HIS GIRL
I woke up feeling the need to relieve my bladder so I rushed in the comfort room to do my morning rituals. Naghilamos at tooth brush narin ako bago ko napagpasyahang lumabas ng kwarto at bumaba sa unang palapag.
Sebastian must be somewhere in the house, most probably in the kitchen. Hindi ko na siya namalayang bumangon kanina, I was dead asleep the moment I laid my body last night, maybe because of the fatigue and sleepless nights during the past week.
It's already past nine in the morning, and we need to go home before lunch time to meet his family. Napangiwi ako sa tinatakbo ng isip ko. As if naman may kinalaman ako sa lunch meeting na iyon. Wala naman akong gagawin doon kundi makipag plastikan. Kung hindi ko lang kailangang magpanggap, hinding-hindi ako makikipaglapit sa bagong pamilya ni Daddy.
Pababa ako ng hagdan ng makita kong may ibang tao sa bahay at kausap ni Sebastian. May inilalabas itong mga papeles na ipinapakita kay Sebastian na pormal na pormal ang mukha kahit naka boxer shorts lang at topless.
Tsss... mag apply kaya akong secretary niya tapos magre-request ako na dapat topless siya lagi o kaya magtapis lang ng tuwalya. Sigurado wala kaming matatapos na trabaho at puro landian na lang ang magaganap. Ipinilig ko ang ulo ko para maiwala ang kabaliwang tumatakbo na naman sa isip ko.
I walked stealthily and planned to pass on the other way so I won't disturbed them but Sebastian must have felt my presence, napalingon siya sa akin at napagaya ang kaharap niyang lalake na sa tingin ko ay hindi nalalayo ang edad sa kanya. Napanganga ang lalake at namula ang mukha, mukha itong gulat na gulat. Tsss... ano ako multo?
"Baby." Sebastian stands up at sinalubong ako. He pecked my lips lightly at hinawi ang aking buhok paharap at inayos upang tumakip sa aking dibdib. Pinagmasdan muna niya ako ng husto bago umalis sa pagkakatakip sa akin.
"Baby that's Orlando, my personal assistant." Iminuwestra niya ang lalake na namumula at hindi makatingin sa akin ng maayos. "Orlando, this is Alexandria Gabrielle, my girl." Humataw ang puso ko at pasimple kung hinawakan ang tapat nito sa pag-aakalang kaya ko itong pakalmahain sa pamamagitan niyon. Goodness! Aatakehin pa yata ako sa sobrang bilis ng kabog ng puso ko.
"G-good morning ma'am, nice meeting you po." Magalang niyang bati at agad yumuko.
"Hmmm.. likewise Orlando." I said at agad akong bumaling kay Sebastian. Hindi ko na gaanong pinansin si Orlando na mukhang natatae sa pagbiling-biling niya sa upuan.
"There's breakfast in the dining room, mauna ka na." Ani Sebastian.
"What about you, are you done?"
"Not yet, I'll just sign some papers then I'll join you."
"Okay then, I'll wait for you there." Nilagpasan ko sila at tumuloy na ako sa dining area.
Umupo lang ako sa mesa at pinasadahan ng tingin ang mga pagkaing nakalatag doon. Natutukso na akong kumain kaya kinalikot ko muna ang cellphone ko habang hinihintay si Sebastian. I opened my phone and saw several text messages from my band mates na puro kalokohan lang naman tungkol sa nangyari kagabi and from my kuya Andrius asking if where am I and reminded me about the lunch.
"Let's eat!" pumasok si Sebastian at nakangiting lumapit sa akin. He once again kissed me that made me groan when I felt his tongue slid in my mouth. Nakatawa siyang humiwalay at humila ng upuan sa tabi ko.
"Are you done?" Tanong ko sa kanya.
"Yeah, I asked Orlando to come here so I could sign the revised contract that I need early tomorrow. May tumawag ba?" Sinulyapan niya ang cellphone kong nasa ibabaw ng mesa habang kumukuha ng pagkain.
BINABASA MO ANG
Taming The Sly Alexandria Gabrielle
RomanceHighest Rank Attained; #1 in Filipino (11/06/22) #1 in Filipino (06/11/22) #2 in Wild (10/05/22) #4 in Filipino (2/21/22) #2 in She-Devil (12/04/21) #5 in Sly (10/06/21) He has his rules... She's not willing to change... He's successful... She's a...