ARTICLE XVI

23 3 0
                                    

————————-

ARTICLE XVI

————————-


Akala namin, malaki at nakakatakot na kweba at maraming paniki ang aabutan namin sa lugar na ipinagmamayabang ni Bernard. Kalahati lang pala ng expectation namin ang nandun.

Ang talagang nakakabilib, ang kulay berdeng paligid at ang mabatong ilog na sobrang ganda sa linis ng tubig. Palabas sa kweba ang tubig na dumadaloy sa ilog na pababa naman ng bundok at nagsusupply ng karagdagang tubig sa palayan na nadaanan namin kaninang madaling-araw.


"UY TIGNAN NYO O! Nakakuha ako ng picture ng isdang bato!" Pambubuska na naman ni T-Bear matapos na kunan ng picture si Poc na nakahiga sa isang malaking bato.

"Wag mong asarin yan, baka kagatin ka nyan! Hahaha!" Gumatong na naman si Bernard.

Tinignan lang sila ni Poc ng masama. Simula nang makasama nya si Ava, lagi na siyang nagpipigil ng sarili na gantihan ng kutos sila Bernard at T-Bear.

Enjoy na enjoy naman si Ava at Mona sa paliligo sa hanggang tuhod na taas ng tubig ng ilog.

Pabiro kong binatukan si T-Bear, "Ehem... matunaw! Ehem!"

"Bawal?" Binawian niya ako sa pamamagitan ng mahinang pagsiko sa tagiliran ko.

"Wala namang masama kung titignan... ang masama, yung titig mo! He-he!"

Ibinaling uli ni T-Bear ang atensyon kay Poc na talo pa hito sa paglangoy. Kinunan na naman niya ang 'kahiya-hiyang' da-moves nito.

Hindi ko maikakaila, dahil kahit ako, hindi ko mapigilang hindi mapatingin kay Mona at Ava; Kahit na naka-t-shirt pa sila, bumabakat naman ang panloob nila.

Haay... temptasyon.

"OY! ANO BA?!" Sigaw ko kay Bernard at Poc nang mag-combo pa sila sa pagsaboy sa akin ng tubig. Ipinasok ko yung hinliliit kong daliri sa tenga at itinagilid ang ulo para mailabas ang pumasok na tubig sa tenga.

"Uy! Kain muna tayo!" Sigaw ni Bernard.

"Mon, kain muna daw!" Sigaw ko din sa dalawa na abala sa paglublob sa mas malalim na parte ng ilog.

Hindi na nag-abala pang magpatuyo ng katawan, kanya-kanya kaming upo sa malawak na kawayang papag na nasa ilalim ng puno ng tuba-tuba at saka lumantak ng baon naming pagkain na ibinalot lang ni Lola Rosing sa dahon ng saging.

Mainit-init pa ang kanin na sakto naman sa nanginginig sa lamig na si Poc. Ikinumot ni Ava ang baon nitong tuwalya sa balikat ni Poc. Namula si Ava nang mahuli niya akong nakangiti habang pinapanood silang dalawa.

"Ay pusanggala!" Sigaw ni T-Bear sabay luwa ng kinakain.

"An'yare sa sayo?" -bernard

"PUTA! NAKAIN KO YUNG SILI!!!" -tito bear

"Ayan! Kasi... may pa-trap trap ka pang nalalaman ha! Ayan, ikaw tuloy nabiktima ng kalokohan mo!" -ako

Nagtawanan kami nang ibalik niya sa dahon yung bangus na pinalamanan niya ng maraming sili.

"Nga pala, guys, wag kayong masyadong lalapit dun sa parteng papunta sa kweba ha." Paalala ni Bernard.

"Bakit, may nangunguha ba dito?" -ava

"Parang..." -bernard

"Anong parang? Di ka pa sigurado?" -ako

"Hindi, kasi, malalim daw yung parteng sa may bukana ng kweba; eh, pag tanga ka tapos di ka marunong lumangoy..." -bernard

Re-Public Act of AngstsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon