ARTICLE XII

18 2 0
                                    


--------------------
ARTICLE XII
--------------------


Siguro, kung hindi lang naghahanap ng alter world ang mga mambabasa, baka matagal nang walang kwenta ang paggawa ng kwento.

Wala lang. Naisip ko lang. Kasi, biruin mo, kung magbabasa ka ng kwento na katulad ng buhay mo ang tema, katulad ng mga kurakot sa gobyerno ang kontrabida; mahirap ka na nga sa kwento tapos flat lang ang flow ng events, tapos parang walang thrill, tapos walang pinag-iba sa walang kwentang daily life mo, tapos parang......... (repeat to the Nth times)

OH DI BA?

Walang sense. Eh di sana nagbilog ka na lang ng kulangot maghapon, may pandikit ka pa! Kesa magbasa ka ng kwento na wala namang pinatutunguhan.

Wala lang. Naisip ko lang. Kaya siguro kahit anong cliche pa ng kwento eh kinakagat ng mga nagbabasa, hindi lang basta kinakagat, kundi nginangata at paulit-ulit pang nginunguya kahit wala nang lasa.


____________

Kamalas-malasang araw nga naman. Bakit ngayon ko pa naiwan yung cellphone ko, kung kelan mahaba ang pagitan ng oras ng mga subject ko saka pa ako mawawalan ng contact dun sa mga ungas.

Napabuntong hininga na lang ako sa pagkadismaya.

Pagod, uhaw, namamaltos pa ang mga paa ko kakahanap kung saang tambayan ko hahagilapin yung tatlo.


Haay... University hall.

Tahanan ng mga pagod at nais magpatuyo ng mga basa nilang kilikili dahil sa sobrang init.

Ito lang siguro yung hall na wala masyadong wall (naks! It rhymes). Malayo sa Educ Department building kung saan ako dapat paroroon. Open kahit kanino, maliban na lang sa mga side walk vendors.

Open sa mga studyanteng pa-existential.

Katulad ng katabi ko.

"... Hindi lahat ng nakakapag-aral matalino, same matter na hindi lahat ng matalino nakakapag-aral. Grabe! Dapat talaga totohanin nila yung sinasabing free education! Sa dami ng projects, xerox, etc., ano na ang free doon?! Hah?! Sabihin mo! Kesyo ganito, blah-blah-blah..."

Hay, grabe di ba sya pwedeng magsalita na hindi sinasabayan ng paghampas sa balikat ko. Tumingin ako sa guard na abala sa pagngata ng mais.

Ibinulong ko na lang sa hangin ang mga hinaing ko. "Guaaaaard... heeeylp..."

Ayokong mag-isa, malumbay sa malawak na kawalan... pero kung mala-raliyista sa Mendiola ang makakaulayaw mo-good luck.

Sinipat ko siya ng mabuti. Mukha namang normal. Nakapusod na buhok, maayos ang make-up, elegante, kung naka-bikini 'to malamang matatalbugan na nya ang mga brazilian models na nasa mga magazine sa ilalim ng unan ko-ehem... uma-out of this world na naman ako.

Kung maka-palo sa balikat ko, close tayo teh? "Solve ka na ba sa pangto-torture?"

"Hindi pa."

Ay talaga naman. Kapal. "May klase pa ko eh."

"Huh? Liar..." -sya

"Ayos ka ah..." -ako

"Next time, wag mong ilalagay sched mo sa ID holder para di ka mabuking! Ayan na nga ba sinasabi ko eh, nag-aaral, nagbabayad ng pagkamahal-mahal na tuition tapos walang natututunan! Observation skills ng mga bata di nila naiimprove, tapos ang-"

"Oo na. Oo na... uumpisa ka na naman sa mga angsts mo sa buhay tapos ako pagdidiskitahan mo. Taga-saang department ka ba?"

"Ano, uhm... CHM."

Re-Public Act of AngstsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon