CHAPTER 31

804 21 9
                                    


PLAN

I punched the 40th floor upon entering the elevator. Naghihintay na si Pol sa kanyang private office. I'm silently praying na umayon sa akin ang pagkakataon, lalo na ang mga taong mai-involve sa larong aking sinimulan.

Dahil Linggo at walang pasok, walang katao-tao sa pasilyo at sa buong floor kaya nakasisiguro akong magiging pribado ang aming pag-uusap.

"Tangina..." nagulat ako dahil pagbukas ko ng pinto, limang kalalakihan ang nasa loob ng opisina na prenteng nakaupo sa paikot na couch. I thought it would only me, Pol and Tony. "Bakit nandito kayong lahat?"

"You don't look good. Come on, have a seat." Ani Pol na pinasadahan ako ng tingin at binigyan ng espasyo kung saan nakaupo din sina Bon at Jay.

"Something happened right Alex?" seryosong tanong ni Karl. Sa kanyang tabi ay seryoso at tahimik lang si Tony, Pol's head bodyguard. I sighed heavily and slumped.

"I don't want to pretend anymore, sukang-suka ako sa tuwing nagkakalapit kami ng babaeng iyon. And I want to set my plan in action the soonest time possible." Lahat sila ay seryosong nakatingin sa akin.

"I've already told Tony everything he needs to know and..." I look at Tony hopefully. "He agreed." Nakahinga ako ng maluwag at napapikit sa sinabi ni Pol. Wow, I don't expect this. Hindi ko personal na kakilala si Tony, but based on our few encounters, hindi siya iyong tipong magpapagamit ng basta-basta. So hearing that he's willing to be part of this game really amazed me.

"Kumpleto na ang mga papeles at IDs niya na pwede niyang ipakita. Nakausap ko narin ang mga tao sa agency kung sakaling tawagan sila for verification." Ani Bon.

"All he needs to do is present to your Dad and be accepted as Andrea's personal driver." Dagdag ni Jay.

For a moment I don't know what to say. Mahigit isang linggo pa lang ang nakakalipas mula ng sabihin ko sa kanila at pagplanuhan ang bagay na ito. At first, I thought it was crazy and impossible lalo na pagdating sa paghahanap ng perpektong gaganap upang maisagawa ang plano ko.

And I'm amazed that they actually worked hard on it, especially on the hardest part. Ang makakuha ng taong magsasagawa ng plano.

"Tol, are you sure about this? Ayokong napipilitan ka lang, and I want you to be aware of the possible consequences if everything went haywire." Gusto kung makasiguro na kusang loob siya sa gagawin niya, dahil pwede siyang mapahamak dito. With my Dad's influence, kaya siyang durugin kapag pumalpak at nabuking siya.

"Positive boss. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon mo, at asahan mo na gagawin ko ito ng hindi dahil sa pera." Ani Tony sa seryosong boses.

Mas lalong ayokong gawin mo ito ng dahil sa utang na loob." Six months ago, kinailangan niyang ipa-opera ang nanay niya at kaming lima ang tumulong sa kanya para mangyari iyon. At kahit ipinilit niya na huhulog-hulugan kami ay hindi kami pumayag. Nagagawa naming tumulong sa ibang tao, siya pa kaya na mayapat at matiyagang nagbabantay sa mga likod namin?

"Hindi boss, hindi ka na iba sa akin, kayong magkakaibigan at ramdam kung ganoon din ang turing niyo sa akin. Kahit sino sa inyo ang mangailangan ng tulong ko ay nakahanda ako kaya makakaasa kang gagawin ko ang parte ko sa plano mo." I'm awed by the sincerity on his voice kaya naman napangiti na ako.

Tony is the perfect candidate to my plan. Walang nakakakilala sa kanya sa circle of friends namin because he always stays in the shadow. At kung physical appearance ang pagbabasehan, hindi rin siya papahuli, He's tall, fair and lean. He's also gwapo but has the aura of suplado, madali lang niyang maaakit ang babae lalo na kung magpapakita siya ng pag-aalaga dito.

Taming The Sly Alexandria Gabrielle Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon