THE WEDDING (Gabrielle's POV)
I:45 a.m. but our mansion is still very much alive and blazing with lights. I bet, Andrea's relatives are still partying inside. I parked my car outside the gate and walked inside. Tinanguan ko lang mga gwardiyang bumati sa akin na may pagtataka sa mukha saka ako tuloy-tuloy na naglakad patungong garahe.
Agad kung nakita roon ang aking sadya, the limousine that will serve as the bridal car na halatang pinagbuhusan ng oras at pera upang gawing magarbo at kaaya-ayang tingnan. It was decorated with fresh and beautiful white flowers, ready for tomorrow's big event.
Pasimple akong lumingon sa paligid at sinubukan kung tutunog ba ang alarm nito, but thankfully, it was off. Binunot ko ang jungle knife na nakakubli sa aking tagiliran at mabilis na lumapit habang nakayuko sa sasakyan.
Tsss... poor limo. Mabilis kung ibinaon ang patalim sa unang gulong ng dalawang beses at agad na lumipat sa kabila hanggang sa ang lahat ng gulong ay tuluyang nawalan ng hangin at sumadsad sa sahig. Napangisi ako ng makita ang resulta ng aking ginawa. Limousine my ass! Tingnan ko lang kung ano ang gagamitin ng hitad na iyon pagsapit ng umaga. I'm sure, they won't be able to restore it easily, unless makita na nila ngayon din ang nangyari.
I looked around and saw the other vehicles in the garage, wala sa plano pero narito narin lang ako, kaya lulubos-lubusin ko na.
Dad's sports car got my attention, hmmm this is one handsome car that could be use as a bridal car as well, kaya nilapitan ko rin iyon at hindi pinatawad. Idinamay ko narin pati ang nakaparada rin doong dalawa pang SUVs maliban sa isang pinakalumang pick-up na siyang ginagamit ng mga kawaksi tuwing sila ay mamimili ng mga supply sa bahay.
There! Pagkatapos kung makuntento ay patiyad akong humakbang pabalik sa aking pinanggalingan. Bakas ang pagtataka sa mukha ng dalawang guwardya kaya nginitian ko sila ng ubod tamis ngunit lalo silang nagmukhang problemado. Malamang, may hinala na sila na may ginawa na naman akong kabulastugan.
"Mga tol, wala kayong nakita at hindi ako pumunta dito sa bahay, maliwanag?" Napaungol ang isa samantalang kunsumido namang napakamot sa ulo ang isa.
"Ang cute niyo! Sige na, paalam!" nag flying kiss pa ako sa kanila bago ako tuluyang tumalikod at deretsong sumakay sa aking kotse.
Everything is ready, and I am ready.
Sa nakalipas na tatlong araw mula ng mangyari ang dinner party sa aming mansion ay pilit akong nagpakamanhid at kinalimutan ang lahat. I've used that time to polish every detail of my plan bago pa ako matuluyang mabaliw kakaisip.
I've been in and out in hell of misery. I don't know anymore what's really hurting me, the fact that Dad is marrying the woman I hate the most and share the same surname with her or the fact that Sebastian just used me as his pass time to ease his boredom.
And now they are all happy with their love ones. Fuck. Hindi naman sa pagiging bitter, pero parang ganoon na nga! Tangina talaga. I don't want to think anymore, I just need to do what I need to do and leave this hell hole.
Ilang oras na lang magaganap na ang kasalan, at hindi ko maiwasang makadama ng excitement habang nagmamaneho pabalik ng condo ni Pol. Tony reassured me that everything inside the church is ready. At ngayon pa lang, sabik na akong masaksihan ang mga mangyayari. I'm sure that it will be a blast, Pol reassured me that his friend from the media will cover the said event at ilalabas sa buong Pilipinas.
And I know the power of media! It can build and at the same time destroy anyone. And after the wedding, isa lang ang gusto kung mangyari. Ang masira ang mga taong may atraso sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/279579830-288-k846235.jpg)
BINABASA MO ANG
Taming The Sly Alexandria Gabrielle
RomanceHighest Rank Attained; #1 in Filipino (11/06/22) #1 in Filipino (06/11/22) #2 in Wild (10/05/22) #4 in Filipino (2/21/22) #2 in She-Devil (12/04/21) #5 in Sly (10/06/21) He has his rules... She's not willing to change... He's successful... She's a...