Purologue

100 7 1
                                    

"Para sa mga readers at followers-"

"Anak ng!!! Wag kang pa-girl dude! Gan'to: SA MGA MAANGAS NA TAGASUBAYBAY NG AMING-"

"Tsanggala! Ano ka, Magpakailanman? Mel Tiangco lang ang peg? Ang bading nyo! Dapat may dating... yung tipong

magbi-best seller worldwide!"

"Magsitigil nga kayong mga kumag kayo. Dedication pa lang yang ginagawa nyo, para na kayong mga nakabenta ng

maraming hardcopy. Wala pa nga kayong TITLE na nagagawa."

"Title? Di ba nauuna yung dedication?"

"AY! Mga chupul talaga! Title muna tapos story, saka na yung dedication sa ending."

"Eh bakit yung sa libro ko ganun?"

"Tangna naman yang libro mo walang cover eh! Panahon pa ata ni Mang Tasyo yang sayo."

"Teka, bakit si Mang Tasyo naman? Bata pa si Mang Tasyo ah..."

"Wala lang, mukha na kasing vintage si Mang tasyo eh."

"Mga tangeks! May prologue pa pala 'to."

"Eto na yung prologue."

"Ito na yung prologue? Ganito ba dapat yung prologue? Ba't iba yung sa mga story na nabasa ko?"

"Ungas! Alam mo ba yung monologue? Yung dialogue? Ganito din yun, PURO-logue!"

"Hm, bago ang lahat, may mas importante pa pala..."

"Ano? Character?"

"Hindi. Utak nyo, tignan nyo kung meron kayo."

"Sira nito o!"

"Parang di kaibigan..."

"Seryoso kayong balak nyo talaga magsulat?"

"Grabe 'tol! Kapag kami sumikat, di ka namin bibigyan ng autograph."

Re-Public Act of AngstsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon