ARTICLE XV

25 2 0
                                    

————————-

ARTICLE XV

————————-


Malayo pa lang, nakikita ko na si Bernard na nakatalungko sa harapan ng gate namin.

"Nangyari sayo?"

Napakamot siya ng ulo. "Wala."

Isinandal ko yung maleta sa bakod at naupo sa tabi niya. "Nag-show daw kayo ng ermats mo dun sa apartment ha... 'nong meron?"

"Wala," umiiwas siya ng tingin, "tismosa talaga nung gurang na 'yon!"

"Grabe ka naman."

Kahit wala ang sagot, halata namang may dinaramdam si Bernard.

Sa tagal na nagpapakiramdaman kami, sa wakas ay umimik din sya,  "Kuhaan na ng clearance next week."

"Oo nga. Bakasyon na rin."

"Ano... uuwi ba kayo sa probinsya?"

"Hindi. Mga kumag naman yung mga relatives ni Tatay sa Bicol."

"He-he. Kumag talaga ha. Sila Poc kaya?"

"Kakadating lang ng erpats nya kanina. Naabutan pa nga ako ng Kisses e, isang balot. Gusto mo?"

"Salamat na lang. Marami din nyan dun sa bahay ni mommy, may kasama pang bulyaw."

"Ano ba kasing nangyari sayo?"

"Wala lang yun, di ba nga bago ako nag-B. A., nasa Educ din ako. Eh, ayun, may tour sa department namin ngayong summer kaya nagpadala ng waiver yung school dun sa bahay ni mommy—buking!"

Tumango ako. "Yari ka nga dun. Akala ko ba nasabi mo na sa kanila na nag-shift ka?"

"Kay daddy lang. Alam mo naman si daddy, kahit ano oks lang dun. Sa isa lang talaga ako sabit."

"Bakit di ka na umuwi dun sa apartment mo? Pag inabutan ka pa ng alas-nuwebe dito, mahihirapan ka nang sumakay. Rush hour na."

"E," hinimas niya yung batok niya. "Mam'ya na."

______

"Kaya nga sabi ko, 'mga bata pa kayo, mahirap ang magka-pamilya agad sa ganyang edad'," kwento ni Nanay kay Bernard.

Tawa lang nang tawa si Bernard sa chismis ni Nanay tungkol sa pagkakahuli niya sa amin ni Mona habang itinatakas yung computer may ilang buwan na rin ang nakakaraan.

"E, 'Nay, di ko naman ho gelpren yun e! Friends lang kami." Depensa ko.

"Naku ka! German, sumo-showbiz ang peg ha." Gumatong pa si Bernard.

"E, ikaw kuya Bernie, may girlfriend ka na rin ba?" Usisa ni Duday na gwapong-gwapo naman kay Bernard.

Inilapag ko sa mesa ang isang kaserola ng bagong init lang na sinigang. Nagsalin ako kanin sa isang malaking plato at inihain din iyon kasabay ng isang pitsel ng ice tea.

"Wala akong gelpren. Sabi nga ng Nanay mo, bata pa kami. Hahaha!"

"Kain muna, Bernie."

Sama-sama kaming naghapunan.

Hindi na rin masama para sa isang medyo badtrip na araw.

______


Pang-ilang ulit nang tumutugtog yung graduation march song.

Abala ang lahat sa pag-aayos ng make-up, pin sa garland, hair pin sa toga, kanya-kanyang selfie o groupie... maingay pero masaya ang lahat.

Re-Public Act of AngstsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon