SYNOPSIS

2.4K 61 8
                                    

Isang linggo pa lamang na isinisilang sa mundo nang iwanan si Calla ng sariling ina sa isang kakilala. Hindi man aminin sa kanya ang katotohanan ay lumaki siyang naiintindihan kung bakit ang kakambal lamang niya ang pinili nitong isama habang siya'y tuluyan nitong kinalimutan.

She was often called a 'freak' or a 'rat' because of the ugly birthmark that covered almost half of her face. Ngunit sa kabila ng lahat ng pangungutyang naranasan, walang espasyo sa puso niya ang makaramdam ng pagkamuhi dahil hindi naman siya pinagdamutan ng pagmamahal ng babaeng kumupkop at tumanggap sa kanya na parang tunay nitong anak.

Hanggang sa dumating ang araw na mangailangan siya para sa operasyon ng kanyang nanay-nanayan. At sa panahong pinaka-desperada siya ay saka bumalik ang tunay na ina, now a widow of a very rich tycoon, offering help but in exchange of one condition.

Magpapa-opera si Calla upang tanggalin ang balat sa mukha. Magpapanggap siya bilang si Celine, ang kanyang kakambal na namatay sa isang car accident, upang magpakasal sa fiancé nito. Subalit malaki ang galit ng lalaki sa kanyang kapatid. At ibang babae ang nais nitong iharap sa altar.

Amid the lies, deceptions and wrath, will she ever have the love and happiness she deserves?

Lips That LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon