GOODBYE
Ten days. Ganoon na katagal ang aking pagkukulong dito sa bagong bahay namin ni Kuya. Wala akong ginawa kundi mahiga at matulog ng matulog. I shut myself to everything and just let things be. I didn't even bother to know the aftermath of what I did or the effect of it to my casualties.
I didn't recharge my cellphone either after it has been drained, literal na nawalan ako ng gana sa lahat, University, gig, racing, gadgets, at kahit sa pagkain. Ang dating mala-dinosaur kung appetite ay tila nagtampo narin at tuluyan na akong iniwan.
Napakabigat ng pakiramdam ko at lagi akong iritado sa hindi ko malamang kadahilanan. At kung hindi lang sa pamimilit ni Kuya ay hindi talaga ako lalabas ng kwarto o kaya kakain ng mga inoorder niya.
Oddly, sa madaling araw ako nagigising at nagki-crave ng kung anu-ano at kapag hindi ko nahanap ang pagkaing iyon sa loob ng ref ay naiiyak na lang ako. Damn, tuluyan na yata akong nabaliw.
Another thing that bothers me is my constant vomiting and dizziness in the morning. Pansin ko narin ang pagkabawas ng aking timbang ngunit hindi ko sinasabi ang lahat ng ito kay Kuya dahil ayaw ko siyang mag-panic.
I picked up the Tv's remote control, I'm so bored yet so lazy to do anything. Saktong pagbukas ay ang commercial ng isang fast food na may mga magbabarkadang kumakain ng pizza. Bigla akong naglaway at napalunok ng sunod-sunod. Na kung maaari ko lang hugutin mula sa screen ang pagkain ay ginawa ko na sa sobrang pagkatakam ko.
Pinatay ko ang TV at dali-daling tumayo. Kinuha ko lang ang susi ng aking sasakyan at wallet saka tuloy-tuloy na lumabas ng kwarto. I didn't bother to change my clothes, naka tsinelas lang din ako, denim short-shorts and black spaghetti strap and just tied my long hair in a messy bun while I'm in the elevator.
I have nothing in mind while driving but the delicious pizza in the commercial, pero nakalimutan ko kung anong fast food iyon, kaya palingon-lingon ako sa daan hoping to see and remember it. I slowed down as the traffic light turned orange at napatingin ako sa aking kaliwa.
Napangiti ako ng makita ang isang Italian restaurant kaya agad-agad akong bumuwelta para magtungo doon. Wala akong pakialam kung may na violate na naman ako. At kung sakaling sitahin man ako, kakausapin ko na lang sila ng French, tingnan ko lang kung makasabay sila.
I immediately parked and entered the restaurant. The delicious aroma of the food in the place made me salivated even more. Maraming tao pero may mga bakante namang mga mesa.
"Good afternoon ma'am! Table for how many ma'am?"
"Tsss... ilan ba tingin mo sa akin?" napakamot ang pobreng waiter ngunit hindi ko talaga mapigilang mairita. Hindi ko na siya hinintay na igiya ako, basta na alang akong nagtungo sa isang bakanteng mesa malapit sa salaming dingding.
May mga naririnig akong nagtitikhiman mula sa mga kalapit mesa ngunit wala akong pakialam. I concentrated on the menu book that the waiter handed me. Takam na takam ako sa mga pagkaing nakikita ko at hindi ko alam kung alin ang kakainin ko bukod sa pizza.
Kaya lahat ng makita kung nakakatakam ay sinabi ko sa naghihintay na waiter na kababakasan ng matinding pagtataka. Damn, pakialam ba niya eh kaya ko namang bayaran lahat ng inorder ko.
I'm about to put down the menu book ng mapatingin ako sa labas ng salaming dingding. May limang mga bata kasi doon na kumakatok sa aking tapat at nakalahad ang mga kamay na tila humihingi ng pagkain.
"Naku ma'am, I'm sorry po. Kung gusto niyo po lumipat na lang kayo ng mesa para hindi po kayo maabala ng mga namamalimos, marami po talaga sila dito."
"Give them each a family size pizza." Gulat siyang napatingin sa akin. "Of course I'll pay." I rolled my eyes to him in irritation kaya dali-dali na siyang lumayo sa akin. Ibinaling ko ang aking pansin sa mga bata at sumenyas na maghintay sila. At nang rumihistro ang masayang ngiti sa kanilang mga mukha ay napangiti narin ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/279579830-288-k846235.jpg)
BINABASA MO ANG
Taming The Sly Alexandria Gabrielle
RomansaHighest Rank Attained; #1 in Filipino (11/06/22) #1 in Filipino (06/11/22) #2 in Wild (10/05/22) #4 in Filipino (2/21/22) #2 in She-Devil (12/04/21) #5 in Sly (10/06/21) He has his rules... She's not willing to change... He's successful... She's a...