng ito?

"Maaari pong tulad ko ay wala ring sinabi kay Celine tungkol sa pagkakaroon niya ng kapatid at kambal pa. Nang ipanganak po kami, iisang bata lang po ang isinama ng tunay naming ina at kinilalang anak. Iyon po si Celine. Habang ako po ay iniwan naman sa pangangalaga ng aking...n-nanay Dominga," she winced at the thought of her adoptive mother. Palaging may kaakibat na sakit sa kanya ang ala-ala nito gaano man katagal ang panahong lumipas.

"Siya na po ang kinalakihan kong magulang. K-Kailanman, hindi na ako binalikan ng tunay kong ina o nakilala man lang ang kakambal ko," dagdag niya. "Ang unang pagkakataon na nakita ko siya at naka-usap ay noong...alukin na niya ako na magpanggap bilang si Celine."

"So, it was her who first reached out to you and talked to you about pretending to be Celine Sandoval," the attorney concluded.

Marahan siyang tumango.

"Bakit ka pumayag?" tanong muli ng abogado. "You mentioned that Rose Sandoval abandoned you for years and pretended as if you never existed. Why would you do something for her? Lalo na at katulad pa ng gawaing inutos sa'yo?"

Ibinuntong-hininga niya ang pamimigat ng dibdib habang ibinabalik ang sarili sa araw kung kailan nagsimula ang lahat.

"Isinugod po sa ospital ang nanay Dominga ko pagkatapos ng isang malalang atake sa puso. Ang sabi po ng doktor, barado na po ang ilang ugat niya sa puso dulot ng komplikasyon ng matagal na niyang sakit na diabetes. Kailangan po niyang sumailalim sa operasyon sa lalong madaling panahon pero higit isang milyon daw po ang halagang kailangang ihanda kasama na ang mga gamot at rehabilitasyon. Kumikita po ako sa pagbebenta ng ulam sa palengke pero hindi po sapat iyon. Wala rin pong stable na trabaho ang dalawa kong kapatid kay nanay Dominga at may kanya-kanya na rin pong pamilya kaya wala rin pong maibibigay. Sinubukan ko pong manghingi ng tulong sa iba pero dahil malaki po ang halagang hinihingi ko, wala pong may kakayahan na tumulong sa akin. D-Desperado po ako'ng madugtungan ang buhay niya kaya nang lapitan po ako ni Ma'am Rose para aluking magpanggap bilang si Celine kapalit ng pagtustos niya sa mga pangangailangang medikal ni Nanay, pumayag po ako. Doon ko lang din po nalaman ang tungkol sa kakambal ko. A-At tungkol sa pagkamatay niya," pahayag niya, pilit na nilalabanan ang sakit sa pag-alala sa mga nangyari.

Nangingilid ang luha niya pero pinigilan niya ang pagbulusok no'n. Alam niyang oras na magsimula siyang umiyak, hindi na iyon titigil at baka hindi na siya makapagsalita. They all deserved the truth and she also wanted to free herself from it. She didn't wish to be spared but for her unsaid explanations to be finally heard. At malaking bagay na iyon para sa kanya.

Lips That LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon