ARTICLE IV

21 3 0
                                    


-------------------

ARTICLE IV

-------------------


___

Bigla niyang sinapak si Nunoy Buknoy.

"Ba't ako?! Di ba dapat siya?!" Sigaw niya.

"Paharang-harang ka kasi!" Sigaw din Bulanday.

Namumula yung kanang pisngi nya pero naduplicate pa yun sa kaliwa dahil nasapak pa siya ng kalaban nila.

"Mga kupal kayo!!! Eto sa inyo! SUPER MALAKAS NA PUNCHAAAA!!!"

Whaaapaak!!! Talsik ang mga kalaban!

"Ugh! Hindi pa kami tapos!" Babala ng isa sa mga jerbolz na alagad ng ultimate villain na si Haring Gerbax.

Biglang yumanig ang lupa at nagkaroon ng bitak ang kalsada.

"Tignan nyo!" Nakaturo si Nine Mane sa langit.

May papalapit na malaking halimaw samin.

"Nagpadala naman si Gerbax ng panibagong sakit sa ulo!" Sabi din ni Buboy-labugin. "It's time for-"


Chen-chenen-chen!


ULTRA BOBOCAP MACHINE!


Chun-churun-chuchun-chun-chun!!!

Nagcombine-combine ang mga parts ng mga robot na may astig na background song.

All: ULTIMATE TRANSFORMATION! ULTRA BOBOCAP MACHINE! Cha-naaaan!!!

Tapos background song ulit.

"RHWWWWAAAARW!!! Ako si Jumonggulers at tatapusin ko kayo mga Bobocap Rangers!" Sigaw ng halimaw na may mabahong kulay green na hininga.

"Asa ka Jumonggolers! Hindi magpapatalo ang bida ng katarungan!" Sigaw ng leader na si Buboy-labugin.

"Tanggapin mo ang GREEN KANAN KNUCKLES!" Sabi ni Nunoy Buknoy.

Kapow! Tinamaan ang halimaw.

"Eto pa sayo! KALIWANG FIVE FEET!!!" Sigaw ni Nine Mane.

Toogsh! Pak! Toogsh! Tinamaan ang halimaw ng limang ulit na sipa.

"At ang panghuli, ang pinaka-malupet na Bobocap attack-" Sabi ni Bulanday.

ALL: "BOBOCAP MEGAFART BEAM!!!"

Tumalsik ang kalaban sa ere papuntang outer space at ginawa ng Ultra Bobocap Machine ang kanilang signiture pose.


The Adventures of Buboylabugin and the Bobocop Machine. Stay tuned for the next episode.
___

Ibinaba ni Duday ang hawak niyang phone at tinignan akong asar na asar at nakataas pa ang kilay. "Kuya! Anong kalokohan 'to!?"

"Okay ba?" Tanong ko.

"Anong okay? DUUUUH!!! Ang baduy kaya! Ang corny corny as in! Sino bang kupal nagsulat neto?!" -duday

"Bakit? Mukhang okay naman di ba?!"

"Yuuuuck!!! Yuck talaga kuya! Gagawa ka na lang ng story ang baduy pa! Bobocap machine..."

"Uy! Sira neto! Di ako may gawa nyan! Mukha ba akong gumagawa ng ganyan?!"

"Ba't ka guilty?! Weh! Denial. . ."

Re-Public Act of AngstsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon