CHAPTER 3

796 52 4
                                    

She was allowed to talk to her ate Brenda briefly before her flight to Thailand for her cosmetic surgery. It's a birthmark removal surgery. Of course, she cannot convince anyone that she's Celine Sandoval with that huge birthmark on her face. Rose Sandoval showed her her twin's picture and, like their mother, Celine was just as flawless and gorgeous.

Totoo nga ang sinabi ng kanyang tunay na ina...o Ma'am Rose gaya ng nais nitong itawag niya rito. Nakabiyahe na sa Maynila ang kanyang ina at kapatid kung saan nakatakdang operahan ang una.

Malungkot lang siya dahil hindi niya nagawang kausapin ang ina bago man lang umalis. Ang sabi ng kanyang ate Brenda ay wala pa rin itong malay. Her only consolation was the thought that her mother is finally getting the best medication and procedure that will help her become better. Kailangan lang niyang magsakripisyo ng kaunti. Umaasa rin siyang sana ay mapatawad siya ng kanyang nanay oras na malaman ang gagawin niya.

Wala nang imik ang kanyang ate Brenda nang magpaalam siya rito. She just told her that she accepted a job that her biological mother offered and that she might be away for long because of that. May katotohanan naman iyon ngunit hindi na niya pinalawak pa ang paliwanag. Kung ano man ang iniisip nito tungkol sa nangyayari ay nanatili iyong lihim sa kanya.

"Hanggang kailan ko po ito gagawin? Puwede ko po bang bisitahin si nanay pagkatapos ng operasyon? Para kumustahin?" aniya sa katabing ina na abala sa IPad nito habang hinihintay ang pagtawag sa kanilang flight.

Everything happened really fast. Hindi niya rin alam kung paanong sa iilang oras lang ay kumpleto na ang dokumento niya para umalis ng bansa. It was like all of this was already planned ahead and it was not just a sudden thought to have her pretend as her twin sister.

"You haven't started yet at iyan na kaagad ang nasa isip mo?" matalim na saad sa kanya ng ina na ikinabigla niya."First rule Calla, you're not allowed to ask questions unless I say so! Wala kang ibang gagawin kung hindi ang makinig at sumunod lang sa mga sasabihin ko!"

Feeling frightened at Rose's sudden outburst, she pressed her body tightly against her seat while hugging herself. Tinikom niya na ang bibig at hindi na muling ibinuka iyon hanggang sa makasakay sila sa eroplano.

Sa isang maliit na hotel sila nanatili. Naka-schedule na kaagad ang operasyon niya ilang araw palang pagdating nila roon. Isang maliit na clinic lamang iyon ngunit siniguro ng kanyang ina na mahusay ang gagawa sa kanya. Maingat kasi itong hindi kumalat ang impormasyon tungkol sa kanya dahil kilalang modelo at socialite pala ang kapatid niya.

Habang pinapagaling ang kanyang mukha ay inaral niya ang lahat ng impormasyon tungkol kay Celine at sa mga taong makakasalamuha niya oras na tumayo na sa katauhan nito.

Her twin sister was a famous supermodel in the Philippines and abroad. She was signed with one of the most prestigious modelling agencies that is based in New York. Hindi na mabilang ang covers at features nito sa pinaka-pamosong mga magazines. Ilang mamahalin at kilalang clothing brands, bags at shoes na rin ang nai-model.

Habang tinitignan ang lahat ng larawan nito sa portfolio na ibinigay ng kanyang ina para aralin niya ay tumatahip na kaagad ang kaba sa puso niya. Paano niya ito magagampanan ng hindi siya nabubuko? They were polar opposites. Habang namumuhay siya sa hirap ay naliligo ang kanyang kapatid sa karangyaan. Habang nananatili siya sa anino ay nasanay naman ito'ng sentro ng atensiyon ng lahat.

Her twin sister is the spitting image of their mother. She's also oozing with sensuality and sex appeal. Iyon ang dahilan kung bakit na-link ito sa iba't-ibang politiko, mayayamang negosyante o 'di kaya'y artista o kapwa modelo. Paano kung mabigo siya sa pagpapanggap? Paano kung ihinto ni Rose ang pagtulong sa nanay Dominga niya oras na mabuko siya ng maaga?

Lips That LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon