CHAPTER 48

774 21 5
                                    

HEARTBREAK

"Shit Alex." Ang malutong na pagmumura ni Bon ang gumising sa aking pagkakatulala.

"I'm going, ikaw na ang bahalang magpaliwanag sa kanila Bon." Tinapik ko siya sa balikat at malalaki ang hakbang na sinundan ang daang tinahak ni Silver.

"Silver wait!" Naabutan ko siya sa landing ng hagdanan, tumigil siya at hinarap ako sa seryosong mukha.

"Shut it Alex, I know how cunning you are so you don't need to explain." Bumuka ang aking bibig ngunit walang salitang lumabas. Ano nga ba ang sasabihin ko? Fuck it. Napahilamos ako at napapikit sa frustration ko sa aking sarili.

"See? You don't even have the audacity to deny it. As I have said, huwag mong masyadong dalhin sa ego mo na kaya mong paglaruan si kuya, for all I know, he's just amusing himself with your cute little antics." Saka niya iyon binuntutan ng tawa.

Damnit, it's useless to talk and explain myself to him kaya walang imik akong nilampasan siya at tuloy-tuloy ako sa parking lot. Pinaharurot ko ang aking kotse at ibinuhos ang lahat ng frustration ko sa maghapong ito sa pagmamaneho. At kung pwede ko lang paliparin ang sasakyan ko ay ginawa ko na para maibsan ang ngitngit sa dibdib ko.

Nagmadali akong sumakay ng elevator pagdating ko sa Mondragon towers, Sebastian might be home by now. Kailangan kong maunahan si Silver sa pagsasabi. Damn, I'm so nervous! I need to see him now to prove also to myself that Silver is just bluffing about the woman he's with.

Ngunit nanlamig ako nang ang tahimik at wala ni anumang bakas ni Sebastian ang bumungad sa akin sa gallery. Hindi ko rin maramdamang nandito lang siya sa loob ng penthouse. I looked at the wall clock and it's already nine thirty five in the evening. Pasalampak akong umupo sa couch at sinapo ang aking mukha.

My mind is getting wild again and I don't like where it is going. Kinuha ko ang aking cellphone at akmang tatawagan siya ngunit nagbago ang aking isip. I don't want him to think that I'm beginning to be clingy. Damn!

Umakyat ako sa ikalawang palapag at tumuloy kung nasaan ang swimming pool. I need to cool down bago pa ako tuluyang mabaliw. Tinanggal ko ang lahat ng aking kasuotan at agad nag dive sa malamig na tubig.

I swam to the deepest until I reached the bottom and sat down in the pool floor challenging myself on how long will I endure without air. This is much easier that enduring the inner turmoil that's nagging me now. Ano kaya kung huwag na akong umahon dito? Will things go easier? Will I finally find the peace I've been chasing? Will Sebastian mourn for me?

Nanikip ang aking dibdib sa kawalan ng hangin ngunit hindi ako gumalaw para umahon. And in my inner mind, I suddenly saw my mom's face full of disappointment while shaking her head. Doon ako natauhan at gumalaw upang ikampay ang aking mga kamay paahon.

No, I'm better than this. Fuck, bakit ko ba naisip ang mga bagay na iyon? Ganito na ba ako kahina para isipin ang bagay na iyon? Damn it!

Hinihingal akong umahon at kumapit sa barandilya ng pool. Iniangat ko ang aking sarili at patihayang humiga at tumitig sa kalangitan. Wala akong pakialam kung hubo't-hubad ako at malayang hinahalikan ng malamig na hangin ang aking katawan. Because deep inside, I wanted to bare my soul like my body to the heavens above and be cleanse so that for once, I can start anew.

Tumitig ako sa kalangitan ngunit lalo lang bumigat ang aking pakiramdam dahil wala akong matanaw na anumang liwanag. Tanginang buhay talaga, kahit ang buwan at mga bituin ay pinagtataguan ako. I feel abandoned and alone. I wonder, dalawang linggo lang ba kaya talaga ang nakasulat sa book of life ni San Pedro para sumaya ako?

Bago pa ako tuluyang lamunin ng depresyon ay tumayo ako at isa-isang dinampot ang aking mga kasuotan. Naligo at nagbihis ako sa kwarto at muling lumabas ng Penthouse. I can't stay here alone in this kind of condition.

Taming The Sly Alexandria Gabrielle Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon