ARTICLE XIV

17 2 0
                                    


--------------
ARTICLE XV
--------------

'Ano ito, Santacruzan?' Bulong ko sa sarili nang makita ang mahabang pila ng mga estudyanteng kung todo bihis pa sa mga suot nilang barong at gown.

Pinilit ko na makalagpas sa halos ayaw magpadaan na mga nakapila pero hanggang sa hagdanan ay dumudugtong din pala ang pila.

Kanya-kanyang pwesto; may nakaupo na abala sa pagkukulot ng buhok, may mga nagme-make up, mayroon din mga kalalakihan na doon na nagsipagsuot ng mga baon nilang barong.

Hindi pa man ako nakakalagpas sa ikatlong palapag ng Arts and Science building ay may natanggap akong isang text.

[From: Clsm8-Mona: ||Germ, nid help pls. Hir me s bilyarn...||]

_________

"Wala kasi si Bernard, sorry ha?" Paliwanag ni Mona.

Maingat kong inirolyo ang curling iron mula sa dulo ng buhok ni Mona pataas, hanggang sa maabot nito ang balikat. Bumibilang na lamang ako ng lima bago muling ilugay sa pagkakarolyo.

Abala siya sa pag-aapply ng eye shadow at minsan ay magtatanong pa kung maganda ang kombinasyon. Kapag umiiling ako ay bigla niyang buburahin at hahanap muli ng panibagong kulay.

"Gandahan mo Mona, ngayon lang kita makikitang naka-make up!!!" Pabirong sigaw ni Aling Thelma.

Inabot kami ng halos isang oras sa pag-aayos.

"Sandali lang ha."

"Saan ka pupunta?"

"Dyan lang, makikibihis."

Imbes na sa public wash room siya pinatuloy ni Aling Thelma, sinamahan siya ng ale sa itaas ng bilyaran kung saan sila nakatira.

Habang naghihintay ay iniligpit ko na ang mga ginamit ni Mona sa pag-aayos na siya namang hiniram niya mula kay Aling Thelma.

Maging ang ibang mga estudyanteng nagbibilyar ay napalingon nang lumabas na si Mona. Nakasuot siya ng isang simpleng itim na gown na abot hanggang sa bukong-bukong nito na bumagay naman sa smokey eyes at wavy niyang buhok. Lumabas ang ganda ng hubog ng katawan niyang batak sa pagtatrabaho.

Sa mga oras na iyon ay naramdaman kong ako na ang pinakamaswerteng lalaki sa mundo habang animo'y umiislow-mo ang paglapit niya sa akin.

"Maganda ba?" Tanong niya.

Akmang sasagot na sana ako nang biglang may isang lalaki mula sa likuran ko ang nagsalita.

"Bagay na bagay Mon-mon!!!" Sigaw ni T-bear.

Naglaho na lang ang ngiti ko at napabulong. "Hay, walang forever."

"Naks! Grad pic na sya... pa-picture muna bago ka umakyat dun sa taas." Inilabas ni T-bear ang cellphone niya at inutusan akong kunan sila ng picture.

Hindi ko na pinalagpas pa ang pagkakataon na makapagpa-picture na rin sa kanya.

"Ano, halika na? Baka bukas ka pa makunan ng litrato nyan sa haba ng pila dun sa taas." Paalala ni T-bear.

Iniabot ko kay T-bear ang mga gamit ni Mona, isang kulay asul na sports bag at isang paper bag na may mukha ni Dora the Explorer. "Ikaw na magbitbit nyan, dyahe naman kung sa postura ni Mona e dadalhin pa nya yang ganyang klase ng bag."

"Ginawa mo naman akong alalay nito." Bulong niya.

"Let's go na! Dali at nang matapos na 'to!" Halata sa paulit-ulit na pagpikit niya ang pagka-iritable at ang di kasanayan sa make up.

Re-Public Act of AngstsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon